Pangalawang Pahina

6 1 0
                                    

Sa pagbukas ng Photo Album may liwanag na lumabas rito na pinaligiran ng buong bahay.

Sa pagbukas ng mga mata ng mga magkakaibigan, sila'y namangha sa kanilang nakita. Hindi

nila alam kung nasan sila, ngunit panatag ang kanilang loob sapagkat magkakasama sila.

"PANTAY NA PAGTINGIN SA KABABAIHAN!" Sigaw ng isang grupo ng mga kababaihan ang

naglalakad ng may paninindigan ang nagwewelga para sa kanilang karapatan.

"PANTAY NA PAGTINGIN SA KABABAIHAN!" ulit nila.

"Anim na dekada na ang nakakaraan, labing-walong taong gulang palang ako noon." pasimulang kwento ni Lola. "Namulat ang aking paningin sa hindi pantay na pagtingin ng mga tao at lalo nang mga kalalakihan sating mga kababaihan."

"KALAYAANG MAGBOTO!" patuloy na sinisigaw ng grupo.

"KALAYAANG MAGBOTO!" ulit nila.

Habang sinusundan ng magkakaibigan ang grupong ito, nagpatuloy si Lola Daisy sa kanyang pagkukwento.

"Ang organisayong nabuo namin na naisulong namin ay ang tinatawag na Kilusang Kababaihan. Kung saan sama sama naming pinaglaban ang aming karapatan upang bomoto." Pag alala ni Lola Daisy.

"Lola, ano pong importansya ng pagboboto?" Tanong ni Sarah.

"Ang pagboto ay makapangyarihan, Upang tayong mga Pilipino ay makapamili ng mamumuno sa ating bayan." Paliwanag ni Lola.

"Isang dekada namin nilaban at pinanindigan ang kagustuhan naming magkaroon ng karapatang bumoto ang mga babae. Isang dekada bago nila kami pinakinggan." sabi ni Lola Daisy.

May liwanag ulit na nagpakita sa kanila at napunta sila sa ibang parte ng Photo Album.

"Nasan po tayo lola Daisy?" Tanong ni Kyla.

"Naririto tayo sa panahon ng Katipunan, kung saan ang aking mga magulang ay kalahok sa pakikipaglaban sa mga Español. Kinuwento sakin ng aking ina ang kanyang karanasan sa kanilang pakikipaglaban." Sagot ni Lola Daisy.

"Di rin po ba pinapayagan ang mga kababaihan noon na pakipaglaban lola? Tanong ni Marie.

****

Maraming salamat sa pagbasa sa aking likha.

Nawa'y iyo'y itong nagustuhan, at magliban nalang ng isang bagasak na Like, Vote, Comments para mas mapaganda pa ang akin likha.

Maari ninyo akong sundan sa aking social media.

Sa twitter : 🐦

@mintgreen_mewii

Sa Instagram : 📷

@me_mewiiiirl

Hanggang sa muli, paalam.

🌸omewiiiirl


Ang Kwento Ni Lola DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon