KABANATA 14

16 4 0
                                    

KABANATA 14
Walang kawala

Nagising ako dahil sa lamig ng kwarto. I found myself lying on his arms as he sleeps deeply. He looks so innocent and behave when he's sleeping. Sana nga lang, kapag gising din. Nakaramdam ako ng sakit sa ibabang bahagi ko, shit. Did we do it? Did he do it while I was sleeping? Hindi ko maalala. I just felt sore and my heart's a bit heavy in sadness.



Napansin kong iba na ang suot kong damit. I was wearing a white plain shirt, which I think is his' dahil sa luwag nito. I checked my bra and panty if it's still on the right place and thank goodness, hindi ito nawala. Ano na naman bang ginawa ko at hindi ko maalala na napalitan na ang damit ko?



I stood up carefully, trying not to make any sound at hinanap ang bag ko. Good thing it was on his study table kaya't nakita ko ito agad at nagsimula nang mag-book ng cab papuntang ospital. Nahihiya ako, at mukhang wala akong maihaharap sa kanya kung sakaling magising ito mamaya. Bahala na if he'll get mad at me, mawawala rin naman ang galit niya eh.



Lumabas na ako at hinintay ang cab sa gate ng kanyang mansion. Hindi ko na alam kung ano pa nga bang gagawin ko kaya't hindi na ko nakapagpaalam pa sa kanya. Mas maigi sigurong magpaka-layo layo na muna ako. Tutal, nakuha naman na niya ang gusto niya.




Tumungo na ako papuntang ospital at sakto namang nakasalubong ko si Mariel sa hallway. "Hoy girl! Anong meron at may change outfit ka? Ano bang tatak ng damit mo? After Sex?", biro nito at tinawanan pa ko. Sinamaan ko na lamang ito ng tingin at inirapan. "It's a long story girl. I'll tell it to you bukas ng umaga. But now, kailangan kong bumalik ng La Union.", ani ko. Nagtaka naman si Mariel sa aking sinabi. I know, it's out of plan.



"Akala ko ba hindi ka muna babalik? Akala ko mag-aaral ka this semester? Tsaka nakausap mo naman na si Franzyn sa LU diba? Hindi ba siya muna ang mag-aasikaso don habang wala ka?", takang tanong nito. Umiling ako sa kanya at tila ba hindi maipaliwanag ang nangyayari.


"It's not the coffee shop or La Union, Mariel. It's about me. May kailangan lang akong gawin sa LU.", ani ko sa kanya. Hindi pa rin maipaliwanag ang reaksyon nito.


"Uuwi muna ako. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Pero kakausapin ko naman si Lucas na ituloy pa rin ang medical assistance para kay Dad.", tugon ko.




Sakto namang namataan ko si Nurse Lorrin at tinawag ko ito. "Nurse Lorrin!", informal kong tugon. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti bago lumapit. Head nurse pala ito, nakalagay sa nametag niya.



"Yes? Miss Lewis?", tanong nito. Mukha namang nagtataka ito at naghihintay sa sasabihin ko. "Ano kasi.", nag-aalangan kong sabi. Napatingin ako kay Mariel at nakataas lamang ang kilay nito sa akin. Sigurado akong sasabunutan ako nito.



"Mawawala kasi ako ng ilang araw Nurse. Nagbabaka-sakali lang ako na kapag nakita mo si sir Lucas, pakisabi na wag niya kong susundan o hanapin. Uuwi din ako sa lalong madaling panahon.", ani ko. Halata namang hindi pa nag-sync in kay Lorrin ang nasabi ko kaya't medyo napatulala pa ito. Naghihinala na rin kaya siya? O sadyang over acting lang ako?




"Sige. Noted yan. Teka, bakit ka naman ba hahanapin ni sir Lucas? Girlfriend ka niya 'no?", pangungutya nito. Inirapan ko lamang ito. Kahit kailan talaga, hindi 'to makakausap na walang halong malisya. "Walang kami Lorrin. May utang lang ako sa kanya at sigurado akong sisingilin ako non.", ani ko. Nakatingin pa rin ng seryoso si Mariel sa akin at nagtataka. Sigurado akong pagka-alis ni Nurse Lorrin ay kukulitin ako nito ng maraming tanong.




"Sigurado akong susundan ka ni sir Lucas kahit saan ka man magpunta. Don't you know him? He can hunt you down in any minute. Sigurado akong ngayon pa lang, naghahanap na ang mga tauhan niya sa'yo.", pananakot ni Lorrin. "Don't worry about me Lorrin. Basta kapag nagtanong siya, don't tell him anything about me. At ipakiusap mo na ituloy niya ang medication ni Dad. Please.", pagmamakaawa ko sa kanya.



"Oo na. Sige na. Gagawin ko yan. But I can't assure you that I can cover you up with Lucas. For sure, once na malaman niyang magkakilala tayo, pipigain niya ko ng mga sagot kung nasan ka ba.", ani nito sa akin bago tuluyan kaming iwan. Napatingala na lamang ako at napasapo sa aking noo. Hindi ko na alam, natatakot ako na hindi ko maintindihan.



"So what happened Marion? I believe you owe me an explanation.", ani Mariel at pinanliitan ako ng mga mata.

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari, from when me and Lucas met at LU, to the freaking agreement we agreed upon last night. Hindi naman mawala ang pagkagulat sa mukha ni Mariel, ngunit nangibabaw doon ang pang-aasar.



"Ang taray mo girl ah, mukhang hindi lang mansyon ang makukuha mo dyan. I'm a proud sister. Go hoe.", she said while raising her hands on air. Baliw talaga 'to. Hindi ko malaman kung kakampi ko ba o hindi.




"Mariel. Seryoso ako. I'm doing this for Dad. Alam mo namang wala na akong naitutulong sa inyo, sa ganitong paraan na lang ako makakabawi.", I said. Umiling naman si Mariel sa akin. "You know what sis, alam kong madalas kalokohan lang ang ambag, but I'm proud of you no matter what. Alam mo namang wala akong choice sa'yo at susuportahan talaga kita kahit ano pang gawin mo sa buhay. Hindi na kita masisisi sa nangyari, tsaka gwapo naman si Lucas. Correct?", tanong nito. Umirap na lamang ako. Wala talagang matinong ambag ang isang 'to. Ganun pa man, thankful pa rin talaga ko dahil kung hindi dahil sa mga pagbibiro niya, mababaliw ako dito.



"So anong plano sister?", tanong nito sa akin. Bumaba naman ang mga balikat ko dahil naalala ko ang mga sinabi ni Lorrin. Kahit saan ako magpunta, wala akong kawala kay Lucas. Hindi ito ang ginusto kong buhay.




"Hindi ko pa alam girl. Pero gusto kong umuwi muna ako ng La Union. Hindi ko alam kung anong unang gagawin pero kailangan kong makauwi doon. Kailangan kong lumayo muna kay Lucas.", natatakot kong sabi.




"Lalayo sa akin?", a familiar voice asked. Oh shit. Here we go. Hinarap ko naman ito at nakita ang mukha ng isang gwapong lalaki. His green eyes went darker and his teeth gritted in anger. Napalunok naman ako nang makita kong umigting ang panga nito. Hell, here we go again.



"You're not going anywhere Marion.", ani nito at dinuro pa ako sa mukha. Don't you dare! "Isang oras lang akong natulog, nawala ka na sa paningin ko! Kailangan ba kitang itali pa sa kama ko para magtanda ka? Fuck, you're making me crazy. Sinong matinong babae ang bigla na lamang aalis ng gabi even if she's sore? You're impossible miss Lewis.", he blurted out. Napa-awang naman ako sa sinabi niya. Nakakahiya, Mariel's here.



Tumingin ako sa gawi ni Mariel at nagpipigil lamang ito ng tawa. She even cleared her throat. Fuck life! This is extremely bullshit. Pinanlakihan ko lamang ito ng mata ngunit tumawa lang ito ng malakas. Inirapan ko na lamang ito, kahit kailan talaga, hindi ko na ito naging kakampi. I looked back on Lucas, and he still looks frustrated and his eyes kept asking me for explanation.



"Lucas hindi ko alam. I need to rest.", ani ko. Tumango-tango lamang ito at napasinghap. "Fine Marion. I'll let you rest. Bukas, bumalik ka sa office. You'll join my company. Whether you like it or not.", tugon nito.


"But Lucas? Uuwi ako ng La Union.", pagtanggi ko. And I don't want to be a part of any corporate. I just wanted to live my life at the country side. Why is he always messing with my dreams? He's so manipulative.




"My decision is final miss Lewis. Baka nakakalimutan mo, ipapaalala ko lang, ako ang boss.", he said before leaving me in awe. Napa-awang na lamang ang mga bibig ko at tinalikuran na niya ko. As he turns his back on me, unti-unti namang naghabulan ang mga taksil kong luha. Kahit kailan talaga, hindi na ata ako magkakaron ng masayang buhay.



"So, babalik ka bukas sa kompanya nila?", tanong ni Mariel. Hindi ko siya sinagot, bagkus bumagsak na lamang ang mga balikat ko at huminga ng malalim. Hindi ko magawang tingnan sa mata si Mariel, knowing na may panibagong kahihiyan akong ginawa. Wala na talaga akong mukhang maihaharap pa sa kanila.



"It's okay Marion. Kailangan ka rin ni Daddy dito. Kailangan ka niyang makita. Always remember that you're our happy pill.", ani nito habang tinatapik ang likod ko.




Tama siya, I don't have a choice right now. I have to accept my fate, at kailangan kong magpaka-tibay alang alang kay Daddy. Kailangan kong lunukin ang pride, hindi ko na magagawa pang maingatan ang sarili ko dahil naibigay ko na ang buong katawan ko sa kanya.

Wintermelon MemoirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon