CHAPTER 36

194 14 0
                                    

dedicated to: LeaInion
Thank you very much for the flood votes bilang pambawi sayo ko ide-dedicate ang chapter na 'to. Lablats, Hydies!❤



CHAPTER 36: BLOODY NIGHT

Third Person's POV

DUMATING na si Black Scorpio sa tagpuan kung saan magaganap ang labanan sa pagitan nila ng grupo nila Xavier at Huxley. Nakangisi lamang ito sa loob ng kanyang sasakyan habang iniisip ang magiging kahahantungan ng mga kalaban nito. May kumatok sa bintana ng sasakyan kaya pinindot nya ang button sa katabi ng upuan nya upang mabuksan ito.

Bumungad sa kanya ang isa sa mga tauhan nyang naka-full black formal attire.

"Boss, nalibot na namin ang buong gusali ngunit wala kaming nakitang ni-isang anino ng mga queens at kings." agad na banggit ng tauhan nya.

Nagtaka naman si Black Scorpio kaya kumunot ang noo nito.

"Paanong wala sila sa loob? Hindi bat nagpadala tayo ng kasulatan sa kanila?" tanong ni Black Scorpio sa tauhan nito habang hindi pa rin maalis ang kunot-noo nito.

"Opo, boss. Baka na-late lang sila ng dating boss." pagpapaliwanag ng tauhan nya habang pinag-papawisan at nanlalamig ang mga kamay nito.

"Make sure that they're here, bastard." malamig na utos ni Black Scorpio.

Umalis na ang tauhan ni Black Scorpio kaya isasarado na nya sana ulit ang bintana ng sasakyan ng may isang tauhan nya ang humahangos papunta sa direksyon nya.

"Boss! Nandito na ang mga tauhan ng mga queens at kings!" hingal na hingal na sambit ng tauhan ni Black Scorpio sa kanya. "Tell our underling that be ready." utos ni Black Scorpio. "Boss, mga tauhan lang nila ang nandito pero wala pa ang mga queens at kings." agad na banggit ng tauhan nya na mas lalong nagpakunot ng noo nya.

"Be ready and don't f*ckin let our guard down or else I'll be the one who will kill you." Black Scorpio said in his cold tone of voice.

What the hell is happening? Hindi kaya nalinlang ako ng mga pesteng queens at kings na 'yon? Damn them if that thing happen I'll f*ckin sue them! No one can fool Black Scorpio....no one!

*****

Sa kabilang banda naman ay nagmamasid ang grupo ng lolo nila Xavier at Vladimir sa hindi kalayuan. Halos hindi mawala-wala ang nakangiting mukha ng matandang si Alejandro dahil sa wakas magkikita na rin sila ng kanyang mga apo. Matagal na nyang gustong makita at makasama ang mga apo nito ngunit hindi nya magawa dahil sa mga tauhan ni Black Scorpio na palihim na binabantayan ang mga apo nito.

Nakahanda na rin silang lumusob kapag nagsimula na ang matinding laban. Iniisip ng matanda na mas maganda kung mauuna ang mga apo nito kasama ang mga queens at ang ibang kings na dumating bago sila magpakita. Alam nyang magugulat si Black Scorpio kapag nalaman nyang may isa pa palang natitira sa angkan ng mga Crest.

"Tanda, matagal pa ba magsisimula ang bloody night? Inaantok na ako e." humihikab na tanong ni Sebastian sa matanda.

Sinamaan naman ng tingin ni Alejandro si Sebastian dahil sa pagtawag nito sa kanya ng tanda.

"Hey easy, boss! Hehe!" sabi ni Sebastian sa matanda habang nanginginig dahil sa kaba. Tinutukan kasi sya ng matanda ng M45 pistol.

Napa-iling na lang si Allison dahil sa kagaguhan ng kaibigan.

*****

NATAPOS na ng grupo ni Xavier ang dapat isagawa ayon sa plano nila. Nakatoka si Sky sa pag-sasabi sa mga Hellarians na umalis sa Hellarians Palace at magpunta sa Safe House nila sa Japan ang iba naman ay nagpunta sa Safe House sa United States, France, Italy, at Canada. Dahil natitiyak ng mga queens at kings na idadamay din nang grupo ni Black Scorpio ang mga ayaw sumunod sa utos ni Black Scorpio na mga Hellarians.

The Underground Queens Where stories live. Discover now