Ang Misyon

233 9 0
                                    

Tirik na tirik ang araw. Naabutan ko si Naruto na humihilik, nakasandal ang kanyang ulo sa lamesa, nakasuporta ang dalawang kamay nito. Lumapit ako sa mesa nito at bigla kong kinalabog 'Baaang!!!'

Agad siyang nagising at napatalon sa kinauupuhan.

"Ano ba teme? Bakit ka ba nanggugulat? " sumbat niya sa pagkaniyerbos.

"Dobe , Ipinapatawag mo ako? "

"He! He! ~ masyado kang maangas Sasuke-teme, itabi mo muna yan. Hihingi sana ako ng pabor sayo."

"Sige. Diretsuhin mo na."

"May nagbabantang isang grupo ng gang ninja ang balak na pasabugin ang kalapit na bayan mula dito sa Konoha. Ang Lahorsha, matatagpuan ang bayan na ito sa kanluran. Malalakas ang mga gang na ito, marami na silang naging crime records. Kaya teme magiingat ka, dalawa ang sasama sayo sa misyon na ito. Sina Shizou at Halena."

"Hindi ko kailangan ng kasama! "

"Hahaha! Mayabang ka parin teme. Pero hindi ka uubra sa isang grupo ng gang na ito kung magisa mo lang. Kaya mas mabuting huwag ka ng magmatigas." Tugon ni Naruto na masyadong pabida.

"Hn.. Tignan natin." Ngumisi nalang ako at tinalikuran siya.

Pagkalabas ko ng building ng Hokage, nasalubong ko sa daan si Ino. Magtatago na sana ako ng biglang naunahan ako ng pagbati nito.

"Hi ! Sasuke-kun." Nakangiti nitong panimula.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? " nakayuko ako, nawalan ako ng lakas ng loob para iharap ko ang aking mukha sa kanya. Nagtataka siya kung bakit ganun ang sinabi ko.

"Anong ibig mong sabihin Sasuke-kun? "

"May relasyon pala sila ng mahinang Sai na yun."

"Sai-kun?? "

"Hindi mo ba nakukuha ang ibig kong sabihin? "

"Pasensya na Sasuke-kun. Bakit ba si Sai-kun?"

"Kung ganun slow ka rin pala. Parehas kayo ng bestfriend mong si Sakura. Tanungin mo si Sakura tungkol sa kanilang dalawa ni Sai."

Iniwan ko siya at hindi na pinansin ang iba pang katanungan niya.

..

Dala-dala ko ang isang travel bag kung saan dito nakalagay ang mga basic needs ko. Wala akong magagawa, kailangan kong hintayin ang dalawang sasama sa akin sa misyon na ito. Palubog na ang araw, nakatingala ako at pinagmamasdan ang payapa at napakagandang pagkubli muli nito sa likod ng mga ulap at bulubundukin.

"Kanina ka pa diyan Sasuke-sama? "

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang dalawa na kumakaway.

Tiningnan ko lang sila sa malamig at blankong expression.

"Tara na." Sambit ko sa malamig na tono ng boses ko.

"Haii" .. sabay sabay kaming nagteleport palabas ng konoha, hanggang sa nasa loob na kami ng masukal na gubat.

----------

"Sasuke-sama. Maari bang magpahinga muna tayo? " isang request ni Halena.

Hn .. mga babaeng ninja talaga pareparehas silang mahina.

"Hindi. Ang isang ninja ay hindi nagpapahinga kung may importanteng misyon." Baling ko sa iritadong boses. Napayuko sila, sapagkat napahiya sila sa sinabi ko.

Patuloy parin kami sa paglalakbay, nagpapatalon talon ng mabilis sa matataas at matayog na puno sa kagubatan.

Maya-maya'y may biglang naghagis ng kunai sa amin, agad naman namin itong naiwasan.

Agad kong inilabas ang kusinagi, naglabas din ang dalawang kasama ko ng kanilang mga kunai. Napatigil kami sa isang malawak at hindi masyadong okupado ng matataas na puno. Alerto kaming pomusisyon, pinapakiramdaman ang chakra ng umatake sa amin.

Cliiiiinnnggg !! Xx

Sa isang idlap, tumba na ang dalawang kasamahan ko na nasa likod ko.

**

Inactivate ko ang sharingan at agad kong nakita ang halos 20+ na shuriken at kunai na tatama sa akin. Bago pa ako matamaan ay agad ko ng nailagan ang mga iyon.

At pagkatapos may isang hindi pamilyar na boses ng lalaki ang pumuri sa sarkastikong paraan sa ipanakita kong galaw.

"Tignan mo nga naman oh. Ang nagiisang Uchiha pala ang makakalaban natin ngayon."

Nagsilabasan ang anim na lalaki. Sa kanilang pananamit ay mayroong marka ng notang simbolo tulad ng sa sound. Kung ganun sila na nga ang mga gang ninja na sinasabi ni Naruto, hindi ko aakalain na mas mapapaaga kaming makikipaglaban nito.

"Tumba na yang dalawa at mahihina mong kasama. Pano ba yan? Mag isa mo nalang. Tapos kana dito Uchiha. At bago ka mamatay, gusto ko malaman mo ang aking pangalan. . 'Zed' " Pananakot ng lalaking nakapameywang at humahalakhak.

Nakisabay din sa paghalakhak ang mga kasama nito, habang pinagmamasdan ako.

Nang mahinto sila sa pagtawa  ..

"Hn. Mga ulol." Napangiwing sabi ko.

Nabwiset ang tatlo niyang kasamahan sa sinabi ko at agad akong sinugod. Sabay sabay silang nagbitaw ng malakas at nababalutan ng naipon na chakra sa kanilang kamao ng bago pa matanggap ng katawan ko ito ay agad ko na silang nasaksak ng aking kusinagi sa isang maayos at hindi kapansin pansin na galaw. Nagulat sila at umubo ng maraming dugo. Ilang segundo ang lumipas ay bagsak na ang katawan nila sa lupa.

"Magaling ka talaga Uchiha. Napahanga mo na naman ako." Sabi ni Zed na nakangiwi.

"Zed pano namin matatalo yan? Agad niyang napatumba ang ibang kasama natin." Tanong ng dalawang kasama ni Zed. Sa palagay ko pinuno nila si Zed.

Nakatayo parin ako at nakarelax na pinapanood sila sa taas ng matayog na puno. Binubulungan ng dalawa si Zed at pagkatapos  ..

"Sugurin siya!!! " utos ng kanilang pinuno.

Pinagbabato nila ako ng maraming kunai at kasabay silang umatake sa akin. Tumalon ako ng mataas at unti-unting linapitan ang dalawa. Nagawa ko na ang chidori sa kanang kamay ko at sa isang dausdos lang ng hangin ay sabay na natamaan sa dibdib ang dalawa. Bagsak. Nangingisay saglit. Patay.

Tinignan ko ng matalim ang natitira at nagiisang si Zed.

"HAHAHA ! HINDI KO AKALAIN NA GANUN MO NALANG KADALING MAPATUMBA ANG MGA ALALAY KO. HUWAG KA MAG ALALA UCHIHA, DAHIL NAGSISIMULA PALANG ANG LARO. ISA LABAN SA ISA".

mungkahi nito sa akin.

Reverse love of SasuSakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon