Pa-fall.

20 0 0
                                    


Define Pa-fall?

eto yung mga taong pakikiligin ka, paiibigin ka, magbibigay ng motibo, ipaparamdam sayong espesyal ka sa kanila, hahayaan kang mahulog sa kanila, pero wala pala silang balak na saluhin ka at basta ka na lang iiwan sa ere. Sila rin yung lagi mong kausap, o katext, minsan lumalabas pa kayo. Pero magkaibigan lang.

Alam mo.. Ikaw to. Sobra.

Assuming na kung assuming pero wala e. Ibang iba yung ipinapakita mo sakin, o baka ako lang yung nakakapansin.

Ganon ka nalang kung mag-alala. Grabe dinaig mo pa yung nanay ko. Yung tipong na-medics ako dahil sa sobrang nahihilo na ko e halos parang naging reporter ka kung maka-interview. "okay ka lang?" "nahihilo ka daw?" "wag ka muna kayang magpractice?" "samahan kita" "Oh tubig, ubusin mo yan"

SEE?! Kahit sinong dalaga ang sabihan ng mga yan eh mapapaisip din.

Masyado tayong magulo, malabo...

If only I could tell you what I really feel. Gagawin ko. As in now na.

Pero hindi ko kaya.

Ay mali. Kaya ko palang sabihin. Kayang kaya. Pero hindi ngayon...

Sa tamang panahon....

------------------------------

The Author's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon