4

291 44 10
                                    

Medyo tulala parin ako hanggang sa makaalis na sila ng kwarto. Pupunta na sila sa next sched nila, at dun din ang punta namin. Dahil nga ang swerte swerte ko, sa loob ng isang buong linggo, makakasama ko sila araw-araw. Sa lahat ng activities nila for the whole week, andun din ako. *huwaa*  Sana hindi na matapos ang isang buong linggong 'to.

"Ok ka lang ba?" - Ateng Staff no.1

"A-ahh.. E-ehh. Medyo po."

"Masasanay ka rin." Ateng staff no.2

"Pano po? Sobrang kinabahan po talaga ako nung nakita ko sila eh"

"Basta, relax lang girl" - ASNo1

Next stop namin ay yung guesting nila sa isang variety show. Kasama lang ako ng staffs sa may backstage. Ganito pala yun. Habang yung lahat, nagsisiksikan makita lang sila, ito ako ang saya saya lang dito sa likod at nakikita ko pa sila ng malapitan. Tinitignan ko lang sila na inaayusan bago sila lumabas. 

"야! 미나, 우리를 기다려  [Ya! Minna, wait for us]" - Yoseob tapos sabay wink.

*Aigoo* Can I die now? 

"요섭이, 가자! [ Yoseob-i, Let's Go! ]" - Junhyung

Ngumiti naman si Gikwang sakin bago umalis. Tapos tinap ni Dongwoon yung ulo ko. 

After 2 hours of taping, didiretso na raw sila sa dorm nila. Para makapagpahinga kasi mamayang gabi, may mini-concert naman sila. At syempre, kelangan na raw muna naming bumalik ng hotel. Medyo nalungkot ako nung nalaman kong hindi kami sasama sa dorm nila. Umaasa pa naman ako. *pout* Pero syempre, hindi ko pwedeng ipahalata yun.

Paalis na sana kami ng biglang lumapit si Yoseob tapos may ibinulong sakin. *blush*

YANG YOSEOB KA TALAGAAAA! 

 • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • ♛ • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • 

BEAST'S MINI-CONCERT

 • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • ♛ • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • 

Again, we're here at backstage. Nagreready na sila para sa performance nila mamaya. Si Yoseob kumakanta-kanta. Si Gikwang at Dongwoon, sumasayaw. Si Hyunseung naman, medyo nakikiduet kay Yoseob. Si Dujun, inaayusan pa ng buhok. At si Junhyung? Ayun, nasa sulok lang, tahimik na nanonood sa kakulitan si Gikwang at Dongwoon. 

Nang matapos ayusan ng buhok si Dujun, nagready na sila para sa paglabas nila ng stage. Naririnig na namin ang sigawan ng fans sa labas. Ang daming tao. Kahit mini-concert lang siya, parang concert talaga as in big concert.

Pagkaakyat na pagkaakyat palang nila ng stage, grabe na yung hiyawan ng mga tao.As in tilian everywhere. Una nilang kinanta yung Good luck. After ng performances, konting chikahan with their fans tapos last nilang kinanta yung pinaka-paborito ko sa lahat, yung [니 가 제 일 좋아] I like you the best. . At dahil, isa yun sa mga pinapangarap ko, lumabas ako ng backstage para mavideohan ko yung performance nila. Sobrang pinigil ko talaga yung tili ko para kahit papano, may marinig pa sa video, although alam kong may chance naman akong magrequest kay Yoseob. Gusto ko parin na mavideohan yung mismong performance nila. Iba parin yung ganito. 

B2uty meets her B2st [ Beast Fanfic | Series | On Hold ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon