Chapter 2

0 0 0
                                    

Maaga akong gumising dahil nakabike lang ako papuntang school, nag t-shirt tsaka jogging pants lang ako dahil pagpapawisan pa ko.



Pagkadating ko sa school ay nagpalit na ko ng school uniform namin mahaba ang palda ko at medyo malaki pa ang longsleeve ng uniform ko kaya tinatawag nila akong manang lagi.



Pumunta muna akong library para mag antay lumipas ang oras dahil maaga pa may isang oras pa ko 7 palang at 8 pa magsisimula ang klase namin.



Nagbasa lang ako doon at magkakalahating oras na ng biglang may umupo sa harapan ko. Kunot noo kong inangat ang mukha ko pero bigla din akong napaayos ng upo dahil si Kyron ang nasa harapan ko.



Pinagmamasdan niya lang ako at walang sinasabi ramdam na ramdam ko talaga ang pagkacold niya dahil walang emosyon ang mata o mukha niya.



"Hhmm may kailangan ka ba?" Takang tanong ko dahil wala naman syang ginagawa



"Nope i just want to stare at your beautiful face" ay wow parang labas sa ilong yon ah
Napataas bigla yung kilay ko kasi helloooo? Kyron yan oh tapos sasabihin maganda ako? Hala e parang pumuti na ang uwak



"Ay talaga ba?san banda? Baka naduduling ka lang o baka nanlalabo mata mo patingin mo na yan sa doctor baka lumala." Sagot ko pero natawa lang siya at tiningnan ako ng seryoso


"Can i court you?" Sabi niya at ngumiti


Teka parang narinig ko na to? Ay sandaleee diko maalala, biglang pumasok sa utak ko yung boses ni Drake owshit manliligaw din siya saken? Ano bang nangyayaree?



"Haaa?pakiulet naman natutulig na ata ako" sabi ko at sinundot sundot pa ang tenga ko


"I want to court you Scarlet, i think I'm falling to you. Whenever i see you my heart race it feels like you are going to stole it." Napanganga na lang ako sa sinabi niya at pakurap kurap sa naririnig at nakikita ko



Hindi ko na malaman gagawin ko dahil naiisip ko si Drake jusko po hirap maging maganda, hindi ko naman sila ginayuma diba?wala naman akong ginawa para magustuhan nila ako pero bat nga sila magkakagusto sakin e ang dadaming magagandang babae ang nagkakandarapa sa kanila? nag aalangan ko siyang tinignan at ngumiti ng kaunti.



"Pag isipan ko muna ha" at umalis na kaagad ako para wala na siyang masabi pa




Grabe nawiwindang ako sa nangyayare sakin dalawang pinagkatintilian ng mga babae sa school magkakagusto sakin? Sumasakit lang yung ulo ko kakaisip kaya tinanggal ko muna ang ulo ko este yung iniisip ko.




Lumipas ang oras at pumunta na ko sa classroom namin dumating na ang professor at nagsimula ng lesson niya.




Nakikinig lang ako at napalingon saglit sa kaliwang upuan ko dahil may nakipagpalit doon, napalaki ng bongga ang mata ko dahil ang nakipagpalit sa katabi ko ay si Kenneth at tinignan ko naman ang kanan ko at napalingon si Drake sakin saka ngumiti na may pakindat pa.



Diko alam gagawin ko feeling ko nasusuffocate ako , pinilit ko na lang makinig kahit nararamdaman kong tingin ng tingin sakin yung dalawa kong katabi at syempre nararamdaman ko din yung matatalim na tingin ng mga inggeterang palaka sa paligid ko.




Natapos ang klase at lilipat na ko ng room para sa susunod na subject biglang may umagaw ng bag ko manggagalaiti sana ako sa galit pero ng makita ko kung sino yung kumuha ay napatiklop ako.




All LiesWhere stories live. Discover now