CHAPTER 3:

40 1 0
                                    

Pag labas namin ni Besh Yassy, agad namin pinag usapan kung ano ba ang papagawa ng Prof. namin sa Physics at kailangan pa talaga ng 6 members every group.

"Mahirap kaya ang papagawa ni Sir ?"Tanong ko kay Yassy.

"Ay ewan ! Basta ang importante kagrupo natin sina Vinceeeeee." Kinikilig na sabi ni Yassy.

Bongga ! Wagas kung makatili ang Lola mo Haha :D

"Oy besh, nakausap mo ba si Vince ? Pano nya nalaman na mag best friend tayo ?" Seryosong tanong ko ng maalala ko ang sinabi sakin ni Vince kanina.

"Honestly Kath, oo. Nagkausap kami, hindi ko matiis eh. Grasya na lumapit tatanggi pa ba teh ? Pavirgin pa ? Hahaha" Natatawang sabi ni Yassy.

"Sira ulo ka talaga ! (Sinabutan ko sya) Haha Baka buong buhay mo nakwento mo na sa kanya." Natatawang sabi ko rin kay Yassy.

"Agad agad ? Baliw ! Nag tanong lang yun tungkol sayo. Naguguilty daw sya sa nangyari nung nakaraan araw. Gusto nya daw mag apologize, kaya kung okay daw satin libre nya daw tayo ng lunch bukas." Paliwanag ni Yassy.

"Anong sabi mo ? Pumayag ka ?" Tanong ko ulit kay Yassy.

" Ay diyos ko naman teh ! Natural. Pavirgin pa ? Minsan lang to. Basta sabi ko payag tayo." Seryosong sabi ni Yassy sira ulo :D.

"Yassy naman ! Iniwan mo ata yung hiya mo sa dorm eh. Ba't ka pumayag ? Close kayo teh ? Alam mo naman mainit ang ulo ko sa mokong na yun. Anyway, pasok na tayo ng library at may babasahin akong libro". Hindi na nagsalita si Yassy, napikon ata Haha :D

Hindi ko mahanap yung dati kong binabasang libro about sa Culinary arts kaya naisip ko magbasa nalang ng history book, papunta na ko sa History Section ng may marinig akong malakas ng hilik.

Zzzzzzz. Zzzzzzzz. Zzzzzzzz.

Agad  kong hinanap kung saan nanggaling ang tunog ta napunta ako sa dulo ng library at nakita kong tulog ng tulog si Vince O.O

Ma ingat akong naglakad palapit sa kanya at baka magising sya. Napatitig ako kay Vince, ang amo nya palang tingnan kapag tulog. Sana palagi nalang syang tulog Haha Oo, aaminin ko gwapo sya. His light brown hair, his nose, his lips, his body Hahaha (Devil Laugh)

" Waaaaaa ! Kath anong pinagsasabi mo ? Wag kang maattractt sa mokong na yan". Sabi ko sa sarili ko. (Nakakatakot kinakausap ko na sarili ko Haha Weird)

Bahagyang aalis na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Kath, anong ginagawa mo dito ? Tanong nya sa akin habang kinukusot ang kanyang mata".

"Malamang naghahanap po ng libro kasi Library ito. At pwede po paki bitiwan na ng kamay ko ?". Mataray na sagot ko sa kanya.

Agad nya naman binitiwan ang kamay ko at tumayo na sya sa kanyang pagkakaupo.

"May practice kase sila Nathan at Lance ngayon sa banda kaya pumunta nalang ako dito para matulog." Sabi nya sa akin habang  naghahanap ako ng history book na hindi ko mahanap. Leche :3

"Wow ! Anlaki ng kwarto mo ah Haha Buti di ka napagalitan. Isusumbong na sana kita pe----

"Pero natulala ka sakin at hindi na nakagalaw dahil sa kagwapuhan ko ?" Pag kumpleto nya sa sasabihin ko.

"Hilig mong mambara nu ? Kapal mo pa ha Haha Gwapo daw, saang banda po ?" Nakatawang sabi ko sa kanya :D

"Kaya pala titig na titig na ka sakin kanina ha. Crush mo ko nu ?" Pampipikon nya sakin.

Kumuha ako ng atlas at pinakita ko sa kanya.

"See this ? Sabay turo sa libro. Ganto kakapal ang mukha mo". Mataray na sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rejected MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon