What If's...

75 4 3
                                    

(AN: Play the video on the side for better reading, kung ayaw niyo edi wag! :D)

Ano nga ba ang nangyari samin ni Blake? Hayyy.. 

2 years ago..

Nandito kami ngayon ni Blake sa paborito naming lugar. Ang lugar kung saan ko siya sinagot. Nakahiga kaming dalawa sa damuhan at nakatingin sa langit.

"Baby Girl?" Blake.

"Yes?"

"Naalala mo yung kinwento mo sakin dati na kaibigan mo na may ka-LDR?"

"Ah oo, si Chloe. Bakit?"

"Nakaya ba nila? Uhhmm I mean ang hirap nun diba? Ni hindi niyo nakikita yung isa't isa. Malaki ang posibilidad na magsawa na lang kayo."

"Oo, mahirap. Pero syempre kung mahal niyo yung isa't isa, kakayanin niyo. At oo, going strong pa nga sila ngayon eh."

"Wow." Tumawa siya ng mahina, "Sa tingin mo, tayo? Kakayanin natin yung ganun?"

"Bakit? Iiwan mo ako ha? Aba! Subukan mo lang Blake Santiago ha!"

"Hahahaha syempre hindi! Takot ko lang sayo no! Wala lang, naisip ko lang naman."

"Pwes, wag mo ng isipin dahil hinding hindi tayo maghihiwalay, okay?"

"Eh kunwari, sa ibang bansa ako pagaaralin ni mommy, okay lang sayo?"

"Ibang bansa?"

"Oo! Mas maganda turo dun diba? Mas magiging magaling na doktor ako!" Nakangiti niyang sabi at para bang masayang masaya siya sa naiisip niya.

"Oo naman! Syempre sino ba naman ako para hadlangan ka diba?" nginitian ko siya.

"At saka hindi mo naman ako ipagpapalit diba?" tanong ko.

"Oo naman. Ikaw lang baby girl ko." Kumindat pa siya sakin, putek ang gwapo ng boypren ko. Hahahahaha.

"Peksman?" tanong ko.

"Peksman!"

Kinabukasan...

Andito na pala ako sa bahay, nakatulog na siguro ako kagabi. Kukunin ko sana ang cellphone ko ng may nakita akong letter sa gilid ng kama ko.

*tok* *tok* *tok*

"Ate bilis! Ateeee!!!"

"Oo eto na nga! Wait lang!"

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang hingal na hingal kong kapatid.

"Bakit ba? Kung makasigaw ka eh!"

"Si Kuya Blake kasi nasa gate!"

"Sus! Hindi ka pa ba nasanay na nandito yan!"

"Nagmamadali daw kasi siya eh, pormang porma nga eh! Baka may date kayo?"

"Wala naman akong naalala."

"Eh kung babain mo na kaya ate!"

Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa labas. Nadatnan ko si Blake na nasa bulsa ang dalawang kamay at nakatayo sa labas ng bahay namin.

"Blake, may napagusapan ba tayong lakad ngayon? Sorry nakalimutan ko eh. Tara, pasok ka muna."

"Ah hindi. Wala, wala tayong lakad. Hindi mo pa ba nababasa yung sulat?"

"Uhmm hindi pa eh. Babasahin ko pa lang sana kaso dumating ka."

"Sakto lang pala dating ko."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sakin at hinawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko habang ang isa niyang kamay ay nakapamulsa pa rin. Nakita ko ang namumuo niyang mga luha.

"Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" tumango ako.

"Baby girl, may mga bagay lang kasi na kailangan gawin eh, yung mas makakabuti."

" Ano? Pwede bang deretsuhin mo na lang ako Blake."

Hindi na napigilan ni Blake ang pagtulo ng kanyang mga luha. Unang beses ko pa lang nakikitang ganito si Blake. 

"Baby Girl, Im sorry...." tuloy tuloy ang pagtulo ng luha niya.

"Ano ba Blake! Hindi na ako natutuwa ha!" 

Niyakap ako ng mahigpit ni Blake.

"Sana maintindihan mo ako. Sana wag mo akong kamuhian. Dahil hindi ko kakayanin eh."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ulit ako sa pisngi, patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Ano ba kasing nangyayari Blake?

"Mahal na mahal kita Baby Girl.......   Peksman." nginitian niya ako ng isang mapait na ngiti.

Hinalikan niya ako sa noo. Isang matagal na halik na para bang yun na ang huling beses na gagawin niya yun. Pag bitaw niya, nagulat ako sa sunod niyang sinabi. As in gulat.

.

.

.

.

.

"I'm leaving. Im sorry, sam."

Pagtapos niyang sabihin yun, pumasok siya agad ng kotse at umalis.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Di ko namalayang umiiyak na naman ako. Ang sakit pa rin talaga, Blake. Pagtapos mo akong sabihan ng mahal na mahal mo ako bigla kang aalis? Kupal ka talaga kahit kelan.

At yung sulat? Sorry lang siya ng sorry at wag daw akong magalala, hindi niya ako kakalimutan at hindi daw siya magbabago. Mahal na mahal niya daw ako, sana daw maintindihan ko siya. Putcha naman, pano ko siya maiintindihan?! Ni hindi niya ako binigyan ng rason kung bakit niya ginawa yun! Hindi ko nga alam kung kami pa ba hanggang ngayon eh, kahit isang text or tawag man lang kasi wala akong natatanggap mula sakanya!

Pero bukod diyan, marami pa rin akong tanong na hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot.

.

.

.

.

.

.

 .

.

.

What if sinabi ko sakanya ang totoo? Na nagkahiwalay sina Chloe at yung boyfriend niya? Na hindi nila kinaya ang LDR? Hindi kaya siya aalis?

.

.

.

What if sinabi ko sakanyang hindi okay sakin na umalis siya? Na hindi ko kayang magkalayo kami ng matagal?

.

.

.

Andito ka pa rin kaya Baby Boy? 

Andito ka pa rin kaya?

Dear Blake,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon