Ansakit pala talaga pag niloko ka ng taong mahal mo noh? At sa mismong harapan mo pa nakipag landian sa mismong bestfriend mo........
Siguro hindi nila napapansin na nandito nako sa harapan nila? Pano busy sila sa landian nila. Ano ng gagawin ko? Bahala na si bunganga kung anong sasabihin niya.
"Xander?"
Bigla silang natigilan sa landian nila at biglang nanlaki yung mata nila nung nakita nila na nasa harapan nila ako.
"S-Sa-Sasa? A-anong ginagawa m-mo d-dito?"
"B-best l-let u-us explain."
"Akala ko ako lang xand,pero bakit bestfriend ko pa? Ansakit naman." Ano ba yan hindi nakisama yung mata ko! Ayan tuloy yung luha ko nag uunahan na sila.
"Sasa let us explain,calm yourself." Hahawakan dapat ako ni Xander pero....
*PAK! *PAK!
Naunahan na siya ng kamay ko sinampal ko siya sa mag kabila niyang pisngi. Infairness ah ang sakit ng kamay ko hindi kasi kinaya yung kapal ng mukha niya.
"Don't dare Xander"
"Best" lalapit na sana si higad pero......
*PAK! *PAK! *PAK!
Grabe ang sakit na talaga ng kamay ko nakisama pa sa puso ko.
"Akala ko bestfriend kita hindi pala"
Nag lalakad nako palayo.....
"Sasa!" Sigaw ni Xander ohgod sinusundan niya ko kaya halos tumakbo nako pero tumatakbo kasi si Xander kaya naabutan niya ako.....
Pinilit niya akong humarap sa kaniya at nagulat ako kasi umiiyak siya,gusto ko siyang yakapin ngayon pero merong isang part na nag sasabi ng hindi kasi masakit eh. Kaya ayun tulala lang ako sa kanya...
"Please Sasa let me explain it's not what you think"
Eh tanga pala to eh! Anong gusto niyang isipin ko? Na laro laro lang yun? Gusto ko siyang sapakin! Pero hindi ko na kaya kasi wala nako masyadong makita kasi nga kakaiyak nagiging blurr na.
"Tama na Xand please. Ayoko na break na t---" bigla niyang tinapik sa bunganga ko yung kamay niya
"No please,ayoko hindi ako papay--" hindi ko na narinig yung sasabihin niya dahil bigla na lang nag dilim ang paningin ko at isa lang ang narinig ko bago ko nasara yung mga mata ko
"Sasa!!!!" at lahat nawala na
*****
Ansakit ng mata ko ang hirap ibukas siguro kakaiyak noh? Pag kadilat ko nasa kwarto sino kaya nag punta sakin dito? Oh well.
"Sasa thank god gising kana" bigla akong napatingin sa kanan ko
"Anong ginagawa mo dito? Break na tayo diba?"
Bigla naman siyang lumungkot at yumuko
"Sorry na Sasa natukso lang ako sa kanya"
"Hindi ka naman matutukso kung hindi ka nag papatukso. Tama na Xand"
"Give me any kind of chances i will accept it please"
Kapal talaga ng mukha
"You don't deserve any of it,kaya pwede ka ng umuwi. Salamat sa pag uwi sakin"
"Ok lang,thats my job alagaan ang girlfriend ko"
Ang kulit niya talaga,tengang kawali? Nakakairita na,kaya hindi ko na lang pinansin. At nauna nakong bumaba sa kanya.
"Momsie ano ulam?"
"Oh gising kana pala,syempre yung paborito mong Tocino!"
Ohmyg! Bigla akong nagutom!
"Yes! Kain na tayo Momsie!"
"Oh siya sge! Yayain mo na si Xander"
Bigla akong nagulat
"Ah tita wag na po. May kailangan pa po kasi akong pag handaan eh"
"Ah ganun ba? Sige ingat na lang sa pag uwi,oh Sas! Hatid mo na boyfriend mo"
Napatingin ako dun ng marinig ko yung salitanh boyfriend biglang may sumaksak sa puso ko.
"Kaya na nya yan malaki na siya" sabi ko nung paupo nako at napatingin ako kay Xander biglang lumungkot nanaman siya at yumuko
"Sige po tita ako na lang baka kasi gutom na si Sasa"
"Ah okay sige ingat ka ah"
"Opo"
Hinihintay kong mag sara yung gate tsaka....
"Momsie break na kami ni Xand"
Bigla na lang nabagsak yung kutsara't tinidor ni momsie
"Ha? Bakit? Anong nangyari?"
"Niloko nila ako ni Rianne"
"Ah okay siguro pag handa kana lang dun mo na lang ikwento"
Pinilit kong ngumiti
"Sge po momsie tulog na po ako"
"Okay sge ako na lang bahala dito"
"Okay po"
-----
So? Okay lang po ba? Dito na po mag uumpisa ang kwento ni Sassy! Abangan!:)
PaVote po!:"> loveyou all!
Sa next chapter niyo po makikilala kung sino ba talaga si Sassy!
Yung nasa taas po yung pic ni Xander at nung traydor niyang bestfriend!
BINABASA MO ANG
One Mistake Change Everything
Teen FictionSa isang pag kakamali na nagawa ni Sassy bigla na lang nag bago ang lahat. At doon sa pag babagong iyon pumasok naman si Andrei sa buhay niya.