TFS 11 - Under the Stars and Moon

21K 818 44
                                    

TFS 11 - Under the Stars and Moon

Naia's POV

Kasalukuyan kaming lumalamon ng meryenda. *Gaga ka Naia, lumalamon? Ikaw lang yun eh sila Prince Rage at Queen Shisheena kumakain lang.*

"Feel at home, salamat sa paghahatid dito sa kapatid ko." ayan na naman siya. Kanina pa siya nagpapasalamat simula nung dumating kami dito eh.

"Bilang pasasalamat, Naia, si Tine na ang magiging Pixie mo." sabi niya at halos mabulunan ako sa gulat.

"Ang mga elementals ay nagtataglay ng mana, at ang mga Pixie ay may kakayahang makapagpataas ng mana. So, she is now your official Pixie." I nodded na parang amazed na amazed sa kakayahan nilang iyon.

"Pero baka naman po hindi siya pumayag." sagot ko naman.

"Duh Ate Naia, gustong gusto ko na nga eh!" sigaw niya at lumipad lipad sa may ulo ko.

"See? Pixies are like guardian angels. Magiging magpartner na kayo ngayon." dagdag pa ni Queen Shisheena.

"Paano naman ako niyan Queen Shisheena?" pagtatanong ni Apoy sabay kindat. *Aba lahat ba ng babae kinikindatan niya?*

"Stop winking at me Fierylus. Isusumbong kita sa King. Tssss. Ok, syempre dahil niligtas mo rin si Tine, bibigyan din kita ng Pixie mo." sagot ng Queen sabay nag snap at may lumabas na gwapong pixie sa tabi niya.

"Meet Bryce, siya ang iyong Pixie." at lumipad papunta kay Rage si Bryce.

"Pwede na, gwapo siya pero mas gwapo ako." pagmamalaki ni Apoy.

"Whoooo ang hangin naman ano Tine?" tanong ko at nag nod ito sakin.

"Queen Shisheena, kailangan ko rin bang bantayan si Tine?" tanong ni Bryce.

"Aba syempre hindi! Malaki na ako kaya ko na ang sarili ko!" iritableng sigaw ni Tine kay Bryce.

"Tine shut up! Oo Bryce, bantayan mo si Tine at siguruhing sumusunod siya kay Naia ok?" sagot ng Queen at nag nod si Bryce.

Ay ano yun not in good terms si Tine at Bryce? Para kasi silang magkaaway, at parang ina under ni Tine si Bryce.

Kumain pa kami ng kumain hanggang sa malapit ng dumilim.

"Queen Shisheena, magpapaalam na po kami. Baka po hinahanap na kami eh. Maraming salamat po sa inyo." pamamaalam ko at nag bow.

"Bye Queen Pixie. Thanks for giving me my own pixie." sabi rin ni Apoy at nag bow.

"Do your mission by following your heart and you two will succeed." pahabol nito at ngumiti samin.

Mission? Anong mission?

Dumidilim na, at gaya ng napaisip ko dito sa Pixie Lair, hindi nga ito gaanong nakakatakot.

Pero si Tine ay nagtago sa Cloak ko. Tsk. Siya dapat ang sanay dito dahil ito ang lugar nakinalakhan niya.

Nahagip ng paningin ko si Prince Rage na may ininulong kay Bryce.

Ipinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"AAAAAAAAAAAAAAH!" Napasigaw ako at pumikit kasi may gumalaw sa mga shrubs. Naramdaman ko na lang na nakayakap na ako sa braso ni Rage.

Pakiramdam ko ay napunta ang lahat ng dugo ko sa aking mukha!

"Ah, ano sorry. Nabigla lang kasi ako." sabi ko without looking at him. Una dahil sa hiya at pangalawa dahil alam kong pinamumulahan ako sa aking mukha. Tapos inalis ko yung mga kamay ko sa kanya pero pinigilan niya. Kinuha ng right hand niya ang left hand ko. And the next thing I knew is that our hands are intertwined.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga dagang nagkakarera doon!

Bakit ba ganito kalakas ang epekto ng lalakeng Apoy na ito sa akin?

It feels so warm that it tells me that I'm safe. Na para bang sinasabi niya na ligtas ako kasi kasama ko siya.

Nakita ko naman si Bryce na nakangisi at pumasok rin sa cloak ni Rage. Nagdagdag pa si Rage ng mga flames kasi dumilim na, iyon ang guide namin sa paglalakad.

I looked at the stars upang maiwasan na makita niya ang mukha ko. Napakaliwanag ng langit ngayon dahil sa moon at stars.

"Ang ganda ng langit. Bilog na bilog yung moon at madaming stars." I said while smiling at sinubukang kumawala sa pagkakahawak niya.

"I know but you are more lovely than the night sky with a full moon and shining stars." sabi naman ni Apoy at mas hinigpitan ang pagkakasalikop ng aming mga kamay. Napalingon ako sa kanya at di ko inaasahang sobrang lapit pala ng mga mukha namin kaya umiwas ako agad.

Parang tumigil saglit ang pagtibok ng puso ko pagkatapos ay mas bumilis pa iyon.

Ugh! Hindi ito tama eh! Iniiwasan ko na nga siya pero heto ako ngayon, kahawakan siya ng kamay!

Hindi ko mapigilan yung feelings ko. I guess, just for this moment, hahayaan kong kumawala sa puso ko yung nararamdaman ko.

Natigil ako sa pagmumuni muni ng marinig kong humihimig ng tono si Apoy.

Mas hinigpitan pa lalo ni Apoy yung paghawak niya sa kamay ko.

Sht! Mas nagiging romantic ang sitwasyon ngayon!

His red fiercing eyes stopped its gaze on me. Nalulunod ako sa mga titig niya. How can he do this to me?

Walang bumibitaw sa aming pagtititigan at hindi ko namalayang tumigil na pala kami sa paglalakad.

I can't deny the fact that I wanna know him deeper. But I'm afraid that if I'll do that, I'll fall for him even more harder.

His eyes are now filled with desire. Gusto ko sanang alisin ang mga mata ko sa pagtingin sa mga mata niya pero hindi ko magawa.

I can't. I just can't.

Sobrang titig na titig kami sa bawat isa. Yung atmosphere namin napaka romantic dahil sa tahimik na paligid, dahil sa mga floating flames niya at dahil sa mga stars at sa full moon na saksi saming dalawa ngayon.

We are inches far from each other. I closed my eyes cause he is getting closer and closer. And then his soft, sweet lips met mine. I don't know for how many seconds. Nawala na ako sa aking sarili! Hindi ko inintidi pa ang sitwasyon at ang paligid namin! My focus was only in him.

Hindi ito ang unang beses na nagdikit ang mga labi namin pero kasi I have this tickling feeling right now. I have this strong feeling and happiness inside me.

We both know that this thing is wrong but this sensation, it felt so right. I felt butterflies inside my tummy and only if I can see my eyes right now, I bet they are sparkling at this very moment.

Our first real kiss, we made it under the stars and moon. And this night, I'm sure that I already fell for him. And I'm so afraid what will happen next.

----
Author's Note

Hindi ko po alam if nakakakilig pero sana may magbasa pa rin nito at sana may kiligin ♡

Thank you for 1k reads. ♡♡♡

PS. Rage and Naia at the multimedia box ♡

PPS. Tweet nyo ako para rin sa feedbacks @ruthiefuuul

Or use #TFSyldine thank youuuuuu ♡

The First SyldineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon