Tahimik akong bumayahe kinabukasan baon ko pag-uwi ang sakit na dulot ng kataksilan ni Lexter. I feel so lost. He is my life and now that everything is over, 'di ko na alam anong gagawin ko. Lahat ng plano ko kasama siya, paano na ako ngayon. Patuloy lang ang pag-iyak ko hanggang huminto na ang sinasakyan ko pahiwatig na nasa San Pablo na ako.
"Mera, kumusta?" Buong siglang salubong ni Micah sa akin.
"Hey, girl bakit parang 'di ka naman yata masaya? May nangyari ba?" Patuloy niya. I just hug her at doon na bumuhos ang lahat ng luha ko at napahagulhol ng todo.
"Saan ba ako nagkulang? Ano bang maling nagawa ko?" Sunod sunod na tanong ko kang Micah, 'di parin mapigil ang pagluha ko.
Ilang minuto rin akong nagsentimental bago ako napatahan ni Micah. Dinala niya ako sa park para mahimasmasan.
"Buntis na ang babae," panimula kong kwento sa kanya. Tahimik lang siya habang nakikinig sa akin.
"Kung hindi ako nagkakamali nasa 6 to 7 months na ang tyan niya." 'Di ko na mapigilan ulit ang luha ko.
Matamlay akong umuwi sa bahay. Tipid na ngiti lang ang tugon ko sa mga magulang ko kapag nagtatanong sila kung kumusta ang lakad ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko at doon natulala na naman ako. I tried my best to recall kung saan ako nagkulang at nagkamali, inaalala ko kung saan banda ba ako hindi naging mabuting gf para magawa niya sa akin iyon, ang pagtaksilan ako.
Ilang araw rin akong nagmukmok at umiyak sa kwarto ko, bago ko natanggap ang lahat. Masakit man pero anong laban ko kung buntis na si Jen. Kung ipipilit ko ang gusto ko at bulabugin sila paano na man ang bata. Wala namang kasalanan ang bata para masama sa galit ko sa mga magulang niya. Hinalukat ko ang drawer ko at kinuha ang lahat ng love letters namin maging ang mga picture namin ay inipon ko sa isang box. Bumaba na ako bitbit ang box at pumuta sa likod bahay upang sunugin ito.
Dumaan ang isang buwan at medyo na kakamove-on na rin ako sa lahat ng nangyari. Maybe, not totally pero atleast hindi na ako lumuluha kapag ako nalang.
"Bes, ito oh" inabot sa akin ni Micah ang tatlong pirasong papel.
"Para saan 'to?" I asked her at doon ko lang na pagtanto na application paper pala iyon para sa nalalapit na pagpili ng kahari-an sa susunod na reyna, na magiging asawa ni Prince Jared.
"Try mo lang, Mera. Malay mo pagpalain ka. Tapos ko na nga palang i-fill up ang mga basic information mo, signature mo nalang ang kulang at syempre your actual picture." Nakangisi niyang tugon. Wala rin naman sigurong masama kapag tiniry ko diba? So I signed the application form at hinila na ako ni Micah sa isang computer cafe para doon magpapicture at print na rin.
Wearing a white t-shirt,jeans, and a flat shoes with a ponytailed hair. And using my usual smile the cameraman clicked his cam. Nag-antay kami nang ilang minuto at na print na ang photo.
"Ok na siguro 'to pero mas magiging better siguro ito kung nakadress ka." Tugon ni Micah habang sinusuri ang photo ko.
Pagkatapos ko ay siya naman ang nagpapicture. Kaya naman pala kinukulit niya ako, gusto niya kasing magfill up at wala siyang kasama kaya dinamay ako, hayst! Matapos namin mahulog sa isang dropbox ang application form namin ay dumiretso na kami sa work namin.
"Mera, Mera..." tarantang tawag ng kaibigan kong si Micah sa akin.
"Mera 'yong application mo natanggap!" Napatulala lang ako sa balita niya sa akin.
Gusto ko sanang maging masaya, hindi lang maging masaya kundi nararapat na ipagdiwang ang pagkatanggap ko ngunit hindi ko feel ang kasayahan sapagkat hindi ko naman ginusto na mapabilang sa mga babaeng nakakandarapa makaangat lang sa buhay.
"Mera, nakikinig ka ba ?!" Yugyog niya sa balikat ko. Tanging tango lang ng ulo at alanganing ngiti ang naisagot ko sa kanya.
"Congrats, Ameerah..."
"Ganda lang ni Ameerah ang malakas..."
"Sana naman kahit umangat ka na sa buhay ay kikilalanin mo parin kami, Ameerah"
Tanging tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa lahat. I was shocked. Natanggap ako and it is a great news pero bakit 'di ko magawang maging masaya.
"Anak,..." nag-aalalang salubong ni mama sa akin.
"May problema ba, Ma?" I curiously asked her.
"'Yung papa mo kasi isunugod sa hospital." Hearing the bad news bigla akong nawalan ng lakas.
"Bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay kanina sa trabaho niya." Pagpapatuloy niya.
Nasa hospital kami ni mama, waiting sa reult ng test ni papa. Nang biglang lumabas ang isang nurse.
"Sino po ang guradian ni Mr. Rodriguez rito ?" Tanong ng nurse. Tumayo kami ni mama sign na kami ang hinahanap niya.
"I'm sorry to tell you this pero kailangan na po maoperahan ang mister niyo Mrs. Rodriguez." Biglang nawalan ng balanse si mama nang marinig niya ang tugon ng nurse. Inalalayan namin siya sa isang upuan. At ako na ang kumausap sa nurse.
"Sige po, ma'am. Gawin niyo po lahat maisalba lang ang buhay ng papa ko."
"Kung ganon, maaari ba kayong sumama sa akin. May mga papers kasi na kailangan ng perma niyo." Naunang naglakad ang nurse at sumunod naman ako.
Nasa legal age na ako kaya qualified na akong pumirma lalo na at mukhang wala pa sa sarili si mama. I signed all the papers needed at inabot ito sa isang nurse.
"Miss, I just want to remind you again na kakailanganin ng malaking halaga ang operasyon ni Mr. Rodriguez. For you to be prepared gusto kong malaman mo na hihigit sa one hundred thousand ang kakailanganin ninyo." Tugon ng nurse bago siya lumakad papalayo sa akin.
Of course, kakailanganin talaga ng malaking. Pagsamantalang na sa ICU pa si papa habang wala pa kaming down payment na naibibigay sa hospital. We already sold everything we owned ngunit 'di pa rin ito sapat for the down payment. Lahat na rin ng kakilala namin ay nahingan na namin ng tulong.
"Mera..." tawag ni Micah sa akin. Hindi ko na kasi namalayan na natutulala na pala ako.
"Bakit?" Walang gana kong tanong sa kanya.
"Siguro makakatulong sa'yo ngayon ang pagiging kabilang mo sa mga napili" explain niya sa akin. "Maraming benifits rin ang makukuha mo kapag tinanggap mo iyon" She was referring to the application na nakapasa. Tipid akong ngumiti sa kanya bilang tugon na pag-iisipan ko iyon.Matamlay akong naglalakad pauwi sa amin nang sinalubong ako ng kapitbahay namin.
"Mera, 'yung mama mo. Isinugod sa hospital." Tarantang tugon niya.
I was looking at my parents sa isang hospital ward. Nilipat kasi si papa dahil mas mahihirapan kami sa pagbayad kung sa ICU pa rin siya mananatili. Halos mabasag na ang ulo ko kakaisip kung ano ang dapat kong gawin.
"Mera, mag-iingat ka mamiss kita." Maluha-luhang tugon ni Micah sa akin.
Almost everyone congratulates me and give their wishes and luck. Kasalukuyang naka-park ang magarang kotse sa harapan ng bahay namin.
"Ikaw lang maaasahan ko rito. Please take care of my parents."
"Syempre naman, para ko na ring mga magulang sila tito at tita. Rest assured ako na ang bahala sa kanila, mag-enjoy ka doon and of course take care of yourself. Wala ako doon para bumak-up sa'yo." I hugged her tight. Hindi ko na rin mapigilan ang luha ko.
"Miss Rodriguez, paumahin po pero mahuhuli na tayo sa flight." Tugon ng isang bodyguard na pinadala ng palasyo.
Kumalas na si Micah sa akin at lumakad na ako patungo sa kotse. I waved my hand to them. Nang maisara na ang pintuan ng kotse ay di ko na mapigilan ang makaramdam ng lungkot. Sanay akong mabuhay nang payak pero ngayon tila magbabago na ang lahat. 'For my parents, I can do this.' I encourage myself.
BINABASA MO ANG
Chosen Queen
RandomCrown Prince Jared Marin in the Kingdom of Caesera, is searching for a wife that could sit with him in the throne in the near future. Prince Jared was hoping that during the search he could not only find a rightful queen for the kingdom, but also he...