CHAPTER 33

208 15 0
                                    

CHAPTER 33: CLUES

Raven Scott's POV

NASA kalagitnaan kami ng paghahanap ng tela ng biglang magtakbuhan ang team C. Hinarang ko ang isang member nito at kaagarang tinanong kung bakit sila nagtatakbuhan. Sinabi nya na nahanap na nila ang telang kulay puti.

Ang bawat kulay ng tela ay sumisimbolo sa kulay ng flags na hahanapin. Pero hindi porket kakulay na ng tela ang kulay ng mga flags ay sasabihin na nito ng diretso ang kinroroonan ng mga flags. Tanging clues lang ang nakalagay o nakasulat sa loob ng tela.

Umalis na ang myembro team C na pinagtanungan ko. Nagkatinginan naman kaming apat dahil wala pa kaming nahahanap na kahit anong tela.

Chloe Xanthos POV

Matapos naming marinig ang sagot ng myembro ng team C na pinagtanungan ni Raven ay nagkatinginan kaming apat. Paano ba naman kasi ni-isa wala kaming nahanap na tela.

Nasa may bandang hotel nga pala kami ng El Nido, Palawan Philippines. Dito kami magsisimulang maghanap at nagbabakasakaling may mahanap kami dito na clues o tela.

"Guuuuuuys! Guuuuuuys!"

Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng sumigaw si Akhiro mula sa likod ng hotel. Medyo madamo na ang likuran doon kaya mahirap maghanap. Nag-prisinta lang si Akhiro na doon maghanap upang magbakasakali at mukhang may nahanap sya.

Pumunta ako sa likuran ng hotel at naabutan sila Raven at Hiro na nandoon na rin.

Akhiro Xenos POV

Nag-prisinta akong dito maghanap ng clues o tela sa likurang bahagi ng hotel dahil malakas ang kutob ko na mayroon akong mahahanap dito. Ilang minuto na akong paikot-ikot sa madamong bahagi ng likuran ng hotel na 'to ng may mapansin akong kulay asul na naka-ipit sa iilang mga kahoy na hindi ginagamit.

Lumapit ako sa kinaroonan nito at unti-unting inaalis ang nga kahoy na nakapatong dito. Nang maialis ko na ang mga kahoy ay nakita ko ang isang kulay asul na tela. Sa wakas may nahanap na rin kami! Agaran naman ako sumigaw upang maagaw ang pansin ng mga kasama ko.

"Guuuuuuys! Guuuuuuys!" sigaw ko.

Nakarinig naman ako ng mga yabag na patakbong papunta dito. Naunang dumating sila Raven at Hiro sumunod naman si Chloe. Ipinakita ko sa kanila ang hawak kong kulay asul na tela.

"Ayos! Galing mo talaga, bro!" sambit ni Hiro sa akin.

"Naman ako pa! Oh ano basahin na natin ang nakasulat." saad ko naman.

Nagsilapitan naman ang dalawang babae na sina Raven at Chloe sa amin upang tignan kung anong nakasulat sa asul na tela.

'If you climb it, you can take it'

Yan ang mga salitang nakikita at nababasa namin ngayon. Napa-isip naman ako kung ano ang ibigsabihin nun.

Hiro Xenos POV

Napa-isip naman ako kung anong ibigsabihin ng mga salitang nakasulat sa tela. If you climb it, you can take it? Wait......is this a—

"It's a tree." Raven suddenly uttered.

Napatingin naman kami sa kanya ng *how it could be look* She heaved a sigh and start talking.

"If you climb it, you can take it. Isn't obvious? From the third to fourth words it's literally obvious. If you climb it means— if we climb in a tree we can easily take it. Also, there is no word that it is far from here that means it's near from us." she explained.

The Underground Queens Where stories live. Discover now