Hindi ganun kadali

262 10 0
                                    

Nakatitig siya ng diretso sa aking mga mata. Wala akong mabasa na sagot sa kanyang mata, malinaw na blanko. Tumayo siya mula sa kinauupuhan niya at naglakad papuntang kusina. Pagkabalik niya dala niya ang Tea set. Inilapag niya ng dahan dahan ang kanyang dala sa table na nasa harapan ko. Sinalinan niya ang dalawang tea cup .

"Tea." Iniabot niya sa akin ang isang cup ng tea.

Narinig niya ba ang mga sinabi ko? Narinig niya ba kung gaano siya ka importante sa akin? Bakit wala siyang reaksyon dito?

"Sakura-chan .. " binanggit ko ang kanyang pangalan, naghihintay ako ng tugon.

"Hindi ganun kadali .. ang mga bagay-bagay ngayon .." huminto siya at humigop ng tea. Nakalingon siya sa malayo.

Ano kayang iniisip niya? Anong ibig niyang sabihin na 'hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay ngayon'? Okay naman na lahat ah ' payapa na ang mundo. Siguro kailangan ko siyang ayaing kumain muna sa labas.

"Hn .. Pwede ba ta--" naputol ang aking salita, bigla nalang may kumatok ng malakas sa pinto.

"Excuse me Sasuke-kun." Pinuntahan niya ang pinto at pinihit ang door knob upang ito'y magbukas.

"Hello Sakura-chan." Nakangiting pagbati ni Sai at agad nitong hinalikan si Sakura sa labi. Medyo ilang segundo din bago nila ikinawala ang isat isa. Hindi tumanggi si Sakura sa halik ni Sai. Kung ganoon may relasyon sila. Liningon ako ni Sai at bumati, bago pa siya makaupo sa tapat ko ay tumayo na ako at sinalubong silang dalawa malapit sa pinto. Palabas na ako pero bago yun bumulong muna ako sa kaliwang tenga ni Sakura, "Alam mo .. Nakakainis ka."

Bakit hindi nila sinabi sa akin nung una palang na may relasyon sila! Akala ko ba wala siyang boyfriend. Ano ito! Bakit hindi alam ng iba na sila! Nakakaasar! Yung lalaking yun, wala akong tiwala sa kanya. Sasaktan niya lang si Sakura, nararamdaman ko. Sa sobrang galit ko at pakiramdam ko nabigo ulit ako, sinutok ko ng malakas ang puno sa harapan ko. Walang kwenta!

"Hey Sasuke ! " lumingon ako sa likod at tinignan kung sino yung tumatawag sa akin.

"Shikamaru. Bakit? " tugon ko.

"Hindi naman ata patas na pagbuhusan mo ng galit yang puno nayan. Walang kalaban laban oh."

"Wala kang alam! Umalis kana."

Humithit siya ng sigarilyo at sabay buga ng usok. Nakarelax ang kanyang kanang kamay sa beywang. Mahina siyang tumawa at nagsalita muli. "Tama ka ~ wala akong alam kung bakit mo sinusuntok yang puno na yan pero ang alam ko kailangan mong magpunta sa office ng hokage ngayon. Hinihintay ka niya, may misyon siyang ipapagawa. Sige , mauna na ako." Agad siyang nakaalis, sa simpleng padyak sa lupa.

Pinagmasdan ko ang namumulang kamao ko. Nadama ko ang dalisay na simoy ng hangin at sumama sa direksyon ang maliliit na spike ng aking buhok. Sa isang ihip pa nito ay isang malakas na suntok ulit ang ipinatama ko sa puno, dahilan upang lumabas ang kaunting dugo sa aking kamao.

Reverse love of SasuSakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon