cupcake with ice cream top

16 0 0
                                    

March 5, 2015

Walang pasok NAT ng 4th year. ;)

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Ariane POV

Papasok na ako, bumili ako ng relo ko. Kapalit nung kinuha nung Alien na yun! Dumiretso ako sa library maaga pa naman eh tapos dun tahimik walang manggugulo sakin.

"Hi Ariane! Musta date nyo ni Marcus Alien.? "

"Langya naman! "

Nabato ko yung libro kay Kaye, sya kasi yung nagtanong.

"Ssshhhh...."

Library nga pala dito. Kaya nilapitan kami nang matandang librarian.

"Kung magbabatuhan kayo, pwede wag dito? "

"Sorry po maam "

Sagot ni Kaye dun sa matanda ako naman nag *rolling eyes* sa kanya. Umalis na yung matanda, pinulot nya yung libro then binigay sa amin.

"Ano Ariane? Hindi lang pala relo ang binabato mo na ngayon pati libro na! Tsk tsk "

Pang aasar nya sakin.

"Sinabi sakin nung kaibigan ni Marcus, si De--nnis ba yun? Tama si Dennis. Kinuwento nya sakin lahat lahat. Nakakatawa ka girl! "

Ang tsismosa nya talaga, bilib na ako.

"So..? Wala akong pakialam sa kanya! "

Sumimangot lang si Kaye, tumingin ako sa relo ko then time na pala. First subject na namin.

"Sige, aalis na ako. May klase na ako. Baboshhhh! "

Iniwan ko na si Kaye sa library lumabas na ako at naglakad papuntang room ko.

Room F-C4

Dito na ako. Bat walang tao? Asan sila? Ah PE pala namin ngayon nasa gym sila! Nagbihis na ako ng PE ko then pumunta sa gym.

Nasa gym na ako kumaway sakin si Sarah. Wala pa naman yung proffesor namin. Kaya medyo maingay pa dito. Kaklase ko kasi si Sarah.

"Uii dito tayo Ariane !! "

Kaway sakin ni Sarah. Papunta na ako sa lugar nila para doon umupo pero may humila sakin at pinaupo ako sa tabi nya.

"Dito ka na umupo. "

Ahh! Si Marcus na naman, kailan nya ba ako titigilan. !

"Ayaw ko! Manigas ka Alien.!!! "

Tumayo ako agad at humarap sa kanya ng tumayo din sya.

"Bakit?! Wag kang gumawa ng eksena dito, wala ako sa mood."

Sabi ko sa kanya, wala nagpipigil lang sya sa pagtawa. Nag simula na akong maglakad papunta sa kabilang bench kung saan andun si Sarah. Hinawakan na naman ni Marcus yung kamay ko para pigilan na wag umalis.

"Subukan mong umalis at sumuway sakin, hindi mo magugustuhan magiging parusa ko sayo. !"

"Che! Di ako natatakot sayo. Hmm! "

Akala nya matatakot ako sa gagawin nya sakin pag di ko sya sinunod. Di ko sya pinakinggan at naglakad papunta sa kay Sarah. Makulit sya mas makulit ako.

"Ariane! Isa... dalawa... "

"Magbilang kalang dyan wala akong pakialam! "

Change the Bitter OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon