PROLOGUE

743 24 0
                                    

PROLOGUE:

"Sir, nagkakagulo na naman po sa Section namin.", bungad ng isa kong studyante pagpasok sa aking opisina.

Napatayo ako sa aking inuupuan.

Si Natalia na naman siguro yun.

Haaiiishhh!! Kahit kailan talaga, ang tigas talaga ng babaeng yun!! Bakit ba palagi nalang siyang nanggugulo?!

Mabilis naman akong lumabas sa aking opisina at tinungo ang Section Libra kung saan ang classroom niya. Malalaki ang hakbang na ginawa ko upang makarating agad ako doon.

Nang papalapit na ako ay rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga studyante sa loob. May mga nanonood na din na mga studyante mula sa labas ng classroom nila. Nang makarating ako doon ay agad akong pumasok at bumungad sa akin ang makalat na mga gamit.

At saktong napatingin ako sa gawi ni Natalia kung saan may kwenihelyo siyang babae.

"Natalia!", agad kong pagkuha sa atensyon niya nang itinaas nito ang kaniyang kamao.

Tumigil naman ito at padabog na binitawan ang babaeng kwenilyuhan niya kanina.

Si Thea pala. Ang kaaway niya palagi. Namumula din ang mukha nito.

Mabilis naman itong tumayo at lumapit sa akin sabay yakap.

Tsk!

"Sir, binugbog niya po ako.", pagsusumbong nito.

Tiningnan ko naman si Natalia na nakatayo lang habang nakacross arms na parang walang nangyari. Nakatingin din ito sa kawalan habang may nginunguya ito sa bibig.

"Ms. Cruz, go to my office.", malamig kong sambit.

Lumingon naman ito sa akin at inirapan ako at naglakad palabas habang nakacross arms pa rin.

Palagi nalang akong na-stress sa babaeng yun.

"Everyone! Go back to your seats and classrooms!!"

Nagsibalikan naman silang lahat.

"Sir, parusahan niyo po si Ms. Cruz. Palagi nalang niya akong sinasaktan."

"Go back to your seat Ms. Alfonso."

Bumalik naman ito agad sa kaniyang upuan.

Lumabas na ako ng classroom at bumalik sa aking opisina.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin si Natalia na prenteng nakaupo sa sofa. May dalawang sofa kasi dito sa opisina ko.

Lumapit naman ako sa kaniya at nagcross arms.

"Ano na naman ang ginawa mo?", may inis sa boses ko.

Lumingon naman ito sa akin na blangko ang mukha.

"Why? I'm just defending myself.", mabilis nitong sagot.

Napapikit ako at bumuntong hininga.

"Sinabihan na kita na huwag ka nang gumawa ng gulo.", madiin kong sambit.

Tinaasan naman ako ng kilay nito.

Aba?!

"So, kasalanan ko pa? Wow ha? Hindi naman talaga ako gagawa ng gulo kapag hindi ako inunahan. Don't tell me *smirk* pinagtanggol mo ang babaeng yun?", litanya nito.

Humugot naman ako ng hininga.

Kalma self. Asawa mo pa rin yang kaharap mo.

"You will stay here hanggang sa uwian. Huwag na huwag kang lalabas dito hangga't hindi mo pinagsisihan ang pinaggagawa mo!"

Tumaas naman ang kilay nito at tumango-tango.

"Okay. Sabi mo eh.", ani nito.

Kung hindi ka lang babae baka nasapak na kita.

Bakit kasi ganitong babae ang ikinasal sa akin?!

Araw-araw nalang akong nai-stress sa babaeng to!

Its just.....i married to a badass girl!! At studyante ko pa!!

Married To A Badass Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon