Chapter 10

7 1 0
                                    

Phoebe's Pov

Kumuha naman ako ng plangganita nilagyan ko ng maligamgam ng tubig at kumuha din ako ng face towel at bumalik ki papa na nasa sala ngayon nakaupo sa sofa.

Umupo naman ako sa tabi ni papa at inilagay ko yung plagganita sa center table namin at pinigaan yung face towel at pinunasan ko siya.

" Papa bakit kayo nakipag suntukan ki Manong Donald? " tanong ko ki papa habang pinupunasan siya

" Napaka chismoso kasi ng Donald na yan alam na alam lahat "

" Hindi po ba mag kaibigan kayo? "

" Kaibigan? Tss hindi kami mag kaibigan "

" Ano po bang pinag awayan ninyo? "

" Alam na alam niya lahat pati pag iwan saakin saatin ng nanay mo alam niya "

Napahinto ako sa pag pupunas

" Iniwan daw tayo ng nanay mo kase hindi ako bagay sa kanya, na wala akong pera tulad niya, na mahirap lang ako kaya ako nilayasan ng nanay mo na kaya siya nag hanap ng iba "

" Papa "

Tumigin ng seryuso saakin si papa

" Alam mo ba ngayon ang wedding anniversary namin ng nanay mo at ngayon din ang araw na iniwan niya tayo "

Nagulat ako sa sinabi ni papa

" Papa hi-hindi ko alam "

" Wala ka naman talagang alam " sabi niya sabay ngiti " umalis ka na " dagdag niya

" Pero papa "

" Alam ko naman na dadating din ang araw na iiwan mo din ako katulad ng ginawa ng nanay mo kaya umalis ka na "

" Hindi " sagot ko

" Umalis ka na sabi! " sigaw ni papa sabay tayo at inihagis yung hawak niyang bote ng alak dahilan para mabasag ito

" Pheobe! " sigaw nila Luna, Erlyn, Sydnee at agad na pumasok sa bahay at nilapitan ako

" Umalis ka na " sabi ni papa

" Hindi papa " pag mamatigas ko

" Sabi ng umalis ka na! " sigaw ni papa

" Tara na Pheobe umalis ka muna dito " sabi ni Luna at inalalayan akong umalis ng bahay

Nandito kami ngayon sa condo unit ni Sydnee sumama na din si Luna at nag paalam sa parents niya na sasamahan muna ako si Erlyn naman hindi nakasama dahil na din sa di siya papayagan ng parents niya. Malaki ang condo unit ni Sydnee kumpleto sa lahat ng gamit at parang isang bahay na.

" Here " sabi ni Sydnee sabay bigay saakin ng isang baso ng tubig " uminom ka muna "

Agad ko namang ininom yung tubig na ibinigay niya

" Omg?! Is that a blood? " sabi niya sabay turo niya sa braso ko tigignan ko naman at may dugo ito siguro duon sa bobog na galing sa basag na bote ng alak na inihagis kanina ni papa " Wait kukuha lang ako ng First Aid Kit " sabi ni Sydnee at nag lakad ito papasok sa kwarto niya

" Pheobe "

Tumigin naman ako ki Luna

" Madalas ba itong nag yayari sayo? " alalang tanong niya saakin

" Hindi " sagot ko " Madalas uminom ng alak si papa pero pakikibasagan ng mukha ngayon lang " dagdag ko

" Ngayon ka lang din ba niya na sigawan ng ganon? " tanong ulit saakin ni Luna

Umiwas ako sa kanya ng tigin at hindi sumagot

" Pheobe bakit hindi mo sinabi saamin? "

" Ayukong nakadagdag sainyo " sagot ko

Accidentally In Love ( ON HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon