Dear Blake,
Hi Blake! Ang tagal na rin pala nung huli nating pagkikita no? Oo, aaminin ko, naging masaya naman ako pero pag naalala kita, nalulungkot pa rin ako. Naalala ko pa noon, hindi man tayo nagkikita, palagi naman tayong naguusap. Alam ko namang mahal na mahal natin ang isa't isa eh. Pero bakit nagkaganito?
Naalala ko pa noon, lagi tayong magkasama. Sabi pa nga nung iba, hindi ba daw tayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa? Di daw kasi tayo mapaghiwalay. Pero ngayon, halos di ko na nga maalala kung anong itsura ng mukha mo, kasi hindi na tayo nagkikita.
Naalala ko pa noon, pag magkaaway tayo, kahit ikaw ang may kasalanan, pag nakita na kitang umiyak, ako pa rin yung magsosorry. Hindi ko kasi kayang hindi tayo nagpapansinan kahit isang araw lang. Pero ngayon, ilang buwan na rin tayong hindi naguusap. Kahit Hi or Hello nga lang okay na ako eh, atleast naalala mo ako diba?
Naalala ko pa noon, Sobrang saya natin. Yung tipong pag absent daw ako, ang tahimik mo. Tapos paguwi mo tatadtarin mo ako ng messages. Kukulitin mo ako kung bakit hindi ako pumasok. Hindi ka nga ata mapakali pag hindi mo ako nakikita eh. Pero ngayon, wala ka na atang pake sakin. Kahit siguro magpakamatay ako, wala na lang sayo.
Naalala ko pa noon, Napakahilig mong magselfie. Ako naman hindi masyadong mahilig sa mga ganyan ganyan, mas babae ka pa nga ata sakin eh. Kahit ayaw ko syempre pipilitin mo ako. Buti na lang ang cute mo mag- puppy eyes kung hindi, wala siguro tayong picture na dalawa. Pero nagpapasalamat na rin ako sa mga picture na yan. Kasi yan na lang yung pinanghahawakan ko ngayon eh. Sa mga picture na lang tayo magkasama at masaya. Pag nagpipicture tayo para na rin tayong nagrerecord ng memories. Kelan kaya tayo ulit magkakapicture?
Hayyyyy Blake. Naaalala ko na naman yung mga panahong, wala na akong mahihiling pa kasi nandiyan ka na. Masayang masaya tayo nun eh. Ganito siguro talaga ang buhay. Pag tapos na tapos na talaga. Wala na ring mangyayari kahit mahal niyo pa rin yung isa't isa.
Kung kakamustahin mo ako? Masaya naman ako. Pero alam mo Blake, mas magiging masaya ako kung kasama kita ngayon. Ikaw siguro sobrang saya mo ngayon, kasi nakalimutan mo na ako eh. Hindi mo na siguro ako kailangan.
Namimiss ko na yung dating ako, dating ikaw, dating tayo. Ikaw kaya, namimiss mo rin ako, Blake?
Pero kahit ganyan ka, tandaan mo, andito pa rin ako pag kailangan mo ako. Pero siguro pag may kailangan ka, hindi na ako yung hahanapin mo. Pero okay na sa akin yun. Tatanggapin ko na lang. Kahit na kinalimutan mo na ako, wag kang magaalala, ako pa rin to.
Ako pa rin si Samantha Madrigal na mahal na mahal ka Blake Santiago. Mahal na mahal pa rin kita.