Tinignan ko ang paligid nagbabakasakaling may taong makakatulong sa akin.Walang tigil ang pagtakbo ko at hingal na hingal na ko, nandidilim na ang paningin ko dahil sa hilo pero pilit kong nilabanan yon dahil sa takot.
"Tulungan nyo ko!" Sigaw ko
"Walang tutulong sayo, kahit anong gawin ko sayo walang maghahanap sayo." Galit na sigaw niya "Isa kang basura ang dapat sayo tinatapon!" Pagpapatuloy niya at walang humpay ang pagtawa.
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya dahil ang pagtakas lang ang nasa isip ko,
Iyak ako ng iyak habang di pinapansin lahat ng sugat at pasa sa katawan ko. Kailangan kong makaalis dito kaagad hindi ko na kaya dahil unti unti nang nanlalambot ang katawan ko at ayaw ng magpatuloy pa.'Mamamatay na ba ko?' Tanong ko sa sarili ko, pagkalingon ko kung nasaan ang taong humahabol sakin ay biglang naging black ang paligid at nawalan na ko malay.
YOU ARE READING
All Lies
Teen FictionBinigay lahat ni Scarlet nagmahal siya ng totoo pero totoo din ba ang binigay sa kanya? It was all a lie personality,love,trust all and all. Hindi natin alam kung ano ba ang totoo o hindi.