Epilogue

40 4 2
                                    

"You may now kiss the bride.."  pagkasabi niyan ni father ay nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan. Nandito ako ngayon sa kasal ni Blake. Kasal na sila ni Barbie. Oh yes guys! Pinagpalit niya ako sa isang manika. Hahaha. Pero wala na yun, tanggap ko na yun. Isang taon na rin ang nakakalipas simula nung bumalik siya at sinabing ikakasal na siya. Siyempre nung una masakit talaga, ganun eh. Pero siyempre kung hindi kayo, hindi kayo. Kaya kailangan kong mag move-on dahil mapapag-iwanan ako ng mundo eh. Hehe. Pero seryoso nga, masaya ako para kay Blake. Kahit medyo bitter pa ako ng konti. Konti lang naman ;)

"Malalim ata iniisip ng bespren ko ah?" speaking of Blake. Balik kami sa dating kami bago maging kami. Haha gulo no? I mean dun sa magbestfriends lang hehe.

"Bakit malalim ka ba?" sagot ko pero siyempre loko lang yan. Move-on na nga kasi ako :)

"Mga banatan talaga netong kaibigan ko eh! Hahaha. Kaya mahal kita eh!"

"Ha-ha blake."

"Seryoso naman ako ah? mahal kita kasi ikaw ang girl bestfriend ko diba?"

"Aww friend-zoned."

"Sus. Mag-moveon ka na nga sakin! Mahal na mahal mo talaga ako eh."

"Eeeew. Inaasar lang kita eh! Hahaha."

Nginitian niya lang ako at tinignan ng seryoso.

"Salamat sam ha?"

"Para saan?"

"For your forgiveness. Di ko akalain na babalik tayo dito, sa pagiging magbestfriends."

"Sus ang drama mo na naman! Hayaan mo na yun! Gago ka kasi eh!"

"Hayaan ko na yun pero minura mo ako? Hahaha."

Nagtawanan na lang kami.

"Uhmm friends?" sabi ko.

"No... best friends."

Niyakap namin ang isa't isa at umalis na rin siya dahil tinawag na siya nung manika niya. Sabi sainyo medyo bitter pa rin ako eh. Haha.

"Uhmm miss?"

Tinignan ko yung lalaking tumabi sakin.

"Ako nga pala si Drake, bespren ni pareng Blake. Pwedeng pa-miss call?"

Yan na naman ba tayo sa pesteng pamiss call na yan?!

———-

AN: A very light ending :))))

Dear Blake,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon