Chapter 12

13 1 0
                                    

ANDREI'S POV

Sinakay ko si So sweet sa kotse ko pupunta ko siya sa favorite place ko. Tuwing malungkot,masaya,galit at pag may problema ako dun lang ako pumupunta. Maganda naman yung view doon pag punta namin kasi malapit na mag sunset.

SASSY'S POV

"So sweet? Gising na"

"Five minutes"

I heard a chuckle.

"So sweet pag hindi ka bumangon diyan hahalik---"

Agad na umayos ako ng upo at minulay yung mga mata ko.

"Oh ano pang hinihintay mo? Tara na Andrei" sabi ko at dali daling bumaba sa kotse niya. Ang init nanaman. Nakakainis na ah. Paalala niyo nga sakin na bibili ako ng pamaypay pag uwi ko.

"Ano ba yan hindi tuloy kita na halika---"

"San ba tayo pupunta?" Ayokong marinig yun kasi naaalala ko nanaman yung marshmallow niyang labi...

"Wait may kukunin lang akong gamit"

Tumango na lang ako at humarap na sa likod ko. At biglang nanlaki yung mata ko. OMM ang ganda palubog na yung araw. Agad na kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ko iyon ng litrato.

"Maganda ba?"

"Oo,grabe gusto kong tumira malapit dito"

"Hahahahahaha sige hintayin mo lang pag laki natin dito tayo papagawa ng bahay natin" biglang bumilis ang tibok ng puso ko at uminit nanaman ano ba yan!!!

"Ang cute mo pag nag ba-blush ka" sabay kurot sa pisngi ko bigla akong nagulat parang may kuryente sa kamay niya

Tinanggal ko na lang ang kamay niya at niyaya na siya. Tumango na lang siya sakin at inakbayan ako papunta sa mas malapit na view ng sunset.

"Wait lang"

Tumango na lang ako. At pinanood kung paano niya ilatag yung blanket at nilagay yung basket sa gilid nun meron ding maliliit at malaking unan. Napataas ako ng kilay.

"Hindi ka naman masyadong prepared?"

"Hahahahahahahaha" OMM naestatwa ako sa tawa niya para akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa at ang ganda ng tawa niya

"Hindi ah,hindi kaya ako prepared" sarcastic niyang sabi. Napairap na lang ako. I heard him chuckle,kaya hindi ko na lang siya pinansin at patuloy ang pagtingin sa magandang view sa harap ko.

Maya maya naramdaman kong may kamay na pumulupot sa bewang ko at bigla na lang akong napalapit sa taong yun. Hindi ko na kailangan lumingon. Dahil si Andrei lang naman yun.

"Sorry na so sweet. I...... I love...... you" naestatwa ako sa sinabi niya. Pero hindi dahil sa uminit nanaman kung hindi dahil parang nalungkot kasi parang peke lang yung 'I love you' niya.

Pero bakit? Bakit ko nararamdaman 'tong lungkot na 'to? Edi ba rebound ko lang naman siya? Pero bakit ganun? Nawalan ako bigla ng energy kung kanina masaya ako,parang nawala na lahat dahil sa simpleng 'I love you' niyang yun?

At parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung nakita ko yung pangyayari nung nakaraan? Ano bang nangyayari sakin? Bigla na lang uminit yung mata ko at ilang segundo lamang bumagsak na ang mga luha ko. Na nag uunahan ulit sa pag bagsak.

Kaya naman nagulat si Andrei at nataranta.

"No I'm okay,gusto ko ng umuwi" bigla siyang naestatwa at nagulat. Tinitigan niya lang ako. At maya maya tumango na rin inayos niya na yung nilatag niya hindi ko na siya natulungan nanginginig na tuhod ko. At ayaw huminto ng mga luha ko. Ang sakit sobra. At isa lang masasabi ko.

Mahal ko na si Andrei

ANDREI'S POV

Nagulat ako nung umiyak si so sweet nung sinabihan ko siyang 'I love you' anong meron dun? Nung nakita kong umiyak siya parang kumirot yung puso ko Pero binalewala ko lang yun kasi natural lang yun sakin. Kahit sino kasing tao nakikita kong umiiyak. Ganun nararamdaman ko eh. Kaya ayun buong byaheng tahimik. Andito na kami sa tapat ng bahay nila palabas nako ng mag salita siya.

"Wag na ako na kaya ko naman eh" at lumabas na siya. Pakiramdam ko parang may mali kaya sinundan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso at nagulat ako nung nakita ko sa mata niya yung blangkong ekspresyon. Sanay kasi ako sa masungit o masya niyang ekspresyon.

Pero ngayon kakaiba. Wala akong masabi kaya binitawan ko na siya. "Good night so sweet,sunduin na lang kita bukas" nilapit ko yung mukha ko sa kanya at aakma sana akong halakin siya pero lumayo siya at pumasok na sa loob. May kumirot nanaman sa dibdib ko. Ano ba 'to?! Tsk.

DRAKE'S POV

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan hindi pa rin ako makamove on sa kanilang dala----

*phone rings*

M calling

"Hello?"

(M.....)

Bakit parang galing lang niya sa iyak?

"Bakit M? Ok ka lang?"

(Hindi...... pwedeng favor M?)

"Oo naman noh. Ikaw pa!" Mahal kasi kita eh

(Simula bukas ikaw na sumundo sakin agahan mo ah. Parati na tayong mag kasama,ok lang ba?)

Napangiti ako. "Oo naman! So see you M!! Good night! Alam kong hindi ka,ok. Pero bukas mo na lang sabihin,ok? Tulog nako. Heheheh good night"

At binaba ko na yung tawag  alam kong tungko ito kay Andrei. At bigla na lang akong nainis. Humanda siya pag nalaman ko kung anong ginawa niya kay Myloves. 'M' stands for Myloves guys. Alam niyo na.

Pero kailangan ko ng matulog dahil maaga kong susunduin si Myloves. Hehehehehehehe

SASSY'S POV

Napapikit ako ng mariin nung natapos na ang usapan namin ni M. At bigla na lang nag vibrate yung cellphone ko.

Rebound:

Goodnight so sweet. I'll pick you up at 7 in the morning,ok? Sweetdreams

Kaya agad kong tinext kay M. Kung anong oras niya ako susunduin.

To M:

M! Pick me up at 6 in the morning,ok? Good night sweetdreams

At natulog nako. Kailangan kong iwasan si Andrei para mawala agad 'tong mababaw na pag mamahal ko sa kanya. Mababaw pa lang naman 'to kaya siguro pwede pang pigilan. Hingang malalim.

Good luck sakin

One Mistake Change EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon