First Dusk

5 1 0
                                    

Una

Reel

Heartbreak.

It's a heartbreak. A never ending heartbreak.

He chuckled. "Even so, you have to think about the small details of that. Akala ko ba ay gagawin niyo next week?"

Tahimik lang akong nakikinig. He's busy talking to his partner. Habang ako, nakapangalumbaba sa couch sa kaniyang opisina. Damn, I don't know why I'm here.

I don't even know why I have time for this.

Nilingon niya ako. Hindi niya pa rin tapos kausapin 'yon. Nang dumating ako rito kanina ay nasa telepono na siya. Hanggang ngayon ay may kausap pa rin sa telepono! Inilagay niya 'yon sa kanan niyang tainga. I narrowed my eyes. Inayos ko ang puting long sleeve bago buksan ang unang butones. Hindi na ako makahinga. Ang bigat kasi nang mga nangyari kaninang umaga. I think I need a drink.

Hinilot ko ang aking sentido. Yes. I need a drink. Drink will be good. It will ease the feeling that I've been feeling today. Nang nilingon ko siya ay hindi pa rin siya tapos. Bumukas ang babasagin niyang pinto at niluwa no'n ang kaniyang sekretarya na nag-iwan ng kape para sa akin.

I smiled. She smiled, too. Binasa ko ang labi at sumimsim agad sa kape habang hinihintay ang kaibigan.

He nodded while narrowing his eyes on the table in front of me. "I don't know. Whatever your call is."

Lumabas naman agad ang sekretarya niya pagkatapos nitong ilapag ang dala.

"How's the merging?" lapit niya sa akin.

Ibinaba ko ang iniinom. Nagdekuwatro ako at huminga ng malalim.

"Fine."

He smirked. "How is she? Kasama ba 'yon sa nag-merge?" ginaya niya ang pagdedekuwatro ko.

Umiling ako. "She's not here anymore. Nasa ibang bansa na,"

"Ah. After the trial?" he nodded.

"Yes. After the trial."

"Are you sad that she left?" ngumisi siya.

"Why would I be sad?"

Nagkibit naman siya ng balikat sa akin. He's provoking me and it's working.

"That's her plan. Even when we were dating-"

"You dated?" tawa niya.

Umirap agad ako. Sumimsim muli ako sa kape bago siya tamad na tignan. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon kaibigan ko siya. The gut of this jackass. Ba't ba hindi 'to nasasaktan?

"I don't know. You could say that." Pumikit ako ng mariin.

"You don't know?"

Alam ko ang tinginan niya. Alam ko kapag may hindi ako magandang ginawa para sa kaniya. I know when he disagree with me. I know when he's upset 'bout the things that I've decided. I know when he thinks deeper than he usually do, when he's angry at me, when he's trying to understand me, and when he tries to change my mind.

Akala nang karamihan na hindi ako minumulto sa tuwing gabi, na akala yata nila ay mahimbing ang tulog ko araw-araw at gabi-gabi. Maybe they think that I'm happy with my life when I hurt somebody with the decisions that I've made in the past.

Ang totoo, hindi ako makatulog pero hindi nila 'yon alam. Hindi ko kayang makatulog. And I think, somehow... I deserve it.

Every fucking time.

"I guess you dated. I saw you ate at that famous restaurant," dagdag niya, 'di na ako hinayaan na magsalita pa.

"Just a dinner with two broken hearts." I laughed. It's too corny.

After the Dusk (After Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon