Author's Note

1.4K 41 59
                                    

Nakita mo siya...

Iiwas ka ng tingin...

Lilingon ka sa kanya ulit...

At mararamdaman mo ang pagtatatalong ginagawa ng puso mo at yung milyun-milyong paruparo sa tiyan mo.

Hindi mo mapigilan ang sarili mo, magpapapansin ka sa kanya.

At kung mapansin ka niya... ''Tenkyu Lord!'' agad, kasing pula ka na ng kamatis, at mula Batanes hanggang Jolo ang kasingliwanag-ng-Meralco mong ngiti.

Yung takot kang aminin sa kanya ang nararamdaman mo dahil hindi iyon kaaya-aya at katanggap-tanggap. Baka masira mo pa yung friendship niyo't maging awkward na ang lahat.

Yung di mo maiwasan na malagyan ng meaning ang lahat ng ginagawa niya sa'yo.

Yung naiinis ka sa tuwing may pinopormahan siya. At kahit anong mood niya, madali niyang naaapektuhan ang mood mo.

Ganun yun kapag may crush diba? Oo alam ko yan, at napagdaanan ko na yan.

Pero, pa'no kung nagkabukingan na? Darating ka na sa panahong awkward na kayo sa isa't isa. Yung iwasan nalang kayo. Yung dating close, ngayon, strangers na. Pa'no?

Yung kailangan mong isampal sa sarili mo ang katotohanang friendzoned ka. Kaibigan ka lang.

THIS IS A TRUE STORY.

Yes. My own story. I'm a simple girl with a simple life but with a very complicated emotional status. You know why I shared this story here? I've got a couple of reasons:

First, masyadong mahaba ang story na to at di keri ng MMK ang kahabaan nito.

Second, masyadong madrama kaya kung sa facebook ko to ishe-share, babatukan lang ako ng 800+ kong friends (LOL).

Third, kung sa twitter naman, kahit anong abbreviation ko, lalagpas pa rin ako sa 140 characters.

Fourth, sawa na ang mga kaibigan kong iba (yung FAKE!) sa paulit-ulit kong kwento.

At fifth, alam kong may makakarelate dito. Hindi man sa whole story, pero sa ibang parts, alam kong meron.

So, 'yun. You've heard my side. Realistic po ako at mahirap. Motor lang ang nasa story na ito, hindi cars. At kung meron man, family cars lang yun. Hindi rin kami kagandahan at kagwapuhan unlike sa cover (kung maglalagay man ako ng cover). Wala rin kaming malaking mansiyon, butlers at yayas, at basta, alam nyo na yun.

Don't judge me po pag nabasa nyo na ang buong storya ha? I know I'm evil. Yes, yes, as much as I know that I'm sexy :D By the way, may tatlong book po itong story na to. This is the first, at true story to. The other two, they're not. Inimagine ko lang yun :D

So, di ko na ito patatagalin pa. My story will unfold na. Now na! Agad-agad! Madali! Kakarakaraka! :D

.

.

.

.

.

Ay, may nakalimutan ako.

Hindi ko pala ginamit ang mga totoong pangalan ng tao't mga lugar sa kwentong ito to preserve my dignity and all. (chos!) Haha, yung totoo, ayaw kong imention, kasi... Basta. Lots of explainable and unexplainable reasons.

At saka, bago ako makalimot, hindi ako slow mag-UD. Lalo na ngayon at itinigil ko muna for a week ang pagsusulat ko sa isang ko pang libro. Pero, depende yon. Siyempre, I want to hear feedbacks kaya mag-a-update lang ako kapag nakareach ng 5 comments yung kada chapter. Yun lang naman eh. Comments. Baguhan lang ako at kailangan ko ng mga comments sa kung tama ba itong ginagawa ko o itutulog ko lang ba ang mga ito. So, ok ba tayo dun? Yun lang, pagbigyan nyo na ang baguhan. Pretty please? With cherry on top? With wings on the sides? (Aw, napkin na pala yung may wings nuh? Haha, yes, I'm a frustrated joker.) So yun nga. Isang malaking thanks sa babasa't magco-comment dito. Matsalamz! :D

The Rebellious Angel Meets the Obedient DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon