May liwanag ulit na dumating sa harapan nila, at nakabalik na sila sa kanilang bahay.
"Nakabalik na tayo!" Sabay sabay na bigkas ng magkakaibigan.
"Sana may natutunan kayo sa akin karanasan at ng aking mga kasama. At mga apo, sikapin ninyo na kayo ay mag-aral ng mabuti upang makuha ninyo ang nais ninyong trabaho sa pagtanda ninyo."
Payo ni Lola Daisy sa mga magkakaibigan."Opo lola Daisy, maasahan po ninyo." Masayang sabi Sarah.
"Maraming salamat po Lola Daisy sa pagbabahagi ng kwento ninyo samin, Salamat rin Anika sa masarap na meryenda." Sabi ni Marie.
"Walang anuman. Tara na at maglaro na ulit tayo sa bakuran. Pag aaya ni Anika sa kanyang mga kaibigan. "Sige, Tara tagutaguan tayo." At tumayo na ang magkakaibigan at sinuot na ang kanilang mga face mask dahil kasalungsungan lumalaganap ang covid 19. Muling nagpunta na sa bakuran nina Anika ang mga magkakaibigan ant nagsimulang maglaro.
Habang masayang pinagmamasdan ni Lola Daisy ang mga bata, kinuha na niya ang Photo Album at kanyang sinara.
-END
****
Maraming salamat sa pagbasa sa aking likha.
Nawa'y iyo'y itong nagustuhan, at magliban nalang ng isang bagasak na Like, Vote, Comments para mas mapaganda pa ang akin likha.
Maari ninyo akong sundan sa aking social media.
Sa twitter : 🐦
@mintgreen_mewii
Sa Instagram : 📷
@me_mewiiiirl
Hanggang sa muli, paalam.
🌸omewiiiirl
BINABASA MO ANG
Ang Kwento Ni Lola Daisy
Historical FictionKalayaan, yan ang hinahangad noon ng mga kababaihan. Nagsimulang magkwento si Lola Daisy sa kanyang mga karanasan bago natin nakamit ang kalayaan. Disclaimer Alert!!! This is a fictional work. Unless otherwise stated, all names, people, businesses...