Dusk 2

5 1 0
                                    

---

God created the sky and earth. It was completely empty, nothing at all—everything was covered by darkness. Until God said that 'let there be light' and light began to shine, he saw it and knew that it was good. Then He created darkness after the light. He named the light 'day' and He named the darkness 'night'.

And said that there was evening, and then there was morning. That was the first day.

He did all the work. It was wonderful, amazing, and sometimes, unbelievable. He did it for the people that He truly loves. Para sa kanila ang mundo, ginawa Niya ang mundo para sa mga tao... para sa mga anak Niya.

I thought that the day and night are for everyone. I was wrong, for me, it was never the day and night... it's always just the night.

"Mukha ka na namang pagod. Saan ka ba galing?" salubong sa akin ni Kara.

"D'yan lang," tamad kong sabi at kinuha ang tasa para magtimpla ng kape.

Kakababa ko lang. Gusto ko sanang magmadali pero huwag na lamang. Lagi naman akong late, e. Ano pa bang bago kung magmamadali ako?

I was silent the whole time I'm making my coffee. Umupo na lamang ako sa harapan niya nang natapos ako. She started eating while her eyes are fixed on me. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano na naman?" natigil pa ako sa pagkuha ng kanin.

"Nagsisinungaling ka ba sa akin?" binaba niya ang kutsara.

"Bakit ako magsisinungaling sa 'yo?" aniko.

She shrugged. "Aba, malay ko sa 'yo! Kapag talaga nalaman kong nagsisinungaling ka sa akin, sasapakin kita,"

"Hindi ako nagsisinungaling. Diyan lang naman talaga ako galing!" tikhim ko.

"Oh, saan 'yong diyan na 'yon?" pangungulit niya.

"Ba't ba, Kara? At least sinabi ko sa 'yo,"

"Saan 'yon??? May 'diyan' bang lugar??" balik niyang tanong.

I sighed. "Diyan lang. Naku! Kumain ka na. Masamang pinaghihintay ang pagkain," irita kong sabi.

Kumain naman siya. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang pinggan at nagmadaling umakyat ng kuwarto para maligo dahil late na ako sa klase. Graduating pa naman din ako! Nahuhuli na nga ang iba kong project at homework dahil ang dami nang mga 'yon pero may napasa naman na ako. Kahit sabihin nilang Pebrero pa lamang! Sus!

"Kapag nalaman ko talaga. Papalayasin kita," pinalo niya pa ang pinto ng banyo ko.

Naghihilamos ako pero may gana pa rin akong magsalita. "Kapag nagsasabi ako ng totoo ay ikaw ang palalayasin ko!"

Sandaling tumahimik ang labas. Ngumisi ako dahil mukhang umalis na yata siya at hindi narinig ang sinigaw ko. It's fine, though. Baka totoong upakan ako ni Kara kapag narinig niya, e.

"Ano?!"

Muntik na akong madulas dahil bigla na lamang siyang sumulpot sa gilid ko. Napamura pa ako ng mahina bago siya tignan ng masama.

"Kara! Ano ba?!" sigaw ko, inis na inis na sa kaniya.

Humalukipkip siya. Wala siyang pakielam kahit nababasa siya dahil bukas ang shower.

"Ako pa ang papalayasin mo? Tanggalan kaya kita ng allowance? Ano?" tinaasan niya ako ng kilay.

I sighed. "Nag-inuman lang kami. Kasama ko si Thor," umirap ako.

"Oh? Iyong may crush sa 'yo?"

"Oo." tinapat ko ang mukha sa tubig dahil nahihilam na ako.

Hindi pa rin siya lumalabas.

After the Dusk (After Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon