Until 12: Sí

255 4 4
                                    

Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko, binaliwala ko na lang but mas nagising ako ng tuluyan ng mafeel na niyuyugyog na ang balikat ko, grabehan ito ha! Dahan dahan ko ng minulat ang mga beautiful eyes ko *joke* basta yun na nga minulat ko na ang mata ko at ang mukha lang naman ni Cassandra ang bumungad sakin. Ano na naman ba kelangan neto?

" Ano na? Ayaw mo ng bumaba ng sasakyan ha? " sarcastic na tanong nya saken

" H-huh!? " tinignan nya lang ako na parang sinasabing ' ano amnesia agad? '

Nasapo ko naman ang palad ko sa noo ko, Oo nga pala.. nakatulog ako dito sa sasakyan. Omyg wait!

" Andito na tayo? " may halong gulat kong tanong. Mukhang ewan lang eh

" Ayy, hinde te.. nagstop over lang tayo. Babyahe pa tayo ng 10 hours. Gusto mo? " baket ba nasobrahan ata itong babaeng 'to sa pagkasarkastiko? -_-

" Ok. Fine. I'm just asking " sabay taas ng dalawang kamay na para bang sumusuko. Bumaba na agad ako sa van.

Pagkasara ko ng pinto ay agad ko siyang nilingon..

" So, ano na nga? " sabay pose pa na parang naiinip, ako naman ngayon.

" You're so palatanong din noh? C'mon mauna ka ng maglakad, daliii! " Aish, para matapos na itong kaewanan niya kaya naglakad na nga lang ako pero syempre binagalan ko ng kaunte nang maasar naman tong babaeng kasama ko, akala nya ha

Habang naglalakad naman ako dito sa kahabaan ng edsa *chos* para tong mini forest pero di naman ganun kadami ung mga puno tapos may mga small lanterns na nakasabit sa trees. Tapos-- teka nga bakit para may naririnig akong tugtog?

Naglakad pa ko ng kunte tapos tumigil saglit, aba lalong lumalakas yung tunog tyka ano yun? parang ang romantic ng tinutugtog.

Lakad lakad pa ko ng biglang umilaw ang isang.. gazebo? na mismong nagpaliwanag sa paligid. Hala!? Mali ata napuntahan ko? Parang may magdadate, agad akong lumingon sa likod ko para itanong kay Cass kung tama ba itong pinuntahan namin but unfortunately.. wala na pala sya.

Huwaaat!? Wala na sya? Teka baka mapano ako dito.. natataranta naman akong lumingon kung saan saan para hanapin si Cassandra at nang makaalis na din dito. Baka ba magalit yung naghanda neto at sabihin pang nakikiisyoso ako.

" Aahhyy " nagulat ako ng may biglang nagtakip ng isang kamay sa mga mata ko.

Sisigaw na sana ako ng kidnap, holdap, rape *lol* nang marinig kong magsalita ang taong nasa likuran ko na nagtatakip sa mga beautiful eyes ko.

" Relax, babe. " Rence? What the!? Tinakot nya ako, I swear..

" Rence? Ano naman ito!? Tyka wait nga lang at pakitanggal 'tong kamay mo! " sabay hawak sa hand nya para tanggalin kaso wala din akong nagawa.

" Ssshhh, I'll guide you.. " tapos naglakad na nga kame.

Pinaupo nya ako at tyka nya lang tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa mga mata ko. And I was totally shocked.

" Surprise. " He said from behind then pumunta na sya sa kabilang dulo nitong table at umupo. Mas gwumapo sya ngayon, ayos na ayos talaga sa sarili.

Ang ganda. Everything is beautiful, ang ganda ng pagkakaayos ng table at nasa gilid lang namin ang mga tumutugtog. Omyg! Ito na ba?

Di na muna ako nagsalita, grabe para sakin pala lahat ng ito. Nakangiti lamang ako. Then may lumapit para iserve ang pagkain namin. Yung food? Ayy talaga nga naman eh.. ang ganda din sa paningin, mukhang masarap ito.

Natapos na kaming kumain, and the whole time nun ay sumusulyap lang kami sa isa't isa at ngumingiti. Urgh, ito na nga talaga ata.. kyaaaaah!

" Nei.. " pagtawag nya sakin. Sabay tayo at inilahad nya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. Hawak nya pa din ang dalawa kong kamay, and then.. OMG ITO NA NGA!!!

" Ms. Courtney Rei Santos, alam kong ngayong taon na lang tayo ulit nagkita and I just want you to know na noon pa man ikaw na ang ultimate crush ko *natawa ito ng bahagya sa word na ultimate crush*, and looks like it turns to be loved.. Actually, di ko na talaga alam kung ano pang dapat kong sabihin sayo. Ayoko ng pahabain 'tong speech ko, ayoko na din paghintayin ka pa.. So, Ms. Santos, can you be my girl? " Gulat na tulala ang reaction ko while he's saying those things to me nang nakaluhod na para ngang nagppropose. Oo,  ineexcept ko na 'to na kanina habang kumakain di ba? Pero iba pa din talaga eh. Naghuhuramentado na ang puso ko. Oxygen pleaseee!

It's been one month? And maayos naman lahat ng ginagawa nya para sakin. And I guess enough na yung panliligaw nyang yun tutal matagal ko na din naman syang kilala kaya..

" Walang pagpipilian? " nakangisi kong sabi

" Meron. Is it a YES or a YES? " puppy eyes pa more

" Hmm, how about a YES!? " abot tengang ngiti ko

Siya naman ay biglang tumayo nang may ngiting tagumpay na nakapaskil sa mukha at bahagyang napatalon sa tuwa at niyakap ako...

---

Ahoooy! Napamadali tuloy ako ng pag-iisip para dito, kelangan tumupad sa sinabi ko kay Ateng JaDine fan eh.. *HI PO!* ^_^

Anw, ayoko talaga yung mga word na babe baby chuchu na ewan, pero no choice eh.. kelangan ng sweet endearment hahaha!

Read. Comment. Vote.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon