Iminulat ko ang aking paningin. Pagkagising ko tila puti lahat ng nakikita kong bagay, pati ang kulay ng paligid. Napakatahimik at hindi pa masyadong klaro ang paningin ko. Nasan nga ba ako?
"Gising kana pala Sasuke-kun." Sweet na sambit ng babaeng pula ang buhok at nakasalamin.
Nandito si Karin sa tabi ko?
" Errhhmm ... na-saa-n ako? " tanong ko ng pautal. Nahihirapan akong magsalita, ramdam ko na may masakit sa likod ng ulo ko kaya napapailing pa ako sa pagsasalita.
"Nandito na tayo sa Hospital ng Konoha." Sagot niya.
Pinilit kong bumangon pero hindi ko talaga kaya, bumagsak ang katawan ko sa foam ng hospital bed.
"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo Sasuke-kun, hindi ka pa masyadong magaling. Sariwa pa ang mga sugat na natamo mo."
"Kai--lan .. pa ako .. dito? " tanong ko kay Karin.
"Actually apat na araw kanang walang malay." Tugon niya sa sweet parin na pagsasalita.
Dahan dahan kong Irinelax at isinandal ang likuran ng ulo ko sa malambot na unan at tumingala ako. Sinubukan kong alahanin ang lahat ng nangyari.
Tok! Tok! Tok! .. may kumatok sa pintuan. Tumayo si Karin sa kinauupuhan niya at binuksan ang pinto. Nakita ko ang babaeng kulay pink ang buhok na nakasuot ng Doctor attire. Pumasok siya at naglakad siya papunta sa direksyon ng bed na kinahihigaan ko.
"SAKURA?? " pagtatakang sambit ko ng kanyang pangalan.
Ngumiti naman siya sa akin bilang tugon.
"Magandang araw sayo Sasuke-kun. Buti naman at gising kana."
Nakatitig ako kay Sakura na nakaupo na ngayon sa gilid ng bed ko.
"Huwag ka mag-alala, nandito lang ako para sabihin sayo na Na-check ko na ang resulta ng paggaling mo at okay naman ang kinalabasan. Kaya within these 2 days makakalabas kana rito sa Hospital." Mahinahon nitong sabi at sabay ngiti.
Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa maaliwalas at maamong mukha niya. Napakaganda niya talaga, hindi ko makayang iwasan ang mapatingin sa kanya.
Napansin niya na nakasentro lang ang tingin ko sa kanya kaya agad siyang tumayo.
"Uhhmm .. I guess kailangan ko ng mauna sa inyo. Maiwan ko na kayo. Pagaling ka Sasuke-kun." Aniya sa normal na tono at ngumiti.
**
Pagkalabas niya ng room ko. Tahimik siyang dumaan sa hallway ng hospital. Sa bawat ninja, sibilyan, at empleyadong nakakasalubong niya ay binabati siya ng mga ito ng buong giliw. Gustong gusto nila si Sakura sapagkat napakamagalang niya, humble, maasikaso, matulungin, maintindihin at higit sa lahat isa siyang dyosa ng kagandahan.
Lahat sila ay sinusuklian niya ng napakamaliwanag na ngiti, kaya minsan ang ibang lalaki rin ay nahuhulog sa kanya. Pero sa kasawiang palad, ang Sai na yun ang karelasyon niya ngayon.
Araw araw palang sinusundo ni Sai ang kanyang gf pagkatapos ng duty nito sa hospital.
Nakakainis ! Ano bang nagustuhan niya sa lalaking yun?! Peke rin naman kapag ngumiti ito at halatang walang pakialam sa iba.
Sa labas ng hospital kung saan may mini park, may mga bench na mapagtatambayan, dun nakaupo si Sai hinihintay na lumabas si Sakura mula sa duty.
Natanaw niya na naglalakad na si Sakura malapit sa main entrance/exit glass door. Agad na tumayo si Sai at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Sakura.
"Hi Sakura-chan." Bati nito
"Owh ! Sai-kun kanina ka pa diyan? Bakit hindi kana lang pumasok sa loob?"
"Hindi na kailangan, makakasagabal lang ako sa mga pasyente mo.
Ano ihahatid na kita pauwi.""Okay." Nakangiting pagsang-ayon ni Sakura.
..
"Karin?" Nandito parin siya sa tabi ko, nagbabantay.
"Ano yun Sasuke-kun?" Aniya.
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata at maya maya'y namula na ang mga pisngi niya.
"Maraming salamat." Sa wakas na sabi ko. At sabay ngiti sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/33948946-288-k515497.jpg)
BINABASA MO ANG
Reverse love of SasuSaku
AcakMinsan lang dumating ang true love, kaya once na nahanapan mo na ito? huwag mo ng pakawalan dahil kapag ginawa mo yun magsisisi ka sa huli. Pahalagahan mo ang pagmamahal na binibigay niya sayo dahil oras na siya ay nagsawa na, mahirap na siyang iba...