Chapter 2 : Lust

161 2 0
                                    

Maselguart

Short Stories of 7 Deadly Sins: "Lust"

Wednesday, July 27 - 11:12 PM

"Bakit? anung nangyari.... gising na ba s---- huh? waaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!" takot na takot na sigaw ni Remianne sa nakita. Nakita nila si Dorianne na halos wala nang tyan, halos lumubog ang tiyan nito na parang putol ang kanyang katawan, nakabukas ang bibig nito at nakalabas ang dila ... at nangingitim ang gilid ng mga mata.

6 Days Ago . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Thursday, July 21 - 8:22 AM

"Hello?, ....... oh Mirianne.. kamusta kayo? ..... ah Reunion? uhmmmm... mukang di ako makakasama.. busy ako this whole week..... pero kung medyo maluwag time ko.... baka sumunod narin ako sa inyo.. Ok... sige.. sige... kamusta mo na lang ako kina Remianne at Dorianne ah... ok.. uhmuhm.. ok sige ... Bye!" 

Isang Journalisim student si Josaf, pinsan nya sina Dorianne, Mirianne at Remianne. Nakatira sya sa isang subdivision. Halos mag tatatlong buwan na syang naninirahan dito, bigay sa kanya ng kanyang uncle (father nila Dorianne) ang bahay, tutal wala namang gumagamit nito, kaya't sya nalang ang pinatira rito, at para narin makapag aral sya ng wasto.

Mahilig gamitin ni Josaf ang kanyang telescope or Binoculars.

Hilig nyang tumingin sa paligid ng kanyang bahay, at dahil roon ay kung ano ano ang kanyang mga nakikita. Tulad nalang sa isang building na malapit sa kanila subdivision at halos tapat lang ng kanyang tinitirahan.

Tatlong palapag ang building na iyon, di alam ni Josaf kung anung pangalan ng Building pero medyo may kalumuaan narin ito. Tatlong Araw ng nakakalipas ng napansin ni Josaf na may lumipat sa kwarto sa ikatlong palapag ng building, dahil napansin nyang babae ang nakatira dito at mukang dalaga pa, kaya't ito ang paborito nyang tingnan gamit ang telescope. Gabi gabi ay sinisilip nya ang bintana ng kwarto nito.

Naaaninag ni Josaf ang mga ginagawa ng babae sa kwarto tulad nalang ng pagbibihis, kaya't nakikita nya lagi itong nakahubad at walang damit. Mga ilang araw pa, ay nadadalas ang tingin ni Josaf sa building na iyon lalo na sa kwarto ng babae.

Saturday, July 23 - 12:43 AM

Di makatulog si Josaf sa kakaisip sa babaeng iyon. Di sya makuntento sa nakikita nya mula sa kanyang bahay, gusto nyang makita ng mabuti ang itsura ng babae ng malapitan, kaya't nagisip sya ng paraan. Kinaumagahan.

Dali daling tumungo si Josaf sa building, napagdesisyunannyang manatili muna rito kahit isang gabi lang. Nag-request sya sa front desk na sa tabi ng kwarto ng babae sya mag check in. Nung gabing yon,

naghanap ng paraan si Josaf para masilip nya ang babae sa kabilang kwarto. Di nya inaasahang makakakita sya ng butas sa pader para makita ang kwarto ng babae. Dali dali nyang sinilip ang kwartong iyon.

Napakadilim ng kwarto, halos wala syang makita, nasilip nya ang bintana na nakikita nya mula sa kanyang bahay, nilibot nya ang kanyang paningin sa kwarto, tamang tama ang butas para makita ang buong silid maliban sa pintuan nito palabas.

Sa bandang gilid ng kwarto ay may isang pintuan, mukang iyon ang Comfort room ng kwarto. Inantay ni Josaf ang babae, pero mukang wala ito sa kwarto.

Nag antay pa si Josaf ng mga dalawang oras pero wala syang nakita kahit isang tao sa kwartong iyon. Kaya't napagpasyahan ni Josaf na matulog nalang.

Habang natutulog, ay may narinig si Josaf na kalabog sa kabilang pader (hindi sa kwarto ng babae) nilapitan nya ito at pinakingan ng mabuti, palakas ng palakas ang kalabog nito, inakala nyang baka naglilinis lang ang nakatira sa kwartong iyon dahil may naririnig din syang parang nagwawalis, bakit ganoong oras pa naisipang maglinis ng nakatira roon (isip isip ni Josaf).

7 Deadly SinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon