Hi! Sorry kung ngayon lang nakapag update busy kasi sa school eh. Sorry hehehehehehehe enjoy! Next chapter? Bukas ng gabi.^_^
***********
DRAKE'S POVGago talaga yang si Andrei eh! Ang tanga niya sabi ko wag niyang papaiyakin si Myloves pero hindi siya nakinig. Kaya gagawin ko ang lahat para lang hindi na masaktan at umiyak si Myloves.
*****
ANDREI'S POV
Ang tanga ko! Sinaktan ko siya,hindi ko naman dapat talaga sasabihin yun. Kaso nauna yung galit ko. Lahat gagawin ko mapatawad niya lang ako kahit mag mukha nakong tanga. Kakausapin ko siya at mag papaliwanag. Tama!
Sana pansinin niya ako
*****
SASSY'S POV
Nakakatamad pumasok maga yung mata ko at antok na antok pako. Pero kailangan.....
**
"Oh anak,bakit maga 'yang mata mo? Umiyak kaba? Dahil ba kay Andrei yan? Sinaktan kaba niya? Nak---"
"Ma i'm ok mamaya ko na lang kwekwento lahat pag uwi ko. Doon na lang po ako sa school kakain. Babye po" tapos kiniss ko na si mama at umalis nako
Mag tataxi na lang ako.....
Malapit nako sa school pero hindi makadaan yung taxi kasi madaming tao. Hays lalakad pa tuloy ako
"Ahhh manong dito na lang po 'eto na po yung bayad. Salamat po"
Ngumiti lang si manong kaya bumaba nako
"Uy sass! Andito kana pala! Ang swerte mo ah!"
"Uy! Ethelle! Anong swerte dyan? Baliw!"
"Para malaman mo sumama ka sakin dali!!!" At hinila na nga niya ako!
"Hey! Makikiraan ang ganda ko alis!"
"Alis alis! Dadaan si Sassy!"
Tapos nagulat ako at biglang lumawag yung dinadaanan namin at lahat ng babae nakatingin sakin.
"Ang swerte mo girl" -girl1
"Oo nga akin na lang si Andrei" -girl2
"Hoy! Lalandi niyo! Kay Sassy lang si Andrei!" -ethelle
May regla ba si ethelle? Grabe ha. San ba ka-----
"Sassy please give me a second chance. I'll promise you,you won't regret it. Just pl----"
"Tama na ayoko na"
Paalis nako ng may yumakap sakin patalikod..
"Please hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko napangunahan lang ako ng galit ko. Ple----"
"Bitawan mo nako,may klase pako"
"Please Sassy, i love y---"
"Wag na wag mong babanggitin 'yang salitang yan. Dahil hindi mo naman talaga ako mahal"
"No!! No!! Mahal kita,mahal na ma-----"
Humarap nako sa kanya.
"Mahal? Hahahahahahaha kung mahal moko may tiwala ka sakin,pero hindi eh. Wala, wala kang tiwala. Kaya paano mo nasabing mahal moko kung wala kang tiwala sakin? Kaya please pabayaan mo nako. Tama na yung isang beses mo na kong nasaktan"
At hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako"Te- teka nasa- nasaktan kita? Pa-paano?"
"Nung sinabihan moko ng 'malandi' yun yun. Alam mo ang sakit eh kasi yung taong mahal mo sinabihan ka ng masakit na salita na hinding hindi mo inaasahang manggagaling mismo dun sa taong mahal mo. Ang sakit sobra"
"Mahal mo rin ako?" Nakangiti niyang tanong
"Oo mahal kita. At mawawala rin 'tong nararamdaman ko 'wag kang mag alala mawawala rin 'to. Kasi simula ngayon kakalimutan na kita. At makakalimutan ko din 'tong na-----"
"No please sassy! No! Give me another chance!"
"A-yo-ko na"
**********
NEXT UPDATE SUNDAY!! PAGKATAPOS NG GGV. LOVEY'ALL
BINABASA MO ANG
One Mistake Change Everything
Teen FictionSa isang pag kakamali na nagawa ni Sassy bigla na lang nag bago ang lahat. At doon sa pag babagong iyon pumasok naman si Andrei sa buhay niya.