Pangatlong Pahina

6 2 0
                                    

"Sa panahong iyong mga Kababaihan ang naging kaagapay at kasangga ng mga Katipunero noon, ang mga kababaihan sa panahon ng aking ina ang naging tagapagmatyag, taga abot ng mga dokyumento, taga gamot sa mga Katipunero na napuruhan sa pakikipaglaban kabilang na ang aking ina. Kaya naisulong na ang Kababaihan ay maaring ding makipaglaban, Tinawag

silang Katipunera ng Katipunan." Kwento ni Lola Daisy. "Wow! Ang galing naman po nila lola Daisy."

Manghang manghang sabi ni Kyla. "Oo napakatapang nila, pero hindi yun naging madali. Kailangan mong maging maingat sapagkat marami mata ang nakatingin sakanila noon." Paliwanag ni Lola.

"Nanalo po ba sila lola?" Tanong ni Sarah.

"Naging maayos at naipaglaban nila ang ating bayan ngunit marami rin ang nawalan ng buhay

para sa bayan, isa na don ang aking tatay." Sagot ni Lola Daisy.

Binalot ulit ng liwanag ang paligid at napunta sa kabilang pahina ng Photo Album. "ITAAS ANG SAHOD!" Pagmulat nila, nakarinig ulit sila ng mga kababaihan na nagwewelga.

ITAAS ANG SAHOD!" sigaw ng isang grupo ng kababaihan.

"Isang dekada pagkatapos naming nakamit ang kalayaan para bomoto, nagkaroon ulit kami ng kilusan na ipaglaban ang ating karapanan sa pantay na pagpapasahod at sa edukasyon sal propesyon na gusto natin. Ninais ng mga kababaihan na taasan ang pagpapasahod sa mahabang oras na ginugol." Kwento ni Lola Daisy.

"Hindi pa rin po ba pantay ang pagpapasahod nila sa kababaihan lola?" Tanong ni Marie.

"Oo, tama ka. Dahil naniniwala sila na ang mga kababaihan ay dapat sa bahay lang at ang kanilang gawain ay dapat mag alaga at mag asikaso lamang sa mga bata at sa gawaing bahay.

Sagot ni Lola Daisy.

"Limitado ang mga trabaho na pwedeng pasukan ng mga kababaihan kung magkaroon man ng trabaho, ang kanilang mga sahod ay hindi magkasingtulad sa mga kalalakihan." Pagtutuloy ni Lola Daisy. "Marami ring mga kababaihan na nagpanggap bilang isang lalaki upang makapasok lamang sa

kolehiyo, kasama na ron ang Lola Beth mo Kyla. Tinahak niya ang propesyon ng pagsusundalo

sa kabila ng panganib na siya ay mahuli, pinagpatuloy parin niya ito." Pagtutuloy ni Lola Daisy.

"Hindi naging madali ang pagwewelga namin, may mga nasaktan, nasugatan at mga namatay

ngunit hindi kami sumuko. Mas lalong naging mainit ang aming pagnanais na makamit ang aming karapatan." Sagot ni Lola Daisy. 'Pagkaraan ng dalawang taon, dininig ng Presidente ang aming hinaing at duon rin nila isunulong ang Araw ng Magagawa noong Mayo 1. At dininig din nila ang walang limitasyon sa pagpili ng kurso. Kaya nagkaroon ng kababaihang nag-aral patungkol sa medisina, pag aabugado, pagsusundalo, pagtuturo at iba pa." Pag alala ni lola Daisy.

****

Maraming salamat sa pagbasa sa aking likha.

Nawa'y iyo'y itong nagustuhan, at magliban nalang ng isang bagasak na Like, Vote, Comments para mas mapaganda pa ang akin likha.

Maari ninyo akong sundan sa aking social media.

Sa twitter : 🐦

@mintgreen_mewii

Sa Instagram : 📷

@me_mewiiiirl

Hanggang sa muli, paalam.

🌸omewiiiirl


Ang Kwento Ni Lola DaisyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon