ANDREI'S POV
Ngayon lang ako pupunta sa bahay ng isang babae first time ko kasi eh. So meaning nun first girlfriend ko siya pero hindi ko siya mahal. I'm just gonna make her fall inlove with me. Kaya nag tanong ako kay pareng google kung ano mga kaylangan gawin. Kaya eto ako ngayon sa flower shop bumibili ng blue rose.
Blue yung napili ko kasi favorite color ko 'to tsaka ang ganda kaya. May dala din akong chocolate. Kinakabahan ako,para akong natatae na naiihi at the same time. Nandito nako sa tapat ng bahay ni Sassy tumingin muna ako sa salamin at inayos ko buhok ko. Anlamig ng kamay ko.
Nag doorbell nako pero hindi pa bumubukas kaya nag practice muna ako ng sasabihin ko para kiligin siya.
"Ehem.... Ehem..." ayos ng damit "Good Morning babe flowers and chocolate for you i love you" ang corny naman isa pa "Ehem.... Ehem..." "Hi Sassy! Good Morning flowers at chocolate nga pala para sayo mahal ko" "Ang corny nanaman! Aish!" Last na 'to "Hi Good Morning flowers and chocolate for you i love you" at biglang niluwa nung gate si Sassy na naka ipit at uniform pa.
Ang aliwalas niyang tignan ang ganda niya makinis yung mukha kissable yung lips magagandang mata. Ang ganda niya talaga simple la---
"Andrei?" Sabi niya habang kinakaway yung kamay niya sa mukha ko "Oh hi!" Yan na lang yung nasabi ko sa ganda niya naka ngiti pa siya "Tara na sa loob andun na si Mama thankyou dito ah kulay blue ang cute favorite ko 'tong color eh" wala nakong nagawa pumasok na lang ako
Bago ako tuluyang pumasok.
Inhale
Exhale
Inhale
Exhale
'Andrei hindi ka pwedeng ma-fall diyan sa babaeng yan dahil dapat siya ang ma-fall sayo'
Oo na! Konsensya!
Inhale
Exhale
At tuluyan nakong pumasok
Nagulat ako kasi may sumulpot saking magandang babae around 40 na edad niya pero ang ganda pa rin niya siguro eto yung mama ni Sassy kahawig n---
"Hello there you must be Andrei,right? Ako si Sandra mommy ni Sasa tara upo ka muna sa sofa at mag hahanda ako ng makakain niyo for a while maaga pa naman eh"
"Hindi po una na po ka--"
"Please?" Habang nakatingin yung Mommy ni Sasa sa mga mata ko nama magnet ako
"O-ok po" wait anong sabi ko? Nak--
"Ok just wait ah? Mag hahain lang ako hindi pa din kasi kumakain si Sasa eh"
Tumango na lang ako wala nakong masabi
*****
SANDRA'S POV
Strange parang nararamdaman kong hindi naman nila mahal ang isa't isa? Kasi dati pag andito si Xander hindi nag tatagal si Sasa sa kwarto niya pero ngayon? At first time na tanggihan ako kanina ah? Hahahahaha pero pogi siya mukha lang siyang badboy dahil sa hikaw niya Pero unang tingin ko sa mga mata niya ramdam kong mabuti siyang bata.
I like him for Sasa sana hindi niya din saktan si Sasa kasi ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko sino ba namang magulang matutuwa pag nalaman nilang nasasaktan anak nila diba?
Pero sana....
Wag niya akong biguin.
*****
SASSY'S POV
Ayoko pang bumaba nakakainis talaga yung epal na yun! Kala mo mabait Tsk! Hindi ko naman siya mahal eh ginagamit ko lang siyang reb-----
"Sasa bumaba kana kakain na"
Sabi ko nga baba nako.
"Opo mommy" kinuha ko na yung bag ko cellphone ko at bumaba na
Andito pa rin si rebound? Tsk pero ok din siya ah. Nawawala na sa isip ko paunti unti si Xander oh diba medyo masakit na lang pero hindi katulad dati eto kasing si rebound masyadong possesive naaaliw ako sa kanya kaya paunti unting nawawala na si Xand. Thankyou rebound.
Nakaupo na kaming tatlo kukuha na sana ako ng tocino pero biglang nag salita si rebound
"Pwede po bang mag dasal muna tayo bago kumain?"
Nabigla ako. Nagkatinginan kami ni Mommy pero umiwas din si mommy ng tingin at tumingin kay rebound.
"Sige ikaw na ang mag dasal"
Ngumit si mommy
Tumango na lang siya
"Sa ngalan ng ama ng anak at ng espiritu santo,amen. Papa jesus maraming salamat po at makakasabay ko po ang taong mahal ko sa pag kain ngayon salamat din po kasi ginising mo kami at sana po wag po kayong mag sawa sa pag gising sa amin,Amen" nag sign of the cross na lang ako.
At kumuha ng tocino pero si mommy hindi pa kumukuha tinignan ko siya at nakangiti siya sa amin. Anong me---
"Naaalala ko sa inyong dalawa yung nakaraan namin ng daddy mo"
"Andrei sana wag na wag mong sasaktan si Sasa kasi kung sasaktan mo lang din naman siya edi sana hindi kana lang nanligaw. Tsaka kung sasaktan mo siya pupunta na kaming states kasi nag promise siya sakin na kapag nasaktan siya ulit babalik na kaming states. Kasi dun naman talaga kami nakatira nag tagal lang kami dito dahil kay Xander na niloko lang si Sasa. Kaya sana kung hindi mo naman talaga siya mahal wag mo na lang ituloy 'to. Alagaan mo ang baby ko mabilis siyang mainis. Matampuhin yan selosa pa. Tsaka basta bigyan mo lang ng kahit anong chocolate or shake yan magiging ok ulit kayo. Moody yan kaya dapat intindihan mo siya. Kaya dapat mahaba ang pasenya mo sa kanya at wag na wag mong sasayangin ang tiwala ko sayo na hindi ka kaya ni Xander Nakuha mo?"
Naiiyak nako. Wew napatingin naman ako kay Andrei na natulala pero maya maya nagsalita din siya.
"Opo makaka asa po kayo" plastik if i know trip niya lang ako kasi nanligaw agad siya pag katapos ng away namin. Pero kahit na wala akong nararamdaman sa kanya sana wag niya akong lokohin. Ayoko sa States
*****
ANDREI'S POV
Parang ayoko ng ituloy yung pakay ko pero parang gusto ko. Aish! Ang gulo! Pero isa lang ang sinasabi ng puso't isipan ko.
Wag na wag kang ma-fall sa kanya. Kasi siya dapat ang ma-fall sa'yo
BINABASA MO ANG
One Mistake Change Everything
Teen FictionSa isang pag kakamali na nagawa ni Sassy bigla na lang nag bago ang lahat. At doon sa pag babagong iyon pumasok naman si Andrei sa buhay niya.