CHAPTER THIRTEEN-------->AWKWARD!

78 3 0
                                    

(A/N: Hello po! :D Matagal-tagal rin akong nawala eh ano? Hehe. Namiss n'yo ba ako? Malamang wala. -_- Emote ko din eh. Hahaha.

Pero ano, may request pala ako. Baka kung pwede maka-spare kayo ng kahit isang minuto to pray for our fellows sa may Visayas? Last October 15, Bohol and some parts of the Central Visayas was struck by an earthquake and just recently, Leyte, Samar, and the Visayan and Southern Luzon areas were hit by the typhoon Yolanda. Our prayers can move mountains guys. :)

Anyway, eto na. Hehe. Hope it's worth your time.)

CHAPTER THIRTEEN------> AWKWARD!

Someone's POV

.

.

.

I'm by myself. Iniwanan ko na muna ang trabaho sa Ana-Physio kong subject para magpahangin. Trip ko eh. Kahit naman aircon ang lab, mas maganda parin ang fresh air. Diba? Hehe.

I got my iPod at nakinig nalang sa kantang "Kailan" ng MYMP. Hmmm. Parang may nakakarelate nito ah. Hehe.

At naglalakad nga ang nakakarelate. Haha. "Pre, meeting lang muna kami sa org." ani nya. I just nodded. Bahala ka nga. Hehe.

Mahal nya si Angelica, pero di nya masabi. Di rin napapansin nitong si Angelica. Haaaay. He has something for her. They are something. But things aren't as right as they are for each other.

Speaking of Angelica...

"Ay kuya, sorry po." sabi nya. Tumatakbo ito at nabunggo niya ako. Pinulot ko yung nahulog nyang salamin. Yung akin rin.

"Oks lang, Jel."

"Hehe. Sige po, bye! Sorry ulit."

Isa syang second year BA Communication student. Matalino siya, simple, mahilig sa music. Characteristics I really like in a girl. Pero, may girlfriend na ako eh. Hehe.

Moments after that, nadaanan din ako ng magmimeeting kuno. Tumatakbo din ito. Okaaaaay?

"Pre? Nadaan ba si Angelica dito?"

"Hide and seek to? Habulan?" ginawa ba namang playground ang school?

"Sorta. Now what?" baliw tong dalawang to.

"Ano ako? Gwardya? Hahaha. Oo pre, dumaan siya. Papunta ata fifth floor. Hahaha. Sana sa susunod naming pagkikita, girlfriend mo na siya." sincere yung last words ko.

Kumunot naman ang ulo nito. Ooops, my bad. Taken na pala sya. Haha. Oo tama, taken.

Tumakbo na ito. Tssss. Sayang.

...

Angelica's POV

.

.

.

Tuesday. Four thirty PM. Magmimeeting kami ngayon sa org. Kahit na masakit para sa akin ang dumalo sa meeting na yun, kelangan kong pumunta. Kayo kaya, 300 yung fines pag di ka dumalo nu!

Makikita ko sya. I know this moment will come. Am I ready to face him and be nonchalant about it? I have to. I promised myself to be happy. Then he'll know what he's lost. Labanan na ng pride to. ^-^

Dahil sa fourth floor ang meeting, di ko maiwasang dumaan sa mga laboratories. Oo, sa fourth floor namin yung laboratories pati yung mga meeting area. Naglakad lang ako habang pinipigilang lumingon sa Biology Lab. Successful naman. Hehe.

Nandito na ako ngayon sa Psych Lab, ilang rooms mula sa Bio. Nakayuko lang akong naglalakad, at napatigil ako. May mga paang nakaharang sa daan ko. Naman oh, sa laki-laki ng daanan, haharangan pa talaga ako! Tssss.

Iniangat ko ang ulo ko.

.

.

.

at tumakbo.

Nabunggo ko si Kuya Kael mahloves sa labas ng Biology Lab.

"Ay kuya, sorry po."

Ngumiti ito. Tokwa, angkyut lang naman nya! ♥♥♥ "Oks lang, Jel."

"Hehe. Sige po, bye. Sorry ulit." though I really hate it, kelangan ko nang umalis. Papalapit na rin kasi SIYA. Ewan ko ba kung anong nangyari sa mas-matayog-pa-sa-Great-Wall kong pride. Na-tsunami nung makita ko siya. Tsss.

Magkaiba yung love ko sa kanila. Kay Kuya Kael, landi-landi lang. Crush ko lang siya at maari namang makalimutan yun agad.

Yung sa kanya, iba.

Tumigil pa sya para makipag-usap kay Kuya Kael kaya tumigil narin ako sa kakatakbo at naglakad nalang. Nasa fifth floor ako ngayon.

Whew. Nakakapagod.

.

.

.

"Gotcha." ay nanay ni itay! >_< Nagulat ako nung biglang bumulong ang gwapong nilalang (at ang iniiwasan ko) na si Lucas Antonio Mondragon Andrew. Naaamoy ko yung mint sa kanyang hininga. Waw, bango.

Snap out of it, Angelica! Si Luke yan! Ang gwapong nakakainis na nilalang! sabi ng isip ko.

Pero pa'no..? Eh..

.

.

.

nakayakap sya sakin? Nakayakap ito ngayon sa aking likuran.

"Huy, Kuya Luke. Aakap-akap ka dyan? Bitiwan mo nga ako." mahinhin kong sabi. Shems! Pwede bang next time ka nang yumakap, yung nakamove-on na ako?

"Hmm.." Hindi pa rin bumitaw.

"Hoy, PDA ka na. Sige na, crush mo na ako, alam ko yun. Kumalas ka na nga." ouch. Crush mo na ako, leche, MAHAL KITA, yun, alam mo ba? >_<

Suminghot ito at bumitaw. "Oy, feeling ka." oo, ako na feeling! >_<

Namumula pa yung mata nya.

"Ba't ka ba nakayakap, ha? Ginagawa mo akong bimpo pampahid ng pawis at sipon mo eh. Hahaha." di naman siguro to naiyak o ano diba?

"Haha. I'll be your human blanket."

"Ba't ka pala tumatakbo?"

Inismiran ko lang ito at naglakad na. Nilagay nya yung kamay nya na parang magpi-piggyback ride sakin. Problema nito?

"O-ooy. Chansing ka na." nauutal kong sabi.

"Trust me Jel."

Ano ba 'to? Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Uhuhu.

"Huy Kuya Luke." Kuya Luke. Wala ng Lucas-Lucas. Balik na sa kung anong dapat.

"Punta tayo CR. Daan tayo sa lockers para magdala ng extra clothes."

*Gulp*

Trust.

CR daw eh.

Magdala daw ako ng damit pampalit.

"Kuya?"

"Don't worry, di kita ipapahamak."

Ano ba 'to?

"H-huy... Wag ka nga. Magmi-meeting na tayo."

"We'll be quick.."

Ano bang gagawin namin sa CR at kelangan kaming magdala ng damit pamalit? Tsaka, mamadaliin daw namin? Pati, hinahabol nya ako at inaakap? Tsaka, magtiwala daw ako't di nya ako ipapahamak. I don't...

Tumigil ako sa paglalakad. No, thiscan'tbe.

"Fine. May stain sa skirt mo and I'm covering it."

WHAT.THE.FUDGE. Nag-assume na naman ako. At awkward ang position namin ngayon dahil sa kashungaan ko. Lalong mas awkward dahil...

Yung taong mahal ko ang... sheeeeeeet! >_<

"I'm not having my menses.. right?" 

***

(A/N: Comments? :D Sabihin nyo lang kung gusto dedic. Hehe.ü)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rebellious Angel Meets the Obedient DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon