Chapter Two-------- The First Meeting

341 25 36
                                    

(A/N: Di ako marunong magdedicate. -___- Pa'no ba? tama ba yung ginawa ko? Anyways, dinidedicate ko to sa kanya kasi ambait nya sakin, comment-comment siya dito tsaka nisali nya sa RL niya.Friends na tayo ah? :DD

Ano kayang mangyayari ke Angelica? Madadapa ba sya? Matatamaan ng ligaw na bala? Ma-iindian? Masasarhan ng pinto? Maiiwan ng jeep? Read until the end :DD)

***

Angelica the Rebellious Angel's POV

.

.

.

Papasok na ako sa DR nung...

.

.

.

May tumawag sa Angelic name ko. "Angelica..."

Hay, kaya pala parang may sumusunod sakin. -__-

1,2,3 lumingon ako sa gwapong boses na tumatawag sa akin at...

.

.

.

*insert music here* nakita ko si... Bruno Mars?

Hala ka, kamukha nya.

Opo, idol ko si BM pero ibang Bruno Mars to eh. Ba't nandito siya sa school? Ba't nya ako kilala? Sikat ba ako sa Hollywood? Ha? Ang gulo. Ba't napanganga ako? Ba't parang bumilis ang tibok ng puso ko? Ba't parang siya lang yung maliwanag at siya lang ang nakikita ng mga mata ko? Bakiiiiit?

Pero bago pa ako makain ng weirdong espiritu sa unti-unti lumalamon sa katawang lupa ko, sinagot ko siya, "Bakit po?"

Nagsmile ang gwapong Bruno-Mars-look-alike, "Papunta ka na sa DR?"

Kung ibang tao to, sinagot ko na ito ng Malamang, DR na sa bandang dulo eh. or something. pero, iba siya eh. ang weird nga ng feeling ko sa kanya. "Ah...Opo. Bakit po?"

"Sabay na tayo?"

Nag-nod nalang ako at sumabay na ang talking-to-me na Angel. -___-

Nandito na kami at binuksan nya ang door para sa akin. Hindi ko na napansin ang mga Hi's ng mga kasamahan namin. Nag-observe lang ako sa mga ginagawa nya. Ang gentle. May papasok na girl at agad-agad itong tumayo at binuksan ang pintuan para sa kanya. In-offer din nya yung chair nya, at kumuha siya ng chair sa labas dahil wala ng natira sa loob. (malamang) All that, ginawa nya with grace, pero never siyang nagmukhang bakla.

Napalingon siya sa akin at timing naman na di ako nakaiwas agad kaya nagtama ang mga paningin namin. Nagsmile ito nang malapad. Lalo siyang gumwapo. (Pasensya, ang plain ng description ko, hindi ako marunong kiligin). Para talaga siyang angel or something. Ang bright-bright nya kahit na moreno siya. Ewaaan! Tsaka, naningkit na yung mata nya sa sobrang ngiti at pansin ko rin ang mala-model-ng-toothpaste niyang ngiti. Ngumiti na lang ako nang konti nang di naman ito mag-akala na snob ako or something.

Nagsimula na ang meeting. Tahimik lang ako habang nagnanakaw ng tingin kay pogi paminsan-minsan. Curious lang kasi talaga ako sa kanya eh. Nga pala, youth leaders lang ang meron sa organization na 'to at mostly, mga SK's. May mga Organization officers din ng iba pang orgs.

Hanggang sa nag-introduce na kami sa aming mga sarili. I did not pay that much attention, malalaman at malalaman ko lang din naman ang mga pangalan nila balang araw.

Nag-intoduce na si Kuya-na-sumabay-sa-akin. "Hi, I'm Lucas Antonio Andrew. 3rd year BS Biology. Luke nalang for short.:D"

.

.

.

No way? Siya yung hinayupak ang katalinuhan? Yung pasok sa Dean's list? Yung friend ni kuya? Oh my gee. Gwapo na nga, gentleman, mabait pa! Wow, kainggit. Idol ko na siya! And to think na nandito siya... He must be a public servant. Simply wow.

Nagpakilala na rin ako pagkatapos nya. Ewan ko, sabi nga nung nasa tapat ko na babae na Karen ata yung pangalan na "Ang kyutt niya talaga,oo. Tingnan mo, natural lang yung blush niya." . First time ko ata masabihan ng cute? Ewan... Pero nagba-blush daw? No way!

Nagsnacks kami pagkatapos nun. Ako, extra careful sa pagsubo ng monay. Naku eh kay laki nitong monay tsaka ang liit lang ng baba ko. -_- at syempre, nakaw-nakaw pa rin ke Luke. *wink*

Di nagtagal at nagring na ang bell. Nauna na akong umalis sa kanila dahil may 5:30 class pa ako. Pagdaan ko kay Angel Luke, nagbye din sya tsaka may wave pang kasama. Nagwave din ako at umalis na.

Nung nakalabas na ako ng DR, dun pa ako naging clumsy. Halos madapa ako nun dahil hindi ko napansin ang mga chairs. Nakaka-bangga din ako ng tao. Haay, ewan. Basta isa lang ang alam ko. Na that Lucas Antonio andrew is simply beyond ordinary. At talagang ichi-check ko 'to at gagawan ng research.

***

(A/N: oh? Kumusta naman ang Chapter 2 ko? Hehe. Okay ba? Hehe. Vote. Comment. Fan. Wag nyo akong imbyernahin. See you sa next chap!! :DD Ay, bago ko malimutan, I'll dedicate my next chapter sa kung sino man ang nagmamay-ari ng pinakabonggang comment. Hehe. Di muna ako manghihingi ng 5 comments eclavu. Tsaka after dinner ko na ilalabas ang susunod so stay tuned, okay? Kamsahamnida! :D)

The Rebellious Angel Meets the Obedient DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon