Blake Santiago

60 4 6
                                    

Today is my birthday and I'm not in the mood to celebrate it. Parang isang ordinaryong araw na lang siya sakin ngayon.

Nandito ako sa special place namin ni Blake. Nakaupo ako dito sa damuhan at nakatingin sa napakagandang view ng city.

Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita ni Blake.

FLASHBACK

First day ng klase ngayonng fourth year kami, maraming transferee galing ibang school at yung iba naman galing lang sa kabilang section. Napatingin ako sa lalaking katabi ko.

"Hi miss! Pwede bang pa favor?"

"Ano yun?"

"Pwedeng pa miss call naman nung phone? Di ko kasi mahanap eh."

"Ano bang number mo?"

Napangiti siya, "0917*******, salamat Sam."

Huh? Pano niya nalaman pangalan ko?

"Uhmm yung kwintas mo."

Nginitian ko na lang siya at dinial ko na yung number niya. May narinig kaming nagriring, nakita kong sa bulsa niya nanggagaling yung tunog.

"Kuya nasa bulsa mo lang pala eh!"

"Ay oo nga no! Hahaha. Salamat sam!"

Biglang nag-ring yung bell, uwian na pala. Pagtingin ko wala na si kuya, nakalabas na pala siya. Sayang hindi ko natanong yung pangalan niya, kahit may pagka-weird si kuya, pogi naman. Hahaha.

Kinabukasan

Nandito ako sa classroom at 5 pa lang kaming tao dito, inagahan ko talaga dahil gusto kong makausap si kuyang weird pero pogi. Ayan na pala siya.

"Hi kuya! Uhm ikaw ba si Blake? Ikaw ba yung nagtetext sakin kagabi?"

Parang nagulat siya sa tanong ko. Pero tumango din naman siya.

"Hayyyy buti naman. Grabe akala ko masamang tao na yun o scam. Kasi alam ko wala naman akong pinagbibigyan ng number ko. Hahaha."

"Ang wild naman pala ng imagination  mo. Hahaha. Sa gwapo kong to, pinagkamalan ba naman akong masamang tao? Hahaha."

"Wow ha! As in WOW! Ang hangin!"

"Hahaha just sayin' the truth."

"Well, gwapo ka naman talaga." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko ang yabang mo!"

Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako. Bigla siyang ngumiti, "You know, I like you."

"Ah, Like lang pa- wait! What?"

"I said I like you. Romantically."

"Jusko wala pa nga tayong isang linggo magkakilala!"

"Well, ikaw isang araw mo pa lang ako kilala pero ako 3 taon na."

"Huh?"

"Kasi ano uhmm crush na kita first year pa lang ako."

"Ahhhh hehe."

"Swerte mo no? Tinamaan talaga ako sayo eh." nginitian niya pa ako sabay kindat, jusko ang gwapo!

"Kaya wala ng paligoy-ligoy pa..." huminga siya ng malalim, " liligawan na kita, hindi yan tanong kaya wala ka ng magagawa."

Diyan nga sa letcheng pa miss call na yan nagsimula ang lahat sa amin ni Blake. At yun nga, sino pa ba ako para tanggihan ang isang Blake Santiago diba? Syempre kung manliligaw siya, edi go na! Hahaha. Naging masaya kaming dalawa. Napakamaeffort niya sakin, hatid sundo niya ako, lagi kaming magkatext at magkausap sa phone, kaya ayun 5 buwan niya rin akong niligawan at sinagot ko na rin siya. Napakasaya namin nun. Kagaya lang kami ng ibang magkarelasyon na paminsan-minsan nagaaway pero nagbabati rin naman kami agad. Almost perfect na nga daw ang relationship namin eh, kami na daw ang magpapatunay ng Forever. Hahaha. Akala ko nga din eh. Well, akala lang pala talaga ang lahat.

Napangiti na lang ako ng mapait, sayang ang lahat. No let me rephrase it. Sinayang niya ang lahat. Bakit ba kasi Blake? Bakit?

Gabi na pala, makauwi na nga. Pagtayo ko, hindi ko akalaing nakikita ko siya ngayon sa harap ko, totoo ba to? Bakit siya nandito?

"B-blake..."

"Happy Birthday Sam." nginitian niya pa ako at inabot ang isang bouquet ng flowers. "Uhm, galing ako sa bahay niyo kaso umalis ka daw. Kaya naisip kong pumunta na lang dito."

"Ba-bakit ka nandito?"

Tinignan niya ako ng seryoso.

"I want to say sorry Sam. I want you know that I'm really sorry. For everything that I did, for hurting you, for being a jerk, I'm sorry for everything."

"Sorry? Putcha Blake! Hindi yan yung gusto kong marinig! I want explanation! Bakit ha? Paano mo nagawa sakin to?! Bigyan mo ako ng rason dahil mababaliw na ako kakaisip eh!" walang tigil ang mga luha ko. Mas doble pa ang sakit ngayon.

Tinignan niya ako sa mata, "Naalala mo yung sinabi ko sayong pagaaralin ako ni mommy sa ibang bansa? Totoo yun. Ginusto ko din yun dahil alam kong mas magiging magaling ako na doktor pag dun ako nagaral."

"Jusko Blake! Bakit hindi mo na lang sinabi sakin? Alam mo namang maiintindihan kita! Iintindihan ko kung yan yung gusto mo!" 

"Dahil naduwag ako!" may mga luha na ring tumutulo sa mga mata niya, "Wala akong tiwala sa sarili ko,  alam kong hindi na magwowork ang relationship natin. Marami akong mami-meet dun at ikaw rin dito. Alam kong maari tayong magmahal ng iba habang malayo tayo sa isa't isa. Kaya naisip kong putulin na lang ang koneksyon natin sa isa't isa bago pa ako umalis."

"Anong klaseng dahilan yan Blake?!"

"Sam I'm sorry... sorry.." niyakap niya ako ng mahigpit. Pareho pa rin kaming umiiyak. Matagal kaming nabalot ng katahimikan bago ako nagsalita.

"So may nahanap ka ngang iba?" kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng matagal.

"Sam...

.

.

.

.

.

.

.

.

ikakasal na ako."

At dun ako humagulgol ng husto. Hayup ka Blake! Hayup ka! It feels like I'm dying... It really hurts a lot... a lot.

Dear Blake,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon