Dusk 5

3 1 0
                                    

---

Mabilis lang ang panahon. Para ngang nakasakay kami sa isang sasakyan na matulin ang takbo.

We passed everything for our last requirements. Prom na namin sa Sabado dahil nga tapos na kami. Ang alam ko sa mga first year lang 'yon at sa fourth year high school. Kaya nagkakagulo dahil gusto rin daw nila ang mayroon kami ngayon.

Kasalukuyan nasa hall kami ng paaralan para sa practice. Kumuha sila ng limang estudyante sa bawat seksyon. Napakamot na lang ako sa ulo nang sinama ako dahil friendly naman daw ako. Hindi raw ako mag-iinarte sa magiging partner ko.

Aba! Mapili naman ako kahit papaano 'no!

Kasama ang best friend ko na si Hazel. Inis na inis nga siya dahil hindi niya raw nga gusto. Si Marian nga ay nasama rin dahil gusto niya raw at nagbabaka sakali na naman.

Pakiramdam ko nga ay karamihan sa mga babae na nadirito ay pinilit na makasama sila. Sa classroom pa lang namin ay nagrerkeklamo na ang iba, paano pa kaya sa ibang seksyon?

Kanina pa kami rito. Nagpakilala ang mga instructor sa amin at pinaalala na hindi na puwedeng umatras dahil plus one raw sa card! Doon na lang ako natuwa dahil may plus one! Tumawa ako sa naiisip kaya napalingon sa akin ang kaibigan.

Inirapan niya ako at humalukipkip.

"Since it's hard to pair you by your surnames. Kung sino na lang ang makakaharap niyo sa pila ng mga lalaki, iyon ang partner niyo," paliwanag ni Sir Migs sa amin.

Pumila naman ang mga babae at lalaki. Tamad akong sumunod kay Hazel na nakasimangot din. Nag-usap kami ni Kara at pinayagan niya ako na sumama rito. Sabi ko nga ay huwag siyang pumayag kaya lang gusto niya ang mga hindi ko gusto.

Kaya wala rin naman akong nagawa. Kasama namin sina Marian, Kate, at Joyce sa pila. Kaming lima ang napili sa babae tapos ay limang lalaki rin. Tuwang-tuwa naman sila dahil marami silang makikilalang estudyante. Kahit sabihin pang kilala na nila ang iba, hindi pa rin matatanggi na may mga estudyante rito ang hindi pa namin nakakasalamuha.

Habang nakapila kami ay maraming nililingon ang mga babae sa mga lalaki.

If I know, ang grupo lang naman ni Raselio ang gusto nila. Mayroon din 'yong pinsan ni Raselio sa mother side na rito rin nag-aaral. I forgot his name, but he has a lot of friends, too. Ngumuso ako habang nakahalukipkip sa harapan ng stage. Tirik ang araw pero naglalagay naman sila ng tolda para hindi mas'yadong mainit. Kaso mainit pa rin kasi sumisingaw 'yon.

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang pamaypay na inagaw ko kay Dave noong nakita ko siya kanina sa pila. Sinasama ko si Hazel dahil nakabusangot na siya.

I narrowed my eyes and wiped my sweats by using the back of my hand. Sana pala ay dinala ko ang panyo na nasa bag lang. Akala ko kasi ay makulimlim, ganoon kanina, e.

"Huwag ka na sumimangot. Plus one 'to!" I smiled.

"Hay, Xian..." iling niya.

I chuckled. "Ay, 'di mo na pala kailangan! Edi huwag ka na lang sumimangot. Minsan lang 'to,"

"Sana si Ricci sa akin," rinig kong sabi ng katabi ko kaya nawala ang atensyon ko kay Hazel.

Nilingon ko si Marian. Natatawa na sa akin. Binasa ko ang labi at inilingan siya.

"Pa'no kapag si Hazel?" si Kate naman.

"Ano naman? Pinsan naman sila," ani Marian.

Tumango ako. Walang magiging kaso sa ganoon. Papabor pa si Hazel dahil si Raselio ang magiging partner niya.

"Eh, pamigay niya na. Lagi niya namang kasama. 'Di ba, Zel?" sungaw niya sa katabi ko.

Hazel just nodded to them. Nagpalakpakan pa sila. I chuckled because I find it funny.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After the Dusk (After Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon