Dusk 3

4 1 0
                                    

---

"Kung saan ka nga, 'di ba?" sabi ni Hazel.

"Psychology? Talaga?" gulantang pa ako.

Tumango siya. "Sa Mid, 'di ba? Doon na lang din ako. I'll also take Psychology since I like it, too,"

"Weh? Talaga? Akala ko ay sa kompanya ka!"

I asked her what course she wants. Hindi ko naman kasi alam na iba ang pipiliin niya. Paano naman kasi ay dalawa lang silang magpinsan. Malamang, pagtutulungan nila 'yon! O mali ako?

Kapag naiisip ko ang pamilya niya, iniisip ko na agad na may plano na para sa kaniya.

S'yempre, mayaman siya. Most probably her parents and her grandmother talked about her future. Isa pa, kahit nga hindi mag-aral o magsipag si Hazel ay makukuha niya ang gusto niya. Mabuti na lamang at hindi ganoon si Hazel. She focuses on her study so well. Alam niya raw kasing hindi habang-buhay ay aasa siya sa yaman ng kanilang pamilya.

Hindi ako mayaman kagaya ng kaibigan. We can afford but we can only afford the things that matters the most. Baliwala na ako sa mga bagay na kahit gusto ko, wala naman akong magagawa dahil hinid iyon ang pangangailangan ko.

"No. Mommy said I can choose the course that I want,"

"Talaga ba? Hala! Ang saya naman!"

Pumalakpak pa ako sa harapan niya. Nasa classroom na kami ngayon at hinihintay na lamang namin ang guro sa pangalawang asignatura.

Tumabi ako sa kaniya saglit bago tuluyang bumalik sa upuan ko. Ang aga niyang dumating at s'yempre, nahuli na naman ako kaninang umaga. Si Kara kasi ay nangungulit sa akin. Samahan ko raw siya mag-grocery. Ayoko nga! Kung saan-saan niya lang ako dadalhin, e.

Pero in the end, baka sumama ako dahil hindi ko naman siya hahayaan na mag-isa.

The teacher immediately teaches us. Tahimik lamang akong nakikinig habang nakapangalumbaba. Mabilis lang ang oras. Ang dami agad nilang pinagawa sa amin lalo na't tapos na kami sa susunod na buwan. Ilang quiz ang ginawa namin, noong nakaraan pa kasi ako nagpasa ng proyekto sa ibang asignatura ko kaya hindi ako magagahol sa mga 'yon.

Well, may isa pa pero madali na lang 'yon dahil journal lang naman.

We decided to eat at the cafeteria again where some of the kiosks are there. Nasa loob na sila ng cafeteria simula noon. Marami na ang may ganoon sa loob kaya ang dami tuloy naming pagpipilian. Masaya naman ang puso ko dahil doon kaya okay lang.

Kaya lang kasi ay ang daming estudyante. Kaya noong pumasok kami sa loob ay hindi na ako nagtaka. Agad akong ngumuso at agad na ginala ang paningin. Bumagsak ang balikat ko nang hindi ko nagustuhan ang mga nakita. I narrowed my eyes and started walking with my best friend.

"Sa Sabado na tayo pumunta. Marami na ang mag-e-enroll," sambit ko, naalala ang pinag-uusapan kanina.

Tumango namna siya sa akin. "Okay,"

Um-order agad kami at agad din naman naming nakuha 'yon. We sat at the same table we were sitting yesterday.

Tahimik lang ulit kami. Nagkakatinginan kami at sabay na tatango sa isa't isa. Kumain lang ako habang pinapanood ang mga estudyante na nagdaratingan.

Sanay ako sa tahimik na table kasama ang kaibigan. Pakiramdam ko nga ay magtataka ako kapag biglang nagsalita si Hazel. Sinamay niya ako sa ganitong sistema kaya talagang magtataka ako kapag nangyari ang naiisip ko.

Ngunit minsan naman ay makakausap mo siya. Lalo na kung tungkol sa future.

Ngumuso ako at naaninag si Dave. He chuckled. Lumapit agad siya sa table naming. Hindi niya pa nililingon sina Lance, Kara, Nina, at ang iba na umupo roon sa kabila ay dumiretso na siya sa akin. Nang napagtanto nilang sa akin pupunta ang kaibigan nila ay agad naman silang tumingin sa akin at kumaway. Ganoon na rin ang ginawa ko dahil kahit papaano ay malapit ako sa kanila.

After the Dusk (After Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon