CHAPTER 34

208 13 2
                                    

CHAPTER 34: FLAGS

Huxley Viglianco POV

NANDITO kami ngayon sa isang lugar kung saan malapit sa beach camp namin. Hindi namin alam pero kusa na lang kaming naglakad patungo dito. Nagsimula na rin kaming maghanap nina Xavier, Sky at Maisie.

Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala pa rin kaming nahahanap ng bigla akong may maapakan na kung ano. Yumuko ako upang makita kung ano ang bagay na naapakan ko. Hindi masyado ito kita dahil may mga buhangin na nakatabon dito kaya kung hindi ito aalisin ay hinding-hindi mo malalaman kung anong bagay ito.

Sinimulan kong alisin ang mga buhangin na nakatabon dito. Hindi nagtagal ay lumitaw ang isang kulay pitch na tela. Agad ko namang kinuha ito dahil baka may makaagaw pa nito sa amin pagnagkataon. Tinawag ko ang iba ko pang kasama at nagsilapitan naman silang tatlo.

Ipinakita ko ang hawak kong kulay pitch na tela sa kanila. Nagsi high-five naman sina Maisie at Sky dahil may nahanap na kami. Magsasalita na sana ako upang sabihin kay Xavier na bumalik na kami sa beach camp ng may inilabas sya sa bulsa nya.

Xavier Crest POV

Habang naghahanap ang tatlo ko pang kasama sa may tabi ng beach nandito naman ako napunta sa pinagtatapunan ng basura. Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko na may mahahanap ako dito.

Habang naghahalungkat ako ng basura may hindi sinadya akong nasagi. Take note hindi ako maarte kaya hindi rin ako nandidiri sa mga ganitong bagay. Tinignan ko kung ano ang nasagi ko. Kumunot ang noo ko ng makita ko ang isang itim na flag. Hindi lang yun ang dahilan ng pagkunot ng noo ko. Wala pa kasi akong nahahanap na clue o tela upang magturo sa amin sa mga kinalalagyan ng flags.

"Kung sinuswerte ka nga naman." i suddenly uttered and shaked my head.

Base sa mga kulay ng flags ay ang black flag lang ang may pinaka-malaking puntos. Kinuha ko ito at ibulsa para walang makakita at makaalam na nakuha na namin ang black flag. Bumalik na ako sa pwesto namin kanina kung saan naroroon sila Huxley, Sky, at Maisie.

May ipinakita sa amin si Huxley na kulay pitch na tela. Nagsi high-five naman sila Maisie at Sky dahil may nahanap na kaming clue. Kinuha ko naman mula sa loob ng bulsa ko ang black flag na nahanap ko. I saw their shocking face.

"Where did you found that?" Maisie asked with curiosity.

"I found it in the trash can." i answered while turning my gaze on them.

"What? Are you serious pre, trash can?!" Sky hysterically asked. O.a ng ungas na 'to.

"Stupid. Do i look joking?" i asked. Umiling na lang sya bilang sagot.

"Tss. Let's look for the pitch flag." Huxley said and came closer to us as she cleaning the dirt on the fabric.

Matapos nyang linisan ang dumi sa tela ay agad namin itong binasa.

'Houses are near from here, maisonette are nearest'

Maisie Reed POV

Iniisip ko ngayon kung anong ibigsahin ng clue na ibinigay sa amin. Houses are near from here, maisonette are nearest. Hmm...wait kung ang mga bahay dito ay malapit lang, ang mga maliit na bahay dito ay mas malapit. Ibigsabihin.....

"Cottage." Huxley, Xavier, Sky, and I blurted out in chorus.

Nagkatinginan naman kaming apat at dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na cottage mula dito sa kinaroonan namin. Hindi nagtagal ay narating na din namin ang unang cottage. Apat lang ang cottage na malapit sa amin kaya tamang-tama kung tutuusin.

The Underground Queens Where stories live. Discover now