Halos dalawang buwan na din simula nung pasukan, lagi na kaming magkakasama nila Rence at ng mga kabigan nya. Nagliligawn na nga ata ng palihim sila Cassie tyka Luis, paano ba naman bigla na lang mawawala kapag mamasyal kami.
Nasa bahay kami ngayon dahil Sabado naman at wala masyadong assignments or projects, kaya naisipan naming magmovie marathon. Si Mama gumagawa ng cookies para daw samin, si Papa naman nasa office.
" Cass, wag naman masyadong OA, ok lang sana na umiiyak ka ngayon kung naasksidente na yung bida kaso hindi e. Pigilan mo muna yung mga luha mo! " Kier
" Hahahahaha! " sabay sabay naming tawa, pano ba naman parang ewan dito si Cassandra kanina pa masyadong damang dama yung palabas.
" Sira ka Bro, wag mu ngang ginaganyan si Cassie ko " sabay kindat at akbay kay Cassie bigla naman siyang namula sa ginawa ni Luis.
" Aysuuus! " " Ayieee! " " Kayo haaa! "
Pagkatapos naming manuod, umalis na agad si Steve, ewan ba namin dun may imemeet lang daw na friend 'psssh' Sigurado kaming babae na naman yun.. 4th year hs oa lang kung makapangchiks naman talaga ohh wagas paano pa kaya sa college.
Kanina pa kami iniinterrogate ni Mama dito, nakakagulat nga minsan mga tanung niya tulad na lang kanina, tanungin ba daw kung sino ang manliligaw ko sa kanila o baka nga boyfriend na daw. Ito namang mga abnormal kong kaibigan tinuro agad si Rence na ngayon namumula na sa hiya.
" Naku, Ma ... wag ka nga magpapaniwala sa mga yan! " Tsk. Tsk.
" Niloloko ka lang ng mga yan, Tita "
" Hahaha, kayo talaga alam ko namang biruan lang, pero teka kung mamula kayong dalawa dyan parang totoo yung mga sinasabi nila ha!? " sabay tawa nilang lahat kami naman ni Rence poker face lang. Si Mama talaga e
" Kung makasabi kayo, kayo pa ata 'tong may relasyon e " pagtutukoy ko kina Luis at Cassie. Sabay tahimik nilang dalawa. Kitams, sila yung mukhang may relasyon Hahahahaha
" Hey, hey, hey! Meron nga ba? " nakangising tanong ni Kier. Sabay may pasiko siko pa kay Luis. Yan, buti nga.. makaasar sila e xD
Hindi na nakasagot yung dalawa tapos dumating na din naman si Papa kaya ayon naisipan na din nila umuwi, tumanggi na muna sila sa pag-aaya ni Mama na dito na daw sila maghapunan.. sa susunod na lang daw baka kasi hanapin na sila. Magkita kita na lang daw kami ulit sa Monday.
Read. Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Teen FictionPagkatapos ng halos ilang taon nagkita kayo ulit ng long time crush mo na magiging first love mo kaso dadating ang araw na kailangan mo na siyang iLet go.. magmove on at baunin na lamang ang masasayang alaala na pinagsamahan nyo sa loob ng isang tao...