Chapter 7 : Pride

69 2 1
                                    

Thursday, July 28 – 1:38 AM

*BANG*

Halos kakatalikod lang ni Serene kay Peewee ng bigla nalang syang may narinig na isang malakas na putok sa kanyang likuran. Laking gulat nya ng sya’y lumingon ng makitang .... binaril ni Peewee ang kanyang sarili ..... binaril nya ang kanyang leeg. Dahan dahan nanghina si Peewee, dahan dahan syang bumabagsak habang unti unting nawawalan ng malay .... bago sya malagutan ng hininga’y narinig nya si Serene na sumigaw ng malakas.

24 Hours Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Wednesday, July 27 – 1:50 AM

*hihi .... hihi... hihi*

“Woaahh..!!” nagising bigla si Daren sa isang bangungot. “Wew.. buti at panaginip lang.” ang sabi ni Daren sa kanyang sarili. Matutulog na sana si Daren ng biglang may narinig ulit syang *hihi... hihi.. hihi..*, tinakpan nalang ni Daren ang mga tenga, ..... mukang sanay na syang marinig ang tunog na iyon gabi gabi.

Wednesday, July 27 – 11:46 AM

"Ano ba kayo? ang babagal nyo kumilos, Kung ako yan, kanina pa ako tapos." ang sabi ni Daren sa mga nagkakarga ng gamit sa kanyang opisina. 

*ring* *ring* *ring*

Daren: Hello? .. oh... .... tsk .. wag mo na kong i-sasales talk ah.. 15 years na ko sa Sales kaya wag mo kong susubukang i-sales talk, baka maubusan ka lang.

Samantala.... ang kanyang mga kasamahan ay pinaguusapan nanaman sya.

Sandy: Eto nanaman si Sir, nagyayabang nanaman.

Carmie: Oo nga eh ... gusto ko na ngang malipat sa ibang Group, ayoko syang leader, masyadong syang mayabang.

Nerini: Sinabi nyo pa... lahat sa kanya mali at palpak, gusto nya sya lagi ang tama, sya lagi ang perpekto.

Louie: Sshhh... wag kayong maingay, marinig kayo ni Sir. Alam nyo ng mangyayari pag narinig nya kayo, matutulad kayo kina Michelle at Pamela na natangal dahil narinig nya silang nagkwekwentuhan. Kaya mamaya na kayo mag usap, pag wala na sya.

Si Daren ay Leader ng Group 1 sa Opisina nila Jao, at isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ng kanyang Ama. Si Daren ay mayabang at mapagmataas na tao, mahilig nyang laiitin ang gawa ng iba. Pinagmamalaki nya laging sya ang susunod na Vice President ng kompanya dahil 15 Years na daw sya sa sales at mas maraming alam kesa sa iba. Sa ngayon ay walang Vice President ang kompanya kaya't ginagawa ni Daren ang lahat para sya'y ma promote.

Wednesday, July 27 - 6:20 PM

Samantala.. si Jao ay nagpaalam kay Daren na uuwi na dahil may Emergency sa bahay. Sinabi ni Jao kay Daren na mag overtime sila kahit 1 hour, dahil may hinahabol silang deadline.

Samantala... ang ibang emplyado'y naghahanda na sanang umuwi, pero ng sinabi ni Daren na mag overtime ng 2 Hours ay bigla silang nanghina.

Wednesday, July 27 - 7:11 PM

Makalipas ng halos isang oras, biglang nagpaalam si Louie na kailangan ng umuwi.

Louie: Sir, kailangan ko na pong umuwi, manganganak na po asawa ko.

Daren: Ah ganon? Tatakasan mo ang trabaho? alam mo namang hindi nanaman pumasok si Peewee, kulang tayo sa tao ngayon, kelangan natin matapos to bago mag deadline.

Louie: Eh, sir walang kasama ang misis ko. Kaila ---

Daren: Uuwi ka..? o wala ka ng trabaho bukas? Isang salita ko lang kay Boss, tangal ka na.

Galit na galit na bumalik sa trabaho nya si Louie.

Wednesday, July 27 - 8:00 PM

Natapos din sa wakas ang Overtime nila. Samantala habang naghahandang umuwi si Carmie ay tinawag nya si Nerini na nakaupo at nagtatrabaho parin.

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon