Pheobe's Pov
Binuksan ko naman yung pintuan ng entrance ng resto bar na tinutugtugan namin at pumasok ako sakto naman wala pang masyadong customer kasi madalas gabi kasi ang pick hour ng resto bar.
Nag lakad naman ako papunta sa bar station agad kung nakita si Tita Angelica ang mommy ni Jazmin na owner ng resto bar agad naman akong lumapit sa kanya.
" Hi tita "
" Oh phoebe napa-aga ka yata "
Napatigin naman ako sa relo na suot ko sa kanang braso ko it almost 5:30pm. Bumalik naman ang tigin ko kay Tita Angelica.
" Dumaan na din po ako dito para sabihin na hindi po kami makakatugtog ngayong gabi "
" Huh? Bakit naman? " takang tanong ni Tita Angelica
" Masama po kasi yung pakiramdam ni Trixy alam ninyo naman po na siya yung asset namin hindi kami makakatugtog kung wala sila " pag sisinungaling ko
Ayaw ko din sanang gawin ito pero wala akong ibang pag pipiliian. Hindi kami makakapag perform ng maayos lalo na sa kalagayan ngayon ni Trixy.
" Sabagay hay nako sana gumaling na siya "
" Sana nga po, Pasensya na po ulit "
" Nako ayos lang yun buti nga at na sabi mo agad saakin ako na lang ang bahalang mag paliwanag sa mga customers natin mamaya "
" Anyways Tita mauna na po ako baka ma late ako sa raket ko dumaan lang ako dito para sabihin sainyo "
" Raket? "
" Opo may part time job po ako sa mall waitress po ako sa isang fast food "
" Ang sipag mo naman Pheobe "
" Kailagan po eh, pano Tita mauna na po ako "
" Sandali lang may ibinigay ako sayo "
" Po? "
Hindi na niya ako sinagot. Tumalikod siya at nag lakad sa may counter at may kinuha at nag lakad pabalik saakin
" Here take this " sabi niya sabay abot saakin ng isang puting sobre na medjo makapal
Agad ko namang kinuha at binuksan pag bukas ko tumambad saakin ang pera na tig iisang libo bumalik naman ang tigin ko kay Tita Angelica
" Ang laki naman po nito Tita "
" Kung si Trixy ang asset ninyo sa banda kayo naman ang asset ng resto bar na ito " sabi ni Tita Angelica " Noong una hindi kayo nag papabayad saakin bilang pag tugtog ninyo dito sa resto bar pero noong kinausap ako ako nila Trixy, Luna, Erlyn and Sydnee na ibigay na lang sayo yung parte nila kasi kailagan na kailagan mo pumayag na din ako. Pasensya na pala kung nahuli hah medyo naging busy kasi ako nitong mga nakaraan may importante kasi akong inasikaso " dagdag ni Tita Angelica sanay ngiti
" Ayos lang po yung Tita si Jazmin nga po pala bakit di ko po nakikita ngayon dito? " takang tanong ko
" Bumisita siya sa Lola niya sa Singapore " sagot ni Tita Angelica
" Ah ganon po ba sige po mauna na po ako "
Tumango naman si Tita Angelica tumalikod na din ako at nag lakad palabas ng resto bar.
Napag desisyunan ko naman na mag lakad na lang maaga pa naman at para makapag exercises na din. Pero napansin kung may sumusunod saakin kaya agad kung inilagay yung bag pack ko sa harapan ko at binuksan ko yung bulsa ng bag ko para may magamit.
Lumigon ligon naman ako sa kanan at kaliwa ko walang masyadong tao dito.
" Holdap ito " sabi ng lalaking naka jacket at naka sumbrero pero hindi yun ang una kung napansin sa kanya. May hawak siyang kutchelyo at nakatutok ito sa tagiliran ko " wag kang sisigaw kung ayaw mong isaksak ko ito sayo " dagdag niya
" Kuya alam mo ba ang ginagawa mo? Gusto mo bang makulong? "
" Wala kang pake alam ibigay mo saakin ang pera "
" May ipinatago ka ba saakin kuya? Parang wala naman akong na aalala " pambabara ko sa kanya
" Ibibigay mo saakin o isasaksak ko ito sayo? " seryuso niyang sabi
Mainitin masyado ang ulo ni kuya
" Sandali lang po kukunin ko lang " sabi ko sanay unti - unting binuksan yung bag ko pero hindi ko tinuloy. Pilit kung inagaw sa kanya yung kotchelyong hawak hawak niya pero hindi ko naagaw sa kanya kasi malakas niya akong naitulak.
Lalapit sana ulit siya saakin habang hawak hawak yung kutchelyo pero nagulat na lang ako sa sumunod na nang yari..
Isang lalaki.
Isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket ang humarang saakin nakaharap sa holdaper at hawak hawak nito ang kamay ng holdaper kung saan nanduon yung kutchelyo.
Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nang yari dahil sa sobrang bilis. Nakita ko na lang si kuya Holdaper na nakadapa sa kalsada at may posas ang kamay. Napaligon naman ako duon sa lalaking naka jacket, lumigon din siya saakin akala ko makikita ko na yung mukha niya para makilala ko pero hindi dahil na tatampan ang mukha niya ng itim na facemask. Pero napansin ko naman ang medyo singkit niyang mga mata.
Bumalik naman ang tigin niya duon ki kuya holdaper at hinawakan yung kamay at pilit niya itong pinatayo at lumapit saakin.
" Come with me " seryusong sabi ni kuyang naka itim na jacket with matching itim din na facemask
But wait
His voice is very familiar
" Hah? "
Bumuntong hininga naman siya at inalis niya yung facemask niya at duon ko siya nakilala
" Ryker? " takang sabi ko
" Come with me " ulit niya
" Bakit? " takang tanong ko
" Tss bobo ka ba para di mo malaman kung bakit? " seryuso niyang sabi
Aba!
" Wow hah hiyang hiya naman po ako "
" Sumama ka saakin para ma e report natin itong nang yari sayo at para maidala na din natin ito sa police " sabi niya sabay tigin ki Kuya Holdaper
" Yun sasabihin mo din pala dami mo pang sinabi "
" Tss " tumalikod naman siya at nag lakad papunta sa kotse niya
Huminto siya sa tapat ng kotse niya at pinapasok sa back seat si kuya holdaper
" Wag mong tangkain na tumakas baka hindi sa police department ang bagsak mo " seryuso niyang sabi sabay sara ng pintuan ng kotse sa back seat
" Saan ako? " tanong ko
Lumigon naman siya saakin
" Kung gusto mo mag lakad ka na lang " sagot niya
" Kanina sabi mo sumama ako sayo para mareklamo yung nang yari tapos pag lalakarin mo ako? " inis na sabi ko
Bipolar ba ang lalaking ito?
Noong huling kita namin hindi naman siya ganito
" Hindi kita aalukin kung pag lalakarin lang kita mag isip ka nga " sabi niya sabay talikod at nag lakad papunta sa driver seat
Aba hindi man lang ako pinag buksan ng pintuan ng kotse niya
" Bukas yan buksan mo na lang " sabi niya
Hayzt pasalamat siya niligtas niya ako kung hindi makaka tikim na naman ito ng suntok.
Agad ko naman binuksan yung pintuan ng kotse sa passenger seat sa tabi ng driver seat at pumasok at isinara ko ulit yung pintuan ng kotse niya at nag seat belt mabuti ng sigurado malay mo kaskasero pala itong mukhong na ito. At agad naman niyang pinag start yung kotse niya at pinaandar paalis.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love ( ON HOLD )
Romance" The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart " Noon I never believe in romantic love Ok na saakin na nandyan ang mga kaibigan ko at ang magulang ko Pero Pano kung isang araw may i...