KABANATA 4

19 4 3
                                    

KABANATA 4
Driver


Lubog na ang araw, at lumubog na rin ang katinuan ko. Pagod na pagod ako ngayong araw na 'to. Nakakainis! Lunes na lunes, sirang sira araw ko. Sana umalis na agad sila bukas para hindi na maging delubyo ang buhay ko.


Nag-set up na rin ang karamihan ng mga kani-kaniyang bonfire para magkwentuhan at magkantahan.


Masaya mabuhay malapit sa dagat. Parang wala akong problema kahit na mayroon talaga. Sadyang natatakpan ng masasayang ngiti ng mga turista ang pait ng mga dating alaala.


Mariel Lewis calling.


"Wrong timing! Kung kailan naman ako naiinis, tsaka may papasok na chismis!", ani ko. Napailing na lang ako at sinagot ang tawag ni Mariel.


"Yes girl?", tugon ko.


"Girl umuwi ka na! Ngayon na.", ani nito at umiiyak pa. Anong meron? "Teka lang ano ba di kita maintindihan. Ayusin mo nga. Ba't ka ba umiiyak ha?", litong tanong ko kay Mariel.


Wala lamang itong sinambit kundi ang patuloy na pag-iyak nito ang naririnig ko. "Huy! Ano na. Hindi kita maintindihan.", sita kong muli sa kanya.


"Girl. Umuwi ka na please. Kailangan ka ni Daddy.", ani nito at humagulgol ulit. Nakaramdam ako ng takot sa ilang sandali at na-estatwa sa kinatatayuan. Napaawang naman ang aking mga bibig at tumikom ang aking kamay. Unti-unting namuo ang mga luha ko pero pinilit kong wag marinig ni Mariel ang pag-iyak ko.



"Anong nangyari kay Daddy? Nasa ospital na naman ba?", ani ko at huminga ng malalim. Nilayo ko ng bahagya ang phone para di marinig ang pag-iyak ko.


"Oo girl. Nandito kami sa ospital ngayon. Gusto ka niyang makita. Pumunta ka na dito. Hinihiling niyang umuwi ka.", ani nito at patuloy sa pag-iyak. Napahawak na lang ako sa noo ko at napatingala. Medyo sumasakit na kasi ang ulo ko. Huminga na lang ako ng malalim.


"Sige. Gagawan ko ng paraan. Uuwi ako. Siguro by next week-"



"Hindi nga pwede. Ngayon na. Umuwi ka ngayon!", rinig kong sabat ni ate Marian, ang panganay naming ate. Shit! Pano na 'to?



Binaba ko na ang tawag at unti-unting nag-unahan ang mga luha mula sa magkabilang mata ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at napatungo dahil sa frustration na nararamdaman ko. Gustong gusto kong umuwi, pero wala naman akong masakyan. Anong oras na? Pero ayoko namang ipagpabukas pa ang pag-uwi. Baka may masamang mangyari pa kay Daddy.



"Wintermelon?", a familiar voice said. Nilingon ko lamang ito habang umiiyak. Wala kong pakialam kung anong itsura ko ngayon.


"Have some. You'll feel better.", ani nito at akmang iaabot sa akin ang isang milktea. Hindi ko naman iyon pinansin at niyakap na lang siya bigla bago tuluyang lumakas ang hagulgol ko.


Hinaplos niya ang aking buhok, at pinatong ang baba niya sa aking ulo. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Lucas, yung lolo ko.", I said in a very weak voice.


"Shh. No need to explain, umiyak ka lang.", ani nito at hinimas himas pa ang likod ko. I'm really not sure why I'm hugging a random guy at the beach.


Unti-unting bumalik ang isip ko at umalis na sa pagkakayakap ko. Nakakahiya. Tiningnan ko siya at nakangiti lamang ito sa akin, pilit din niyang iniaabot ang milktea na hindi pa nababawasan. "Inumin mo. Pampasaya.", ani nito.


Inirapan ko lamang siya at kinuha na ang milktea. "Welcome ha.", ani nito at nag-peace sign pa. Sinamaan ko lamang ito ng tingin.


"Matanong ko nga pala, bakit ka ba umiiyak? Dahil pa rin ba sa pagkalunod mo kanina? Sorry nga pala-"


Wintermelon MemoirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon