Chapter 3

0 0 0
                                    

Naglalakad ako sa hallway papuntang library ng biglang may humatak sakin at sinandal ako sa pader papasok ng abandonadong silid at tinakpan nya yung bibig ko.





Hingal na hingal siyang tumingin sakin at sumenyas na wag akong maingay. Bigla kong narinig na dumaan na mga estudyante din na nagsisitakbuhan at inantay nyang makaalis yun  hanggang sa makasigurado nyang wala na sila saka nya lang tinanggal yung takip sa bibig ko.




"I'm sorry if i drag you here" sabi ni Kyron  habang hinihingal pa din napatitig ako sa kanya dahil may sugat siya sa labi para siyang nakipag away. Habang iniisip ko yon napagtanto ko na napakalapit pala namin sa isa't isa.




Hindi ako makagalaw dahil sa pwesto namin diko alam kung itutulak ko ba siya o hahayaan ko na lang. Nakahawak pa rin ang isang kamay nya sa pader habang nakasandal pa rin ako nakatingin siya sa labas at di napapansin kung gano siya kalapit sakin.




Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa lumingon siya sa akin.



"Enjoying the view?" Sabi niya at nagpakawala ng nakakalaglag panty na ngiti




"Luh enjoy daw asa ka!" Itutulak ko na sana siya ng biglang sinandal niya yung dalawa nyang kamay sa pader.




"Pano naman kung ganto?di ka pa rin ba mag eenjoy?" Sabi niya at lumapit lalo sa mukha ko diko na alam gagawin dahil kinakabahan na ko pumikit ako shet baka halikan ako neto baka nakawin ang first kiss ko!!!!




"Iniisip mo bang hahalikan kita? Kung gusto mo, sure why not?" At bigla ko na lang naramdaman na dumikit na ang labi niya sa labi ko.





Nakapikit lang ako malakas ang tibok ng puso. Para akong naestatwa sa mga oras na to walang pumapasok sa isip ko walang gustong gawin ang katawan ko. Nabalik lang ako sa katinuan ng hawakan niya ang bewang ko at hinapit ako palapit sa katawan niya.




Bigla ko siyang tinulak at napahawak sa labi ko. Maiyak iyak akong tumingin sa kanya. Napansin niya atang di ko nagustuhan yung ginawa niya.




"Sorry Scarlet, i just can't take it i was too attracted i'm really sorry" he sincerely apologize




Kaya lang naman ako nagalit kasi lasang dugo yung labi niya joke lang hahaha first kiss ko yun e huhu ibibigay ko to sa mapapangasawa ko nakakainis naman. Masama ko siyang tinignan at lumabas na ko ng room na yon. Tinawag niya pa yung pangalan ko at paulit ulit na nagsorry pero di ko siya nilingon.



Naglakad na lang ako papuntang room, pagkapasok ko dumating na din yung prof namin. Nagsimula na siyang nagturo nakatulala lang ako sa bintana habang iniisip yung nangyari kanina. Nagpalinga linga ako sa room at napansin kong hindi pumasok si Kyron.





Nasagip ng mata ko si Drake at nakita kong nakatingin siya sakin saka kumindat. Lumingon kaagad ako pabalik sa ayos ko at nagsteady na lang sa ganon dahil ayaw kong makita si Drake dahil nakabantay ang mga fans niya baka masabunutan na naman ako mamaya.





Lumipas ang lahat ng klase ko pero yung halik lang ni Kyron yung nasa isip ko. Bat kasi hindi ko makalimutan yon? Pinalo palo ko ang ulo ko at pilit inaalis sa utak ko yon.




Mag aalas otso na akong lumabas dahil nagbasa basa muna ako sa library. Palabas na ko at natanaw ko agad si Athina na nag aabang sa labas ng gate.




"Ang tagal mo naman gurl akala ko mabubulok na ko dito e alam mo namang birthday ko tas pag aantayin mo pa ko ng matagal" sabi niya at pumasok na kaagad sa kotse niya. Pumasok na lang din ako para di na magbugnot si bruha.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All LiesWhere stories live. Discover now