CHAPTER 11

403 19 0
                                    

CHAPTER 11.

"Me Dean!", Thea.

Narinig kong bumuntong hininga si kupal na nasa likod ko lang nakatayo.

"Okay Ms. Alfonso."

"Ang totoo niyan Dean eh siya nga yung nangunguna. Tahimik lang naman kami sa tabi pero susugurin nalang niya kami bigla.", umaarte nitong sumbong.

"Yes Dean!", pagsangayon sa isa niyang alepores.

Let me tell their names, yung demonyo na sumira sa cellphone ko ay si Alyanna. At yung isa ay si Kira. Oh diba? Ang ganda ng kanilang mga pangalan pero ang kakapal ng kanilang ugali eh noh? Mas makapal pa sa make up nila.

"Oh my gosh!! Really darling? Hoy babae!! You need to pay for this!!", ani ng pangit na ina ni Thea.

Nilingon ko ito gamit ang malamig na tingin.

"Really? Okay? How much?", taas kilay kong tanong.

Bigla itong ngumisi.

"1 Billion."

I laugh. Mukhang pera amp*ta!!

"Excuse me Madam. But we are not talking about money. We are talking about the issue, we need to fix this as soon as possible.", singit ni kupal.

Nagcross-arms lang ako at umayos ng upo.

"Oh by the way. Nasan ang mga magulang mo? Siguro iniwan ka na noh? Yan kasi ang kapal kasi ng ugali! Hambog pa! B*tch! Sl*t! Gold digger!", Thea.

Nginisihan ko ito.

"Are you talking about yourselves?", turo ko sa kanila.

Bigla naman sila nainis at akmang tatayo na nang pinigilan sila ni kupal. Yan nga! Mainis lang kayo! Mga hangal!

"Dean! Anong klaseng studyante to?! Bakit natanggap pa yan dito sa university?!", galit na turan ng ina ni Alyanna.

"Oo nga Dean!! Dapat yan mapatalsik!! Salot lang yan sa lipunan!!", ina ni Kira.

Napansin kong napalingon si Dean kay Kupal. At tumingin naman sa anim na mga demonyo.

"I'm sorry. But we can't do that. Ang may-ari lang ng unibersidad na ito ang pwedeng magdesisyon.", Dean.

Napapatango-tango ako.

Napansin kong lumingon silang anim sa akin na sobrang galit na galit. As in galit na galit!! Gustong manakit!!

Nginisihan ko lang sila sabay tinaasan ng isang kilay. Pasimple akong napadaing nang may naramdaman akong kurot mula sa likuran ko. Alam ko kung sino yung p*sting taong kumurot sa akin.

Y*wa ka!!


Bumalik ako sa classroom ko na parang wala lang sa akin ang nangyari. Nilagay ko sa aking likuran ang dalawa kong kamay at pasipol-sipol habang naglalakad. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng classroom ko at walang katok-katok na pumasok sa loob. Natigilan silang lahat lalo na si......

Oh my gosh...Nandito lang pala ang malanding guro.

"Why you didn't knock first Ms. Cruz?", inis nitong sumbat.

Tiningnan ko lang ito na parang inosente.

"Because i want to?", patanong kong sagot at inosente siyang tiningnan.

Bigla naman itong namula sa galit.

"Get out!!", galit niyang sigaw.

Napa-O ang bibig ko at kinuha ko muna ang aking bag at naglakad palabas.

"And where are you going?!"

Kinunotan ko ito ng nuo at nilingon.

"Sabi mo, 'Get out!!'", usal ko at ginaya ang pananalita niya kanina.

"Huwag ka ngang bobo. Guro ka pa naman.", napapailing kong dagdag.

Nagsimula naman na magtawanan ang mga kaklase ko. Bago pa sumabog ang bulkan ay lumabas na ako sa classroom na iyon. Nilingon ko ang saradong pintuan ng classroom at inirapan ito bago naglakad paalis.

Habang naglalakad ako dito sa hallway ay rinig na rinig ko na ang boses ni kupal na nagtuturo sa room #7. Nagcross-arms ako at dire-diretso lang sa paglalakad hanggang sa madaanan ko ang classroom na tinuturuan niya ngayon.
Napansin ko pang natahimik siya sa pagsasalita pero kalaunan ay nagpatuloy na rin.

Ace's POV.

Habang nagdidiscuss ako ay napako ang atensiyon ko sa babaeng naglalakad sa hallway dala-dala ang bag nito.

"Natalia?", sa isipan ko.

Ano na naman kaya ang ginawa nitong babaeng to? Magcucutting ba ito? Nang makalagpas na siya dito sa classroom na tinuturuan ko ay nagpatuloy nalang ako. Napansin kong napapatingin sa akin ang mga studyante.

"Uy sir. Bakit kayo nakatitig kanina kay Natalia?"

"Siguro crush ni sir si Natalia."

"Yyyiiieee!!! Si sir oh pumapagibig na."

"Huwag kayong matakot kay Natalia, sir! Magbabago rin yan."

Napatawa nalang ako sa panunukso ng mga studyante ko.


Natalia's POV.

Andito ako sa cafeteria nagpapahinga habang umiinom ng orange juice at nagcecellphone. Grabe, mas maganda sana kung nasa bahay ako ngayon, umagang-umaga mga demonyo na agad ang bumungad sa akin. Tsk! Isama nalang natin yung isa pang malanding teacher tsk!

Habang nagi-scroll ako sa cellphone ay bigla nalang nagpop up ang isang message galing kay kupal. Ano na naman kaya ang kailangan nito.

From Kupal-
=come to my office now.

Napairap ako. Kapal ng mukha nito, kung makautos parang boss. Tsk! Tumayo na ako at sinukbit ang aking bag.  Binitbit ko nalang din ang orange juice at naglakad palabas ng cafeteria.

Walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan ng opisina niya at pumasok.

"Hindi ka ba marunong kumatok?", may inis sa boses nito.

Tiningnan ko lang ito at lumabas ulit.

"Where are you going?", biglang tanong niya.

Sinarado ko ang pintuan at kumatok. Ito ang gusto niya diba?

"Tsk! Come in!"

At pumasok na ako sa loob habang higop-higop ang straw na nasa juice. Dumeretso ako sa single sofa at umupo doon.

"Bakit palaboy-laboy ka pa sa hallway kanina kung nagsisimula na ang class niyo?", panimula niya habang nakasandal sa swivel chair niya at nakacross-arms at nakatingin sa gawi ko.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Itanong mo sa gurong si Diane.", malamig kong sambit kagat-kagat ang straw.

Napansin kong napatingin siya sa bibig kong kinagat-kagat ang straw.

"F*ck!", rinig kong mura niya at umiwas ng tingin.

Problema nito?

Kinunotan ko siya ng nuo. Nagbuntong hininga siya at tumingin ulit sa akin.

"Malapit na ang anniversary dito sa university."

Married To A Badass Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon