Chapter 42 // 2304

298 20 9
                                    

Chapter 42

Halos trenta minutos naming pinanood ang paglubog ng araw, tahimik habang ninanamnam ang tahimik na paligid.

"Baba na tayo, Cian." nauna siyang bumaba at inalalayan niya rin ako sa pagbaba ko.

"Saan na ba tayo? Do you want to eat? What?" dumikit ako sa kaniya at inilingkis ang kaliwa kong braso sa bewang niya at ipinaakbay ang balikat niya ulit sa akin. I just to be so close to him like this.

"Kain na tayo." sabi ko sa kaniya dahil nakaamoy na ako ng mga luto sa buong paligid. Ang bango at nakakamiss ang mga street foods. "Kumakain ka ba ng street food or something like that?" tanong ko at umakyat kami ulit sa hagdan na dinaanan namin kanina. Ngayon ko lang napansin na parang pabilog ang buong lugar at may mga street vendors sa paligid.

May mga daanan din kagaya ng hagdan na ito sa ibang gilid at hindi ko na alam saan kami dadalhin.

"Nope. The last street food I eat was the burger." bigla kong naalala 'yung time na kumain kami sa angle's burger. Masarap naman kasi talaga, siya lang 'tong maarte sa pagkain.

"You wanna try it again?"

"No, it's disgusting."

"Ihh! Kahit isang beses?" marahas lang siyang umiling.

"No and I'll never will. Kahit mamatay ako, hindi na. Looks like there's a restaurant or a cafe here around." hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya napatigil din siya. "What now?"

"Gusto ko kasing kumain nung mga 'yon, Cian. Please naaa, kahit ako na lang ang kakain." nagmamakaawa kong boses sa kaniya. "Promise after nito hindi na kita kukuliting kumain ng mga street food. Ever."

"You sure? Pero baka mapano ka?"

Umiling ako. "I'm sure they are all pretty clean."

"Walang cafe rito sa paligid puro stalls lang, saan tayo kakain ng pagkain? I'm hungry as fuck too." he groaned and gaze around. Mukhang kailangan pa namin mag tanong tanong para makahanap ng gusto niyang kainan. Kung ako sa kaniya, pwede naman na kasi rito sa mga street food.

"Ikaw mag hanap ka ng makakainan natin while I'm eating here. Nandito lang ako kumakain ng street food if you don't want to join me. Siguro pag balik mo may nahanap ka nang pwede nating kainan." napaisip siya ng ilang sandali sa sinabi ko.

"You'll stay here?" he asked.

I nodded convincingly. "Akong bahala sa sarili ko. I trusted you earlier so you have to trust me this time. Hindi ako aalis." bahagya pa akong nagulat dahil may ilaw na biglang bumukas sa itaas namin. Madilim na kasi dahil naka lubog na ang araw. Natuwa naman ako dahil maliwanag pa rin ang buong paligid dahil sa mga ilaw ng poste at sa mga tindahan.

"Paano ka kakain?"

"Lulunukin ko malamang. But before that, pahingi akong pera. I'll stay where you will left me." bumuntong hininga siya at dumukot sa bulsa niya ng pera. Hindi niya ata dala wallet niya at cash sa bulsa lang ang meron.

"Ohh, kasiya naman na 'yan. Dito ka lang habang nag hahanap ako ah?" paalala niya na kaagad kong tinanguan.

"Oo nga, kulit nito eh. Dito lang ako." nagpaalam na siyang aalis at ako naman ay kaagad na nagdiwang dahil wala na siya at pwede ko nang makain ang gusto kong kainin. Honestly, I don't have plans of leaving him and para saan pa ba kung tatakasan ko siya? He got it all, name, power, the face and everyone I could wish for a man to have.

Lumapit ako sa isang ale na natipuhan ko. Kahit na marami sila, mukhang attractive sa kaniyang bumili dahil kanina habang nag-uusap kaming dalawa ni Lucian ay maraming naka pila sa kaniya. Nag fiesta ang mata ko nang may makita akong kwek-kwek, fishball, kikyam, squidball, may fried siomai so I assume may steamed pero wala silang siopao.

Fontabella 3: Singing For Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon