Chapter 6 : Sloth

63 1 0
                                    

Wednesday, July 27 – 9:53 PM

Iyak ng iyak si Maria sa nakita, ngayon alam nya na kung bakit sya nilalagay sa ilalim ng kama ni Candle. Maya maya pa’y biglang gumalaw ang katawan ni Rain na parang nasasaniban..di nagtagal bigla nalang itong tumayo at tumitig sa video cam habang nakaturo at nakatingala.

19 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Wednesday, July 27 – 2:27 AM

*phwuwuhoo**phwuwuhoo*, isang paulit ulit na kakaibang tunog ang naririnig ni Peewee sa kanyang kwarto, ngunit hindi nya ito gaano pinapansin, sa halip, nilulunod nya ang kanyang sarili sa pag inom ng alak habang nanonood ng TV. Si Peewee ay nagtatrabaho sa isang opisina, kung saan ang nagmamayari ng kompanya ay si Jao.

Si Peewee ay kapatid ni Serene, isa sa mga matatalik na kaibigan ni Rain. Magkahiwalay sila ng tinitirahan ni Serene, kaya’t di sila gaano nagkikita at nakakapagusap.

Pagkalipas ng ilang saglit napagpasyahan ni Peewee na humiga na sa kanyang kama, wala pang ilang minuto’y nakatulog na ito.

Wednesday, July 27 – 2:35 AM

*BANG* .... lumipas lng ng halos sampung minuto ay naalimpungatan kaagad si Peewee sa narinig, isang putok ng bala, napalingon sya sa buong kwarto at napansin nyang bukas pa pala ang TV, naisip nyang baka sa TV lang iyon kaya’t dali dali nyang ipinikit ang kanyang mata.

Wednesday, July 27 – 11:10 AM

Samantala ..... sa kanyang pinapasukang opisina, si Daren, ang kinakapatid ni Peewee ay mainit nanaman ang Ulo. “Bwisit!!!! Nasan nanaman si Peewee? Ano? Di nanaman papasok?” Asar na asar na tanong ni Daren. “Ilang beses ko na ngang tinatawagan sir eh, pero wala talagang sumasagot.” Ang sagot naman ni Louie.

Daren: Bwisit talaga, parang sirang plaka lang itong si Peewee, di madaladala, binawasan na nga ang sahod ng dahil sa hindi pagpasok pasok nya, kundi ko lng to kinakapatid hindi ko to pagtatangol kay boss nitong mga nagdaan nyang kasalanan. Teka... pang ilang sunod na araw nya na ngayong hindi pumapasok?

Louie: Pangatlo na sir.

Daren: Sobra na.. pag ito di pa pumasok tomorrow, ako na mismo magtatangal sa kanya, sinisira nya ko kay boss!! Sumusobra na yang taong yan. Tsk!

Wednesday, July 27 – 8:02 PM

Lumipas na ang buong maghapon pero nakahiga at tulog parin si Peewee. Makalipas ng ilang saglit ay naalimpungtan sya sa isang malakas na tunog. *BANG*... isang putok ng baril nanaman ang kanyang narinig, sinilip nya ulit ang TV at nakitang nakabukas parin ito. Habang nakahiga at tinitingnan ang palabas sa TV, may biglang narinig si Peewee na kaluskos sa pinto. Napatingin sya sa ilalim ng pinto at may napansin syang aninong gumagalaw. “Sino yan?” ang tanong nya, pero walang sumasagot, tuloy parin ang kaluskos sa pinto at pagalaw ng anino. Sinubukan tumayo ni Peewee sa kama, ng patayo na sana’y may nakita si Peewee na halos ikahimatay nya, isang batang babaeng namumutla na nakapatong ang baba sa kanyang kama na parang kanina pa syang tinititigan. “WAAAAHHHH!!!!” ang sigaw ni Peewee, napaatras sya at nalalag sa kama, pero nakatitig parin sa kanya ang batang babae, nanlalaki ang mga mata nito at nangingitim ang gilid. “Sino ka? Ano ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?” ang tanong ni Peewee sa bata, pero ngumiti lang ito at dumila sa kanya. Isang kisap mata’y bigla nalang itong tumalon at sa di malamang dahilan ay nagkaroon ng tali sa kisame at biglang nagbigti ang bata. Kitang kita ni Peewee kung pano mangisay ang bata haggang sa malagutan ng hininga. Biglang nanghina si Peewee at nahimatay pero bago sya mawalan ng malay ay may narinig syang sumigaw.

Wednesday, July 27 – 9:25 PM

*BANG* ... isang malakas na putok nanaman ang narinig ni Peewee. Napadilat syang bigla at laking gulat nyang nakahiga sya sa kanyang kama. Napatingin sya kaagad kung saan nagbiti ang bata, pero walang syang nakita. Naisip nya bigla na baka panaginip lang iyon kaya’t nakahinga sya ng maluwag. Maya maya’y bigla nanaman may narinig na kaluskos si Peewee sa may pintuan at may napansin nanaman syang anino sa labas ng pinto. “Sino yan?!” ang tanong nya, pero walang sumagot. Babangon na sana si Peewee ng biglang may sumigaw sa kanyang likuran. “AAAAAAHHHHHH!! ... aray wag mo kong daganan!!!!!”.. nilingon ni Peewee ang sumigaw at nabigla sa nakita, nadadaganan nya ang isang lalaking putol ang mga kamay at paa. “Umalis ka dyan... di ka kasali dito!” ang sabi sa kanya ng lalaki. Di makagalaw at di makapaniwala si Peewee sa nakikita. Maya’t maya pa’y biglang nalang may tumulak kay Peewee pahiga sa kama. Isang matandang babae na may hawak na matulis na kutsilyo, ... at sa isang kisap mata’y bigla bigla nalang itong lumapit kay Peewee at pinagsasaksak,.... pinagsasaksak ang muka nang lalaking dagandagan ni Peewee, halos magkadikit lng ang mukha nila ng lalaking sinasaksak ng matanda. Kitang kita ni Peewee ang mga dugo at laman na lumalabas habang sinasaksak ito ng matanda. Nanghinang bigla si Peewee at nahimatay, pero bago sya muli nawalan ng malay ay may narinig sya ulit na sumigaw.

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon