Nakatayo ako sa harap ng gate ng Konoha, iniangat ko ng bahagya ang aking ulo at aking tinitigan ang malaking karatula sa taas bago ang bubungan ng malawak at malapad na gate ng Konoha. Nakalagay dito ang katagang nagsasabing "MALIGAYANG PAGDATING SA BAYAN NG KONOHA" .. napangiti nalang ako at inalala ang mga nakaraang napasama sa aking buhay mula sa bayan na ito.
"Ei Sasuke! Ikaw naba yan Uchiha Sasuke? " tawag ng isang Ninja na nakasuot ng ANBU black attire.
Nakapagtataka hindi ko naman siya kilala ngunit alam niya ang pangalan ko.
Tumalon siya pababa mula sa itaas na gate keeper's house ng Konoha at siya'y lumapag ng maayos sa aking harapan. Naalala ko ang normal na hugis ng kanyang mata at katamtamang tangos ng ilong, siya'y ngumisi ng bahagya at sa wakas naalala ko na din siya.
"Yamato! " malamig na sambit ko sa kanyang pangalan.
"Nagbalik ka." Nakangisi parin si Yamato.
"Si Naruto na ang bagong hokage natin."
Wala akong ka reakreaksyon sa sinabi niya at nilagpasan siya.
"Eyyyy !! Sasuke! Saan ka pupunta? "
Nakalayo na ako bago niya pa ako masundan. Hindi ako sana'y makipag usap sa iba, kaya't umiwas nalang ako sa kanya.
Nasa market place na ako ng bayan., nakakapagtaka ang dami na palang nabago dito. Dati wala pang masyadong tao dito, wala pang masyadong nagtitinda ng kagamitan o anu pa man, ngayon ay naging kabaliktaran na ng lahat.
Napatigil ako sa gitna ng napapaligiran ng kumpol kumpol na tao at sa isang kalapit na stall na nagtitinda ng mga ibat ibang klase ng bulaklak may isang matinis na boses ng babae ang bumigkas ng pangalan ko na para bang tinatawag ako nito.
"Sasuke !! "
Kumakaway siya sa akin at iminomosyon na ako'y lumapit.
Naglakad ako papunta sa direksyon ng babaeng tumatawag sa akin. Blonde ang kulay ng kanyang buhok at mahaba hanggang beywang, nakapusod ang kanyang buhok sa likod, mapungay ang kanyang mga pilik mata, matangos ang ilong at katamtamang pulang mga labi, at mas matangkad ako sa kanya ng kaunti.
Ngumiti siya sa akin at ng malapit na ako sa kanya ay agad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Sasuke-kun . Nagbalik ka. "
"Ino . . . Yamanaka" mababang pagbigkas ko sa kanyang pangalan.
Kinalag niya ang kanyang mga kamay sa pagkakayakap sa akin at diretsong tumingin sa aking mga mata ng nakangiti.
"Kailan ka pa dumating? " tanong niya sa akin .
"Kanina, kararating ko lang." Tugon ko.
"Hinahanap mo ba si Naruto? "
" . . . " sa totoo lang wala akong pakialam kay Naruto, kahit Hokage pa siya ng bayan nato. Tinignan ko siya ng matalim ng sa ganon ay makuha niya ang ibig kong sabihin at siya'y sumimangot.
"Kung hindi si Naruto ang nais mong makita? Siguro ay si Sakura o ako ang gusto mong makita." Nakangising nagtanong ulit.
" Wala akong pakialam sa kanya." Yun na lamang ang nasabi ko at sabay talikod.
"Asan siya? "
"Wala kang pakealam sa kanya pero tinatanong mo kung nasan siya?? "
" . . . " nang aasar ata tong babae nato, wala na siya pakialam kung bakit ko hinahanap si Sakura. Lumakad na ako at dinedma ang mga walang kwentang tanong niya ng sa wakas ay sinabi niya rin kung nasan si Sakura.

BINABASA MO ANG
Reverse love of SasuSaku
RandomMinsan lang dumating ang true love, kaya once na nahanapan mo na ito? huwag mo ng pakawalan dahil kapag ginawa mo yun magsisisi ka sa huli. Pahalagahan mo ang pagmamahal na binibigay niya sayo dahil oras na siya ay nagsawa na, mahirap na siyang iba...