CHAPTER 20

414 15 0
                                    

CHAPTER 20.

Ace's POV.

"So, kailan mo ipapakulong si Ms. Alfonso?", biglaang tanong ni Jake.

Andito kami sa pool naguusap tungkol sa gagawin ko kay Ms. Alfonso. Sina Maye at ang asawa ko ay nasa kwarto. Kaya malaya kaming pagusapan ni Jake ang tungkol kay Ms. Alfonso.

"Hindi muna sa ngayon. Kailangan muna natin siya bantayan baka may susunod naman siyang gagawin. And we need more evidence.", kalmado kong saad at sumimsim ng kape.

"What about let's ask the police to investigate Ms. Alfonso too? Ang unfair naman kung ang investigator ko lang ang magiimbestiga.", Jake.

Napatingin ako sa kaniya. Tama din siya.

************

Lumipas ang ilang buwan at nakahingi din kami ng tulong sa pulis. Iniimbestigahan na din nila si Ms. Alfonso nang patago. Sa mga araw din na nagdaan matapos makilala ng lahat ng studyante at guro si Natalia bilang asawa ko ay hindi na rin siya ginugulo ng mga taong nanggugulo sa kaniya.

At si Ms. Alfonso naman ay minsan ko nalang nakikita sa university. Alam kong may gagawin na naman ito na hindi maganda kaya bantay sarado ang asawa ko. Nakamasid din ang ibang tauhan ni Jake kay Natalia at binabantayan. Yung iba naman ay pinagmamasdan ang galaw ni Ms. Alfonso kasama ang ibang pulis na nagpapanggap bilang normal.

And by the way, about Jake and Maye? Ayun, everyweek nagdedate. Habang kami ng asawa ko, heto minsan nagaaway, minsan nagbabangayan.

*kring kring kring*

Agad kong dinampot ang telepono nang may tumawag.

"Hello?"

(Good afternoon po sir. May nalaman po kami tungkol na naman sa gagawin ni Ms. Alfonso.)

Napaayos agad ako ng upo.

"Spill it."

(Kanina pong umaga. Sinundan po namin siya, at may kinausap siyang isang tao. Narinig din ng isang kasama ko ang binabalak niya sa asawa mo.)

Napakuyom ako ng kamao.

Ano na naman kaya ang gagawin niya?!

"Anong gagawin niya?"

(Base po sa narinig ng isang kasama ko ay balak daw nilang kidnapin ang asawa mo.)

Napatayo ako sa sinabi niya.

"What?!", hindi ko napigilang mapasigaw.

Hindi naman ako maririnig dito sa opisina ko.

(Huwag po kayong magalala Sir. Dahil nakahanda na po kami na arestuhin si Ms. Alfonso kasama ang mga kasabwat niya.)

Napapikit ako. Tama na ang mga pinaggagawa mo Thea. Hinding-hindi ko hahayaan na kikidnapin mo na naman ang asawa ko. Oras na para makulong ka.

Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na ako ng opisina ko at naglakad patungo sa classroom ng asawa ko.

Nang makarating ako sa classroom nila ay naabutan ko na siyang naglilinis. Magisa lang siya. Mukhang bumait ang asawa ko ah. 2:30 pm pa lang at maaga ang uwian ng mga studyante. Napasandal ako sa pintuan ng classroom at nagcross-arms habang pinagmamasdan siyang naglilinis. Nasan kaya si Maye. Nag-date na naman siguro yung dalawa. Tsk! Tsk! Tsk!

"Ano ba to? Bakit ba ang kakalat nila? Kainis!", rinig kong reklamo niya.

Mahina akong tumawa habang pinagmamasdan pa rin siyang naglilinis.

"Bw*sit! Kapag may mga pangalan itong mga papel na ito, lagot talaga kayo sa akin bukas!", naiinis niyang sambit.

Napailing nalang ako bago lumapit sa kaniya na pinupulot ang mga nagkalat na papel sa sahig.

"Ang bait naman ng asawa ko."

"Ahy demonyong pangit!! Lubayan mo ako!!"

Napasimangot ako sa sinigaw nito. Napalingon naman ito sa akin at biglang sumama ang mukha.

"Ano ba?! Huwag ka ngang manggulat!! Pano nalang kung may sakit ako sa puso ha!!", galit nitong sigaw.

Napangiwi ako sa sinigaw niya ulit.

Ganon? Puso agad?

"Bakit ikaw ang naglilinis dito?", nagtataka kong tanong habang nilibot ang tingin sa kabuuan ng classroom na maraming kalat.

"Hindi kasi ako nakapaglinis noong isang araw kaya ngayon nalang ako naglinis.", aniya habang pinagpapatuloy ang pamumulot sa mga papel.

Binubuklat pa niya ito na parang tinitingnan kung may nakasulat na pangalan.

"Aha! Luke Salvador. Lagot ka sakin bukas. Ang kalat mo.", nanggigigil nitong sabi habang sinusulat sa maliit na notebook ang pangalan.

Napakunot nuo naman ako.

"Anong ginagawa mo?"

Nilingon ako nito na nakapoker face.

"Sinusulat ko ang pangalan nila para bukas maparusahan ko ang mga taong nagkalat ng papel sa sahig.", nakapoker face niyang sagot.

Napatango ako habang nakacross-arms pa rin. Tinitingnan ko ang mga papel na nakakalat sa sahig at pumulot ng isa at binuklat iyon.

Hmmm....Carl Oh.

Hinablot ko ang maliit na notebook na hawak niya na ikinagulat niya.

"Woy! Anong gagawin mo?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay sinulat ko ang pangalan doon.

Binigay ko na sa kaniya ang maliit na notebook at pinakita ang papel na pinulot ko kanina. Napatango naman siya.

Lumipas ang ilang minuto at natapos na rin kami sa paglilinis. Kinuha ko ang face towel sa bag ko at lumapit sa kaniya. Pinatalikod ko siya na alam kong ikinagulat niya.

"Hoy kupal. Anong gagawin mo?", may pagtataka sa tono niya.

Hindi ko siya sinagot at pinasok sa likuran niya ang face towel. Sobrang basa na nang likod niya sa pawis. Inayos ko muna ito bago siya pinaharap sa akin at pinunasan ang buong mukha niya na may pawis gamit ang handkerchief ko.

Nakakunot nuo pa rin ito. Dinuro ko ang nuo niya na ikinasama ng kaniyang mukha.

"Lage ka nalang nakakunot nuo, kahit kanino.", nakangisi kong sambit.

Mas lalo pa itong sumimangot kaya kinuha ko na ang bag niya at ng akin sabay hinila siya palabas ng classroom. Tiningnan ko ang wristwatch ko at 3:40 na pala.  Ang tagal pala namin natapos sa paglilinis.

Married To A Badass Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon