CHAPTER 3

451 17 0
                                    

CHAPTER 3.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ako pumasok sa classroom, at umuwi nalang. Nawalan na ako ng gana.

Napahawak ako sa pisnge ko na sinampal kanina ng malanding yun. To be honest, ang hapdi non ah.

"Tsk!", singhal ko at inis na tinanggal ang bandaid.

Pumasok ako ng banyo at naghilamos at sinabunan, baka magkaroon pa ako ng virus galing sa maduming kamay ng palad. Malay niyo, yung kamay niya ay kagagaling lang sa ano niya, alam niyo na!

Nagbihis na rin ako ng pambahay, ang sinuot ko lang ay jogger at sando na puti. Dumapa ako sa kama at pinikit ang aking mga mata.

Biglang tumunog ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Tiningnan ko ang caller at napairap nang makitang si Gurang pala ang tumatawag.

Ano naman kaya ang kailangan nito?

Inis ko itong sinagot.

"ANO?!"

Narinig ko itong nagbuntong hininga.

(Where are you? Bakit wala ka dito sa classroom niyo?)

"Tsk! Aba. Malamang umuwi. Nakakaumay na ang pumasok diyan lalo na't may mga kontrabida!"

(You okay?)

Wow! Ang kapal ng mukha mong itanong sa akin yan.

"Sa tingin mo okay lang ako? Wow ha! Ang kapal ng mukha mong tanungin ako niyan. Sa tingin mo okay lang ako sa lakas ng sampal ng malanding yun?! HA?! At sa sugat ko pa talaga?! Pwes! Hindi!", galit kong sigaw at walang pasabing pinatay ang tawag.

Tinapon ko ito sa sofa na nasa paanan lang ng kama ko.

Okay lang? Ganon? Tsk!

Napairap ako at dumapa ulit sa kama.

Hindi muna ako babalik sa p*steng university na yun! May kaaway na nga ako, nadagdagan pa! Ang galing ah.

Pinikit ko nalang ang mga mata at pilit na matulog.

Kailangan ko munang kumalma.

Ace's POV.

Tahimik ang buong mansiyon nang makauwi ako. Nandito din ang Lamborghini niya at hindi nga ako nagkakamali na umuwi na talaga siya.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis. Bumaba ako at tumungo sa kusina upang maghanda ng makakain ng hapunan.

*************

Natalia's POV.

Nagising ako sa kumukulong tiyan ko. Gutom na ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga at hinawakan ang tiyan ko at naglakad palabas ng kwarto. Bumaba ako nang may masarap na naamoy ako.

"Hmmm.....Adobo."

Mabilis akong tumungo sa kusina pero napawi ang ngiti ko nang bumungad sa akin ang pagmumukha ni Gurang. Napairap ako ng tumingin siya sa akin. Naglakad ako't tumungo sa dining.

Tahimik akong umupo doon at hinintay ang adobong niluluto niya. Maya-maya pa ay nilapag na niya ang bowl na may laman na adobo.

At walang imik kaming kumakain hanggang sa matapos kami. Akmang lalabas na ako ng dining area nang magsalita siya.

"We need to talk. Wait me at the living room."

Napairap nalang ako at walang pasabing naglakad na ako patungong living room. Umupo ako sa mahabang couch at kasabay ay ipinatong ang dalawa kong paa at sumandal sa headrest.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang hinihintay siyang pumunta dito.

Nakarinig ako ng yapak at umupo sa single sofa.

Hinintay ko itong magsalita.

"Why did you do that?"

Tiningnan ko siya.

"Ang alin?", taas kilay kong tanong.

Kumunot ang nuo niya.

Napatango ako ng maalala ang kanina.

"Ahh Oo. Ang kanina. Well, wala lang.", kibit balikat kong sambit.

Maya-maya pa ay nabigla ako nang hablutin niya ang braso ko patayo at masama ang tingin nito.

"Alam mo bang mapapagalitan ka ng mga magulang natin nang dahil sa mga pinaggagawa mo?!", bulyaw niya.

Tiningnan ko siya at nag-tsk. Mariin kong hinawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko.

"Wala ka na don.", blangkong ekspresiyon kong sagot.

Akmang aalis na ako nang hinila niya ang braso ko at......

Wtf?! D-did h-he k-kiss m-me?!

Nagpupumiglas ako pero ay isinandal niya lang ako sa pader habang mariin akong hinahalikan. Tinutulak ko siya ngunit hinawakan ng isa niyang kamay ang isa kong palapulsuhan at nilagay sa gilid ng ulo ko.

"Hmp!"

Tumigil ito at parehas kaming naghahabol hininga.

"Y-you!"

Ngunit ngisihan lang ako nito.

"Isa pang disrespect mo sa akin at hahalikan ulit kita. No. Not only kiss.", saad nito at ngumisi ng nakakaloko.

"I will also make you scream my name."

Mabilis ko siyang tinulak na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.

"PERVERT!!"

Patakbo akong umakyat ng hagdan at pumasok sa loob ng kwarto ko at ni-lock iyon. Habol hininga akong napasandal sa pintuan at napahawak sa aking labi.

A-ang f-first k-kiss ko.....

*KINABUKASAN*

Ace's POV.

5:00 am na at bumangon na ako sa aking hinihigaan.

Napangisi ako ng maalala ang ginawa ko kagabi. Siguro naman ay titigil na ito kakasagot sa akin.

Naglakad na ako at tumungo sa banyo.

************

Natalia's POV.

Bumaba na ako at suot ko na ang uniform ko. Hindi pa rin mawawala sa isipan ko ang paghalik niya sa akin.

Grabe ang lambot ng labi niya.

Ano ba Natalia?! Huwag kang magisip ng ganiyan!!

Kumain lang ako ng dalawang sandwiches at uminom ng gatas. Hindi ito basta gatas lang noh. Pang teen age to.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at 6:00 am na ng umaga. Hnmm baka tulog pa yun. Mabuti na yan at makakaalis ako dito na hindi siya nakikita.

"Ready to go?"

Natuod ako bigla sa aking inuupuan ng marinig ang boses ni Gurang.

I heard him smirk.

Bwesit.

Tumayo ako pagkatapos kong ubusin ang gatas at naglakad na papalabas ng dining.

Akmang lalagpasan ko na sana siya ng hawakan ako nito sa braso kaya napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras.

"Be good girl. Or else."

Inis kong binawi ang braso ko at nilagpasan siya.

As if naman susundin ko siya.

Tsk!

Married To A Badass Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon