Iba talaga yung saya kapag ikaw yung unang kumakausap sakin.
Kaninang umaga, Inaya ko kayo sa likod dahil nandun yung attendance.
Hindi ko sayo mismo sinabi dahil nahihiya ako.
Pero nagulat ako ng ikaw yung sumagot.
"Galing na kami dun. Wala naman. Hintayin nalang natin dito. Ano?" Sabi mo.
Sabi ko Sige. Tapos inokray okray mo na ko. Dahil isa kang dakilang bully(pero cute), di mo ko nilubayan hanggang sa mapikon ako.
Tapos ikaw naman to, na lalapit lapit para magsorry kuno at sabihing binibiro mo lang ako. Pero mamimwisit din naman pagkatapos.
Ang hirap pigilin ng feelings.
Alam mo ba yung kada nakikita kita literal na kumakabog yung dibdib ko.
Tuwing magkausap tayo kahit madalas na puro kabulastugan yung mga sinasabi mo.... Parang kinakabahan ako.
Pero dahil sa ayokong aminin sayo kung gaano kita kagusto, kahit alam kong alam mo na dahil halos literal na ipagtulakan ako sayo ng punyeta kong mga kaibigan.
Ayoko pa din umamin. Ayokong sakin manggaling na gustong gustong gustong gusto kita. SOBRA.
Kaya kapag kausap kita, lagi kong kinakanta sa isip ko yung isang part ng Pangarap lang kita.
"mahirap maging babae, kung torpe yung lalaki, kahit may gusto ka, di mo masabi.
Hindi ako yung tipong nagbibigay motibo, conservative ako kaya, Hindi maaari."Kaya dito ko nalang nilalabas lahat. Di ko kase kayang kiligin sa harapan mo. Baka mapaamin ako ng wala sa oras pag nagkataon.
------------
PS: I love you J.
BINABASA MO ANG
The Author's Confession
Teen FictionEverything that is written here are based on my own experience. I won't mention names for my own safety. This is my kind of diary.