Until 3: Reminisced The Past

311 10 0
                                    

Laurence's Pic ===>

Kinabukasan.. maaga akong nagising. Ewan ko ba kung bakit ganito yung nararamdaman ko, ang alam ko lang nagsimula 'to kahapon nung nagkita kami ulit ni Rence ...

" Aaahhh, anu ba 'to!? " nakaharap ako ngayon sa salamin at mukhang ewan na nakangiti.

" Hiii, Nei! So, how's your morning morning! Todo ngiti ka dyan ha? "

Anu ba yan pati si Cassie napansin ako kanina din sila Mama tyka Papa tinatanong ako kung bakit hindi daw matanggal yung ngiti sa mukha ko.

" Wala, ang ganda lang kasi ng panaginip ko kanina. " medyo nag-aalangang sagot ko pero hindi ko masyadong pinahalata.

" Bakit? Sino? I mean, si Christian noh? Ikaw ha! " kaloka 'tong babaeng kasama ko, mga iniisip e.

" Uyy, di kaya! Halika na nga kung anu ano pinagsasabi mo diyan " wwwoooaaahhh

Hay sa wakas, recess na.. Nasa canteen kami ngayon at kumakain habang nagdadadaldal si Cassandra. Juice Colored di ko naman alam na ganito 'to talo pa ang bakla sa kakadada e, ang yaman pa naman tapos ganyan kumilos hahahahaha

Nagulat na lamang ako ng may biglang magsalita sa likod ko, parang narinig ko na yung boses na yun.. Nakita ko namanang itsura ng kasama ko na nakaharap sa likod ko at ang laki ng ngiti. Dahan dahan kong nilingon ang nagsalita sa likod ko. Medyo nagulat ako ng makakita na naman ulit ng mukhang nabiyayaan ng kagwapuha, chos!

" Hi, girls .. can we seat here? "

" Sureee! " " Ok! " sabi namin ni Cassie

Umupo sa tabi ko si Rence samantalang sila Steve at Luis naman naupo sa tabi ni Cassandra. Wala daw si Kier dahil may sinusulat pa daw sa room nila. Kanina pa kami nagkwekwentuhan dito at may kanya kanya kaming mundo, sarisariling kausap. Si Cassie at Luis nagtatawanan ng may halong kilig feeling ko may gusto 'to sa isa't isa. Si Steve naman kasama na yung kadadating na si Kier at nandoon lang naman sa kabilang table at parang nangchichiks. At kami naman ni Rence medyo nagkakailangan ng kunti kung minsan habang pinag-uusapan yung mga ginawa namin nung grade school. Yung mga pag-iingay naming magkakaklase, pagpilit pilit nya na pakopya daw, kahit na man kasi mas matalino siya sakin kumkopya pa din dahil alam naman niyang tama daw ang sagot ko, tinatamad na daw kasi siya mag-isip. lol kung minsan nga nagpapasulat pa sakin 'to e. Aish, ang close pala namin noon pero bakit ngayon parang nagkakailangan kami?

Read. Vote. Comment.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon